The following story was first shared in Smart Parenting Village by Jaime De Guzman. It is republished here with his permission.
Bilang magulang ng isang autistic kid, naranasan, naririnig at patuloy naming nararanasan ang mga sumusunod:
“Sayang naman, pogi pa naman.”
“Biniba-baby niyo kasi masyado.”
“Dapat kasi pinapalo niyo para sumusunod sa inyo.”
“Kayo lang naman ang nag-iisip ng kondisyon niyan.”
“Itrato niyo kasing normal para hindi ganiyan.”
“Gusto niyo, espesyal kayo?”
“May sapak.”
“Lagi nalang anak nyo ang iniintindi.”
“E di dibdibin niyo ‘yang kondisyon ng anak niyo. Maglagay kayo ng sticker sa buong bahay niyo ng AUTISTIC! AUTISTIC! AUTISTIC!”
“Hindi kasi kayo nakikinig sa amin.”
“Nung panahon naman namin ay walang ganiyan.”
Ilan lang ito sa mahabang listahan ng mga salitang humuhusga at sumusubok sa amin. Hindi pa dito kasama ang mga takot, lungkot, at pangamba namin para sa kinabukasan.
Yung tipong: Nilalamon kami ng lungkot sa bawat nakikita naming achievements ng ibang bata habang inaasam na sana, ganyan din si Jamir.
Yung ilang gabing puyat kami sa araw-araw dahil sa hating gabi ay biglang magwawala at mag-iiiyak si Jamir dahil sa iba’t-ibang dahilan.
Yung dumaan kami sa yugto na araw-araw ay may bago kaming pasa dahil sa suntok, kurot, sampal, bato, at palo ni Jamir kapag galit at frustrated.
'Be kind. Have compassion. Hindi madali ang pinagdadaanan namin. Maaaring hindi halata pero araw-araw ay sinusubok kami ng mga pagkakataon.'
Bugbog na bugbog na kami sa sigawan, maghapong sakitan, suway, iyakan at pagkaubos ng pasensya.
Yung ilang beses at paulit-ulit kaming hinuhusgahan bilang magulang. Hindi lang ng ibang tao kundi pati ng mga kamag-anak at malalapit sa’yo.
Yung hindi natatapos ang aming tanong kailan kaya magiging maayos ang lahat.
Yung takot sa pag-iisip kung sino ang magmamahal at uunawa kay Jamir sa panahong wala na kami.
Yung walang katumbas na sakit kapag naririnig at nakikita mo kung paano patulan at kutyain ng ibang tao ang anak mo dahil sa kanyang kondisyon.
Yung pagkakataong napapatanong ka nalang hanggang kailan namin kakayanin ang pinansyal na pangangailangan dahil sa hindi birong gastos para sa school, therapies, assessment at iba pang interventions.
Yung feeling na sinisisi na namin ang sarili namin kung bakit ganito si Jamir.
Yung mga panahong hindi na namin alam kung ano pa ang maaaring gawin para mapatigil si Jamir sa pagwawala, pagsigaw, pag-iyak, pag-sira ng gamit, pananakit kahit sa pampublikong lugar.
RELATED: 'Nakakadurog Ang Ganito' Dad Of Boy With Autism Heartbroken For His Son Who Has No Playmates
Yung ilang pagkakataon na iniiyak mo nalang ang lahat ng sakit, lungkot at dusa—ng mag-isa, at ng walang nakakaunawa. Marami pa.
Sa pagsusuma, hindi madali ang bawat araw namin. Bata pa si Jamir. Alam naming maaaring mas matindi pa ang mararanasan namin habang nagkakaedad siya. Hindi para magpakalunod kami sa mga di magagandang bagay dahil sa kondisyon ni Jamir. Kundi upang ipaunawa sa inyo ang pinanggagalingan namin bilang magulang ng isang katulad ni Jamir. Upang makita ninyo kung para saan ang bawat luha at sakripisyo namin sa bawat araw—na hindi madali ito para sa amin.
Hindi rin upang manlimos ng awa. Bagkus, ito ay upang ipakiusap sa bawat isa na maging mabuti sa mga katulad naming may anak na espesyal.
Be kind. Have compassion. Hindi madali ang pinagdadaanan namin. Maaaring hindi halata pero araw-araw ay sinusubok kami ng mga pagkakataon.
Pakiusap lang.
Kindness should be the bare minimum
In June 2023, Jaime spoke of his heartbreak over his son’s lack of playmates on his Facebook which was published here. He tells Smart Parenting in an exclusive interview that this post in Smart Parenting Village “was triggered by how we are treated by the therapy center yesterday for initial assessment.”
He adds, “We felt judged by how they asked questions like, ‘then bakit hindi pa rin po siya sumusunod sa inyo?’”
“That could be a normal question pero iba ito nang i-deliver nung teacher. She asked this with a condescending tone. ‘Yung tipon ‘hindi niyo kasi ginagawa ang mga dapat niyong gawin.’”
Jaime said Jamir has been undergoing assessments for the past five years, however it was the first time their family experienced such kind of questioning.
As Jaime reminds in his post, yes, parents of children with special needs do go through a lot. “Be kind. Have compassion,” he says. In these times when we are slowly understanding that we do not know the extent of someone’s challenges, learning to speak to others kindly should be the bare minimum. And as Jaime says, for parents of a neurodivergent child, yes they’re asking you to be more understanding. And they’re asking nicely.
If you want to find a safe space where you can air out your concerns and thoughts as a parent, join Smart Parenting Village, our Facebook community of 100,000+ Filipino parents and counting.