anxiety,Tagalog,childhood anxiety,greener,sintomas ng anxiety,Sintomas Ng Anxiety | Smart Parenting,sintomas ng anxiety, childhood anxiety, anxiety sa mga bata, childhood anxiety symptoms, anxiety,May mga sintomas ng anxiety na hindi nabibigyan ng kaukulang pansin sa mga bata.
ParentingBig Kids

8 Mga Sintomas Ng Anxiety Sa Bata At Paano Tutugunan Ang Mga Sitwasyon Na Stressful

Natutuklasan na kasi ng bata na hindi niya kontrolado ang mga bagay sa paligid niya.
PHOTO BYShutterstock

May mga sintomas ng anxiety na kadalasang hindi nabibigyan ng kaukulang pansin, lalo na sa mga bata. Pero habang lumalaki at nagkakaisip sila, nababahala na rin sila ng mga bagay na nagbibigay ng stress at anxiety sa adults.

Sa pagtungtong ng mga bata sa edad 7 o di kaya 8, nagkakaroon na sila ng mas malalim na pagkakaintindi sa mga nangyayari sa kanilang paligid at nalalaman na nilang wala silang control sa mga pangyayaring iyon. Ito ay ayon kay Jenn Berman, Psy.D., ang may akda ng librong The A to Z Guide to Raising Happy, Confident Kids.

Sa ganoon mga edad, sabi ni Dr. Berman sa Parents, hindi na lang mga multo o monster sa ilalim ng kama ang kinatatakutan ng mga bata. Natatakot na rin sila nga nangyayari sa totoong buhay, tulad ng malakas na lindol at iba pang kalamidad. Natatakot na rin silang magdulot ng disappointment, halimbawa, sa kanilang mga kagrupo sa school activity.

Mga sintomas ng anxiety

Maaaring malaman na nakakaranas ng anxiety ang bata sa pamamagitan ng mga ganitong physical manifestation, ayon sa United Kingdom National Health Service (NHS):

  • Nahihirapang mag-concentrate sa kailangang gawin
  • Hindi makatulog sa gabi o di kaya biglang nagigising dahil sa masamang panaginip
  • Hindi makakain nang maayos
  • Madaling magalit o parating iritable, at hindi maawat pag nagwala
  • Madalas mag-alala o mag-worry at panay negative ang naiisip
  • Balisa at hindi mapakali, o di kaya panay ang punta sa banyo
  • Nagiging iyakin at clingy
  • Malimit ireklamo ang masakit na tiyan at masamang pakiramdam

Mga sanhi ng anxiety at paano tugunan

May mga bagay o sitwasyon na sadyang nagdudulot ng matinding paga-alala o takot sa mga bata, minsan mahirap maiwasan ang mga ito. Kaya mainam na alamin kung paano matutulungan ang mga bata.

Mga kalamidad na mula sa kalikasan o gawa ng tao

Kapag napanood ng mga bata sa news o di kaya sa social media, o kahit narinig lang sa usapan sa bahay ang pagputok ng Taal Volcano at ng giyera sa Ukraine, hindi maiiwasang mag-alala sila. Maaaring magkaroon sila ng takot na mga ganoong natural at man-made disasters.

watch now

Malaking tulong para sa mga bata na kumalma kung alam nilang may magagawa ang mga magulang at iba pang kapamilya. Kaya mainam na merong family emergency plan na alam ng bawat miyembro. Puwede na ring bigyan ng mga bata ng assignment, tulad ng pagsiguro na ligtas ang alagang pusa.

Sa ganitong paraan, sabi ni Dr. Berman, makakaramdam ang mga bata na meron silang power para malabanan ang mga takot.

Pagkamatay ng miyembro ng pamilya

May pagkakataong napapasabi ang mga bata sa mga magulang o malalapit sa kanila ng ayaw nilang mamatay ang mga ito. Alam na kasi nilang mawawala ang mga mahal nila sa buhay, at nagdudulot iyon ng anxiety.

Ang problema, sabi ni Dr. Berman, sumasagot ang mga magulang na hindi sila mamamatay para lang mapanatag ang loob ng mga anak. Hindi raw nakakatulong ang ganyang sagot para maharap ng mga bata ang kanilang mga nararamdaman.

Mas mainam daw na kilalanin at tanggapin ang feelings ng mga bata. Sabihin daw ang hangad na mabuhay hanggang makita ang mga anak na magkaroon ng sariling pamilya. Kahit ganyang maliit na bagay ay maaaring magbigay ng tulong sa pag-unawa ng mga bata. (Basahin dito ng ilan pang tips mula sa psychologist at preschool teacher.)

Pagkabigo sa iba-ibang bagay

Sa edad 7 o di kaya 8, batid na ng mga bata na hindi maganda ang resulta ng pagkuha ng mababang grado sa school test o di kaya pagkatalo sa isang laro. Iyan ang edad na nalalaman ng mga bata na merong mga mahahalagang sandali sa buhay na maaari silang mahusgahan ng ibang tao. Kaya nararamdaman na nila ang pressure na hindi mapahiya o ipahiya ang mga malalapit sa kanila.

Maaaring maganda ang intensyon ng mga magulang kapag sinabihan ang mga anak ng "You'll do great!" Pero nakakadagdag daw ito ng pressure para sa mga bata. Sa halip, sabihan ang mga anak na ipinagmamalaki pa rin sila kahit ano ang magiging resulta ng test, game, o ano pang mga activity.

Makakatulong din daw na turuan ang mga bata ng ilang techniques na pangkalma, tulad ng pagbibilang nang mabagal at pagsasaisip ng kanilang happy place. Wala rin daw magsawa sa pagbibigay ng assurance sa mga bata hanggang malampasan nila ang mga sintomas ng anxiety.

Basahin dito kung paano matutulungan ang anak sa pagbabalik ng face-to-face classes.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close