parenting tips,parenting,bullying,cyberbullying,sc24,con-00432,lch-00432,Bullying Vs. Cyberbullying: Mga Dapat Mong Malaman,bullying, cyberbullying, pagkakaiba ng bullying at cyberbullying, epekto ng bullying, epekto ng cyberbullying, proteksyon laban sa bullying, proteksyon laban sa cyberbullying, tradisyonal na bullying, online bullying, kabataan at bullying,Alamin ang pagkakaiba ng bullying at cyberbullying. Tukuyin ang mga pangunahing pagkakaiba, epekto, at kung paano protektahan ang iyong sarili at iba pa.
ParentingBig Kids

Paano Nagkakaiba Ang Karaniwang Bullying At Ang Cyberbullying?

Dagdag kaalaman ukol sa bullying at cyberbullying.
PHOTO BYCanva

Naniniwala tayo sa kahalagahan ng pagtuturo sa mga bata at kabataan ng panloob at panlabas na gawi at pag-uugali na makakatulong sa kanila na magkaroon ng tiwala sa sarili, umunawa at pagmamalasakit sa kapwa, at higit sa lahat ang igalang ang kapwa tao. Gayunman, hindi maitatangging malaking hamon sa lipunan lalo na sa paaralan, organisasyon, at komunidad sa marami nang taon ang usapin ng bullying. At bunsod na rin ng pag-unlad ng teknolohiya, umusbong din ang cyberbullying na mas nagiging mas malaganap ang konsepto ng bullying.

Hindi na rin bago sa mga kabataan ang pagharap sa mga usapin o suliranin na kaugnay ng pakikitungo o pakikisalamuha sa ibang tao habang tumatanda sila at lumalawak ang kanilang pakikipag-ugnayan. Nariyan ang isyu sa pananakit ng damdamin ng iba at pagdulot ng mabigat na pakiramdam sa kanilang biktima.

Ayon sa Medline Plus, karaniwang katangian ng ng gawaing pambu-bully ang pagkakaroon ng agresibong pag-uugali, kapangyarihan, at paulit-ulit na gawain.

Ang bullying ay kapag paulit-ulit na nakapananakit ang isang tao o grupo ng tao para sa isang layunin. Maaari itong pisikal, sosyal, at berbal. Hindi ito nakabubuti para sa biktima at maging sa gumagawa ng pambu-bully, gayundin sa iba pang nagiging sangkot sa sitwasyon.

Samantala, sa cyberbullying naman, ginagawa ang pananakot sa pamamagitan ng text message o online. Maaari din itong sa email, social media, forums, o gaming platforms. Itinuturing na ilegal na gawain ang ilang uri ng cyberbullying at may magkakaibang batas ng cyberbullying sa bawat bansa.

Sa mga pag-aaral, lumalabas na maraming pagkakaiba ang cyberbullying sa tradisyonal na bullying. Ilan sa mga ito ang nakatala sa tsart:

CYBERBULLYING BULLYING
Online Harapan o face-to-face
Walang pinipiling oras at panahon May nakatakdang oras at panahon
Malawak ang audience, pwedeng mag-viral
Limitado ang pwedeng makaalam
Maaaring itago ang identidad ng bully
Madaling makilala ng bully
Walang limitasyon ang espasyo o lawak na sakop May espasyo lamang o may hangganan ang sakop
Naitatago ang ekspresyon ng mukha
Makikita agad ang ekspresyon ng mukha
Walang safe space, mahirap tumakas sa sitwasyon Madaling makahanap ng safe space para makatakas

Mga Pagkakaiba ng Bullying at Cyberbullying

Ang bullying ay ginagawa nang harapan samantalang maaaring itago ang pagkakilanlan sa cyberbullying.

Mas madaling gawin ang cyberbullying hindi gaya ng bullying na kailangan ng face-to-face na pakikipag-interaksyon. Nagtatago sa likod ng gadget gaya ng computer at cellphone ang mga taong gumagawa ng cyberbullying. Maaaring gumawa rin sila ng hindi totoong account. Hindi rin nakikita ang emosyon at damdamin ng taong ginagawan ng cyberbullying kaya walang nakukuhang ideya ang nambu-bully sa pinsala o epekto nito sa binu-bully. Madali ring gawin ang cyberbullying dahil hindi naman nakikita nang harapan ng binu-bully kaya madaling gumawa o magsalita ng mga bagay sa kapwa. Samantala sa bullying, nakikita ang taong gumagawa nito kaya mas madaling iwasan ito ng biktima o lumayo rito.

watch now

Ang bullying ay karaniwang pinaplano samantalang madalas na pabigla-bigla ang cyberbullying.

Mahusay na pinaplano sa karaniwang bullying ang gagawing pag-atake sa biktima hindi gaya sa cyberbullying na ginagawa ito nang hindi iniisip, padalos-dalos ang pagkilos, o hindi pinagpaplanuhan basta matindi ang damdamin.

Ang bullying ay gumagamit ng kapangyarihan para magkaroon ng kontrol ngunit sa cyberbullying ay maaaring hindi o kabaligtaran nito.

Katangian ng bullying ang pangangailangan ng kapangyarihan at pagkontrol, pagiging agresibo, at aktibo para sa kanyang target. Maaaring hindi makita ang mga katangiang ito sa mga kaso ng cyberbullying.

Ang bullying ay may mas malinaw na pinagmumulan at ginagampanan ang bawat kasangkot hindi gaya sa cyberbullying na magkakahiwalay.

Sa bullying, ang gumagawa nito ay nakaranasan din ng pambu-bullying o karahasan noong bata siya o mula sa taong mas nakatatanda sa kaniya. Hindi ganito ang sitwasyon sa cyberbullying na kadalasang may magkakaparehong gampanin ng lahat nang sabay-sabay. Walang malinaw na katauhan o personalidad sa cyberbullying at ang target nito dahil maaari itong mangyari kahit kanino at gawin nang kahit sino.

Ang bullying ay maaaring malaman agad samantalang maaaring mangyari ang cyberbullying anumang oras at kahit saan.

Karaniwan na may limitadong panahon at lugar kung saan gagawin ang bullying, kadalasan iyong walang gaanong tao o makakakita. Mas madaling malalaman, makakaramdam, at magkakaideya ang biktima para makakilos siya o maiwasan ito. Hindi gaya sa cyberbullying na tila walang kawala ang biktima dahil 24/7 ay maaaring mangyari ito, malayo man o malapit ang target na biktima. Mas lumalawak ang espasyo mas nahihirapan ang biktima na humanap ng ligtas na espasyo para sa kanya.

Ang bullying ay palihim na ginagawa samantalang ang cyberbullying ay maaaring malaman ng publiko at maging viral.

Isa pang problema rin sa cyberbullying ay marami ang nakikisawsaw at nakikisali hanggang sa tuluyang maging kabahagi sila ng sitwasyon. Samantalang sa bullying ay kadalasang ginagawa sa pribadong espasyo hindi sa publiko. Mas napadadali ng teknolohiya ang cyberbullying kaya nagiging viral ito sa publiko. Nagiging mas malawak ang sakop na audience na higit na nagpapahirap sa sitwasyon ng biktima at mas nagiging kahihiyan sa kanya.

Ang bullying ay mas malinaw ang mga indikasyon at ang mga salik na nakakaapekto hindi gaya sa cyberbullying.

Batay na rin sa mga pag-aaral, maraming salik ng pakikipag-ugnayan ang may kinalaman sa suliranin ng pangkalahatang kalusugan kabilang na ang mental na kalusugan. Kaya sa karaniwang bullying mas madaling malampasan o makapanumbalik sa epekto ng bullying. Samantala, sa cyberbullying hindi gaanong malinaw ang ugnayan ng salik dahil nga maaaring mangyari ito kaninuman at gawin ng kahit sinuman.

Sa kabuuan ang pagkakaiba ng bullying at cyberbullying ay:

  • Ang bullying ay maaaring verbal, emosyonal, at pisikal na pang-aabuso ng tao nang harapan samantalang ang cyberbullying ay anyo ng pambu-bullying na ginagawa gamit ang gadget o device gaya ng cellphone, computer, o iPad at access sa Internet.
  • Walang pinipiling panahon at platform ang cyberbullying hindi gaya ng bullying na may espasyo lamang at takdang panahon.
  • Mas madaling makaiwas sa bullying kaysa sa cyberbullying.
  • Sa bullying, maaaring makapahinga ang biktima pag-uwi niya ng bahay pero sa cyberbullying, maaari siyang kontakin at gambalain kahit nasa bahay.
  • Bagaman pareho itong nakaapekto sa emosyonal at mental na aspekto ng biktima, mas matagal ang epekto ng cyberbullying at mas matindi ang nagagawang pinsala sa buhay ng isang indibidwal kumpara sa tradisyonal na bullying.

Pinagkunan ng Impormasyon: Bullying and Cyberbullying, Cyberbullying Versus Traditional Bullying

Alamin ang mga posibleng rason kung bakit may mga nambu-bully dito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close