Filipino,big kids,parenting tips,parenting,bullying,bullying in school,sc24,con-00432,lch-00432,Paano Malalaman Kung Nabu-bully ang Iyong Anak?,senyales ng bullying, sintomas ng bullying sa bata, suporta sa nabu-bully na anak, pagtukoy sa bullying, estratehiya kontra-bullying, pag-iwas sa bullying, gabay ng magulang sa bullying, kaligtasan ng bata sa paaralan, suportang emosyonal para sa bata, interbensyon sa bullying ng estudyante,Alamin ang 10 senyales ng bullying sa paaralan at kung paano susuportahan ang iyong anak. Bigyan ng proteksyon at lakas sa mahalagang impormasyon.
ParentingBig Kids

10 Senyales Na Nakakaranas Ng Bullying Sa Paaralan Ang Iyong Anak

Mga bagay na kailangan malaman ukol sa bullying sa paaralan at paano susuportahan ang anak.
PHOTO BYAdobe Stock

Ang bullying ay may malawakang negatibong epekto sa isang tao lalo na sa kabataan. Ito ay nakakababa ng self-esteem at kumpiyansa sa sarili, na nagiging sanhi ng kahirapan sa pag-focus sa pag-aaral, at mas madalas humantong sa pag-ayaw sa pagpasok sa paaralan. Isa sa naapektuhan ng bullying ay ang aspektong emosyonal ng bata na nag reresulta sa kawalan niya ng interes sa pag-aaral.

Ang bullying sa paaralan ay isang seryosong isyu na kinakaharap ng mga bata at kabataan sa kasalukuyan. Batid natin na ang pambubully ay isang paraan ng paggamit ng lakas o kapangyarihan laban sa isang mahinang indibidwal na tinutukoy na biktima. Paliwanag ng Center for Disease Control and Prevention, ang bullying ay anumang uri ng hindi kanais-nais na agresibong pag-uugali ng isang kabataan o grupo, na ginagawa hindi lamang minsa kundi paulit-ulit. Isa itong anyo ng pang-aabuso sa paraang pananakot o pananakit na nagdudulot ng pagkabalisa sa target na biktima na nakaapekto sa kanilang emosyonal, pisikal, sikolohikal, at sosyal na pakikipag-ugnayan.

Kalagayan ng Bullying sa Paaralan sa Pilipinas

Ayon sa UNESCO, malaki ang epekto ng bullying, harassment, at iba pang anyo ng school violence sa mental health ng mga mag-aaral. Batay sa datos sa Pilipinas, nasa 40% ng mga mag-aaral na nasa edad 13-17 ang iniulat na nakaranas ng bullying sa paaralan sa loob ng isang taon, at nasa 29% lamang ang naiulat na ang kanilang mga magulang o guardian ay nakauunawa at nakaalam ng kanilang sitwasyon.

Karaniwan itinuturing na pangalawang tahanan ang paaralan para sa mga bata kung saan sila nagkakaroon ng ikalawang pamilya at dito rin higit na nahuhubog ang kanilang mga pagkatao. Kaya mahalaga na madama ng mga mag-aaral na ligtas sila habang nasa paaralan. Nararapat na ang bawat paaralan ay maging isang safe space para sa mga bata.

Pero paano kung dito nila nararanasan ang mga sumusunod na mga uri ng pambu-bully sa paaralan:

  • Pagnanakaw
  • Pagtatago o paninira ng kanilang gamit
  • Pisikal na pananakit gaya ng panununtok o pananabunot
  • Pagkakalat ng tsismis
  • Pag-iwas na isama ang bata sa mga pangkatang gawain sa klase
watch now

Mga Senyales na Nakararanas ng Bullying sa Paaralan ang Iyong Anak

Magkakaiba ang lebel at paraan ng pagharap ng bawat mag-aaral sa nararanasan nilang bullying sa paaralan ngunit may mga senyales na dapat maging alarma para sa mga magulang o guardian:

1. Pagbabago sa mood

Isa sa kapansin-pansin ay ang pagbabago sa kanilang pag-uugali. Mapapansin na mas nagiging moody sila, malungkot, pagnanais na maging mapag-isa, o iritable.

2. Palaging may sakit at may sugat

Inirereklamo nila paulit-ulit ang pagsakit ng ulo, tiyan, at iba pang pisikal na karamdaman na maaaring totoo o pagpapanggap lamang. Maaaring madalas din na nasa clinic sila ng paaralan. Pansinin din kung may mga galos, sugat, pasa, o sira sa kanilang damit. Bukod dito, maaaring saktan din niya ang kanyang sarili.

3. Pagbabago sa pagkain

Bunsod ng nararanasan nilang bullying, maaaring mawalan sila ng gana sa pagkain dahil sa emotional distress. Kung mapapansin na parang gutom na gutom sila pagkauwi ng bahay ay maaaring kinukuha ang kanilang pagkain o pambili nito.

4. Pagkawala ng mga gamit

Kung ang isang batang responsable sa kanyang mga gamit ay nagkakaroon ng mga pattern ng pagkawala ng kanyang gamit o pag-uuwi ng gamit niya sa bahay na may sira, maaaring dulot ito ng pambubully. Kung mapapansin ding nagiging palahingi siya ng pera na hindi gaya dati na masinop siya.

5. Nahihirapang matulog

Nakaapekto sa pattern ng pagtulog ang pagiging balisa o stress dahil sa bullying. Bukod dito, maaari ding magkaroon siya ng masasamang panaginip.

6. Pagiging agresibo

Mapapansin din ang pagiging kasangkot niya sa mga gulo. Maaaring makapanakit din siya ng ibang tao kahit sa bahay dahil sa pagnanais niyang ilabas ang galit mula sa pambubully o gumanti.

7. Pagkawala ng kumpiyansa sa sarili

Ang batang nakakaranas ng bullying sa paaralan ay bumababa ang self-esteem. Mas nagiging negatibo rin ang pag tingin niya sa mga bagay at maging sa pagbibigay ng komento o opinyon.

8. Pag-ayaw sa paggamit ng social media

Isang uri na mararanasan niya ang cyberbullying na maaaring magdulot sa paghinto niya sa paggamit ng gadget o matagal na pag babad sa social media.

9. Pagbabago sa pakikitungo sa iba

Mapapansin din ang pagnanais niyang mapag-isa o inilalayo niya ang sarili sa maraming tao o grupo. Ayaw niya ang makipag-socialization lalo na kung may mga pagtitipon sa pamilya.

10. Pagbaba ng mga grado sa paaralan

Isa pinakamalaking epekto ng bullying ay ang pagbaba ng grado o performance sa paaralan dahil sa pagkawala ng interes sa pag-aaral. Humahantong din ito sa pag-ayaw o pagkatakot na pumasok sa paaralan o sumali sa mga gawain sa paaralan.

Mga Suportang Maaaring Ibigay sa mga Mag-aaral na Nakararanas ng Bullying sa Paaralan

Sa pagkakataong matuklasan mo na ang iyong anak ay nakakaranas ng bullying sa paaralan, mahalaga ang agarang pagtugon dito upang mabigyan ng mabilisang solusyon. Mahalaga ang pakikipagtulungan sa guro at sa paaralan. Ayon sa American Psychological Association, para maiwasan at mahinto ang bullying, mahalaga ang pagkakaroon ng komitment sa pagbuo ng isang ligtas na kapaligiran para sa mga bata. Tinutulan ng anumang paaralan ang pagkakaroon ng bullying. May sistema at polisiyang sinusunod ang bawat paaralan alinsunod din sa utos ng DepEd sa ilalim ng pagpapatupad ng Anti-Bullying Act of 2013.

1. Kausapin ang iyong anak at tanungin siya kung kumusta siya sa paaralan.

Maaaring tanungin kung sino ang kaniyang madalas na kasama at mga ginawa niya. Ang pagkakaroon ng bukas na ugnayan sa iyong anak ang pinakamabuting solusyon sa anumang problema. Kung napansin mong may pagbabago sa kaniya ngunit ayaw niyang sabihin ito sa iyo, maaaring sumangguni sa mga kaibigan o guro.

2. Iparamdam sa kanila ang iyong pag-aalala at iwasan na maramdaman nila na magagalit ka sa sitwasyon.

Sa ganitong pagkakataon, higit na kailangan ng iyong anak ang pag-unawa. Totoong magagalit ka sa sitwasyon dahil nasasaktan ka bilang magulang ngunit mas mahalaga ang pananatiling mahinahon at kalmado.

3. Turuan ang iyong anak kung paano haharapin ang mga bully sa paaralan.

Habang hinihintay sa mga ginagawang imbestigasyon sa paaralan, tulungan din ang iyong anak na palakasin ang loob at mga tamang gawain na hindi magpapadaig sa mga nambubully sa kanya. Maaaring magsagawa ng mga senaryo sa bahay at tanungin siya kung ano ang mga hakbang na gagawin niya o bigyan siya ng mabubuting payo. Higit sa lahat, turuan siya na i-report ang agad ang anumang pambubully na nararanasan niya at huwag matakot na magsalita.

Mga Pinagkunan ng Impormasyon: Fast Facts: Preventing Bullying, How a youth advocate is working to end school violence and raise awareness on mental health in the Philippines, How parents, teachers, and kids can take action to prevent bullying

Alamin ang ibang uri ng bullying maliban sa physical abuse dito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close