bully,bullying,sensitive topics,sc24,con-00390,lch-00390,Violence & Abuse,Sensitive Subjects,Debated Sensitive Social Issues,Bullying Sa Bahay: Paano Maiiwasan | Smart Parenting,Violence & Abuse,Sensitive Subjects,Debated Sensitive Social Issues,Sensitive Topics,bully,bullying,Alam mo bang ang bullying o pambubulas ay maaari ding mangyari sa loob ng tahanan?
Parenting

Bullying Sa Bahay: Early Signs, Epekto, At Paano Maiiwasan

Alam mo bang ang bullying o pambubulas ay maaari ding mangyari sa loob ng tahanan?
PHOTO BYADOBE

Hindi laging smooth-sailing ang relasyon ng magkakapamilya sa isa't isa. May mga pagkakataong may magkakapatid na hindi nagkakaunawaan o kaya hindi nagkakasundo. Kung minsan, magulang at anak din ang nagkakaproblema.

Naranasan mo na bang ma-bully ng sarili mong magulang o kaya kapatid? O kaya ng asawa mo? Hindi madaling sitwasyon ito at paano nga ba ito hinaharap at nalalampasan?

Narito ang dapat mong malaman tungkol sa bullying sa bahay, partikular na sa mga senyales at epekto nito sa mga bata:

Early Signs ng Pambubulas

Ayon sa Teenage Mental Health, mga senyales ng bullying o pambubulas sa bahay ang sumusunod:

  • Pang-iinsulto
  • Pisikal na pananakit
  • Pagsasabi ng nakasasakit na mga salita

Nag-aalala rin ang ibang mga magulang na katulad mo kung anong gagawin nila kapag ang anak nila ang magiging bully balang araw? Ano-ano ang pinagmulan nito at mga dapat nilang gawin?

Una, makatutulong ang pagiging alerto. Obserbahan nang mabuti kapag mayroong nangyayaring paulit-ulit na:

  • Panunukso o pang-aasar
  • Pagpilit sa ibang tao na gawin ang ayaw nito
  • Hindi pagsama sa isang family member sa ibang mga gawain ng pamilya
  • Pagtsitsismisan at/o pagkakalat ng fake news
  • Pagbuhos ng sama ng loob o mga alalahanin sa mga tao sa paligid
  • Pagpilit sa iba na maniwala sila sa sariling point of view

Kung kapansin-pansin ang ilan sa mga ito sa inyong bahay, senyales ito na mayroong bully-like behavior na nangyayari sa pamilya. Mahalaga ring marunong kang kumilatis kung ang nangyayari ay bullying sa bahay upang hindi na ito maulit o mas lumala.

Ikalawa, ilan sa mga tanong na dapat pagnilayan ang sumusunod:

  • Ano-ano ang pinanonood ng iyong anak?
  • Anong itinuturo ninyo sa inyong anak tungkol sa conflict resolution?
  • Lagi bang exposed ang iyong anak sa mga pagtatalo at problema sa bahay?
  • Magalang ba ang iyong pamilya at bukas sa mga pagkakaiba ng isa't isa?
  • Ano ang values o pagpapahalaga ninyo bilang pamilya?
  • May sibling bullying ba?
watch now

Para sa iba, normal lang na may away sa magkakapatid o tuksuhan pero gaano man ito ka-karaniwan, posibleng maging sanhi ito ng bullying sa paaralan. Halimbawa, ang batang laging dumaranas ng bullying sa bahay ang siya namang mambubulas sa kanyang mga kaklase.

RELATED: 7 Rason Kung Bakit May Mga Nambu-bully

Tandaan ding skill ang conflict resolution. Kung paano naaayos ang mga away ng magkakapatid, dadalhin ito ng iyong mga anak sakaling sila naman ang mahirapan sa pakikitungo sa kanilang mga kaibigan o kaklase sa paaralan.

Paliwanag ng Reach Out, may mga sanhi rin ang pambubulas, kagaya ng:

  • Peer pressure
  • Hindi pa buo ang self-esteem
  • Para maramdaman nilang mas malakas sila at in control kaysa sa ibang tao
  • Para maibsan ang kanilang lungkot o galit
  • Wala silang empathy na nararamdaman sa ibang tao
  • Wala silang kumpiyansa sa sarili o self-confidence

Para sa iba pang mga detalye, maaari ding bisitahin ang link na ito.

Mga Epekto ng Bullying sa Bahay

Kasama sa mga epekto ang sumusunod:

  • Pakiramdam ng pag-iisa at na walang tutulong sa iyo
  • Pakiramdam na hindi ka ligtas at lagi kang takot
  • Guilty o pakiramdam na laging ikaw ang may kasalanan
  • Stressed at balisa o anxious
  • Depressed, malungkot, o walang gana

Paliwanag ng mga eksperto, ang bullying o pambubulas ay isa sa pangunahing mga pampublikong health problems sa buong mundo. Mayroon itong mga epekto sa pagtaas ng mga kaso ng pagkakaroon ng iba't ibang karamdaman, kakulangan sa social skills, at mababang kapasidad sa pagkatuto ng mga bata at teenagers.

May mga kasong inaakala ng ibang tao na ang pagsasabi ng totoo ay excuse para maging rude o agresibo. Totoo man o hindi ang sinasabi sa isa’t isa, tandaang may maayos at magalang na paraan ng pakikipag-usap.

Ilang Payo Para sa mga Magulang

Mahalaga ring i-check ang sariling behavior kapag may mga problema sa bahay.

Pag-isipan kung paano ka magsalita sa harap ng iyong mga anak at kung paano ka mag-handle ng problema o conflict.

Ang mga bata kasing nakalakhan na ang paninigaw, pangmamaliit, harsh na mga komento, at pananakit mula sa kapatid o magulang/caregiver ay matinding maaapektuhan ng bullying sa bahay hanggang sa kanilang pagtanda.

Kung agresibo ka sa mga anak mo o kahit pa sa ibang tao, posibleng susunod din sila sa halimbawang ipinakikita mo.

Kung agresibo ka sa mga anak mo o kahit pa sa ibang tao, posibleng susunod din sila sa halimbawang ipinakikita mo.

Mas mainam kung makikita nilang marunong kang magpakita ng pagpapahalaga sa mabubuting katangian nila at ng iba sa inyong paligid.

Kapag may conflicts din, maging bukas o transparent sa nararamdaman mo para matutuhan din nila kung paano ka mag-cope sa iba't ibang mga sitwasyon.

May mga pagkakataon kasing nangangailangan ng disiplina at pagwawasto. Iwasan lang ang name-calling at pag-aakusa.

Kung hindi mo nagugustuhan ang behavior ng iyong anak, hikayatin siyang unawain kung bakit ganito ang kanyang ginagawa at sabay ninyong gawan ng paraan upang maituwid ito.

Iparamdam sa anak na nariyan ka lamang para gabayan at suportahan siya.

Sakaling may stressful ding nangyayari sa bahay, maaari ding humingi ng tulong sa psychologist o psychiatrist. Malaking tulong ang paglapit sa guidance counselor ng iyong anak, mga pastor sa inyong komunidad, at therapists. Mainam ding komunsulta sa inyong doktor.

Kung may history ang iyong anak ng arguing o pakikipagtalo, defiance, at hirap sa pagkontrol ng galit, mas makabubuting humingi ng ebalwasyon sa isang therapist o sa isang behavioral health professional.

Tandaang hindi kusang nawawala ang bullying sa bahay kung walang gagawin ang mga magulang.

Anomang karanasan ng anak sa bahay ay may epekto rin sa tagumpay at kaligayahang mararamdaman ng anak sa kanyang paaralan, sa magiging trabaho balang araw, at mga bubuing relasyon sa buong buhay niya. Anomang natututuhan niya sa tahanan ay dadalhin niya sa labas nito.

Magiging mahabang proseso din ang paghilom sa kanyang mga sugat. Kaya habang maaga, alamin na kung paano ito maiiwasan at bilang magulang, kailangang alam mo kung ano ang mga dapat mong gawin at kanino ka hihingi ng tulong tungkol sa bullying sa bahay.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close