The following story was sent in by Deianara Tibus, a member of Smart Parenting Village, our Facebook community with 97,000 members and counting. To join our thriving community of Filipino parents where you can connect with other parents, click on the link. Smart Parenting editors have made minor edits for clarity.
Sinong mag-aakala na ang isang batang may autismo ay kayang makipag-sabayan sa mga neurotypical na bata at patunayan na hindi basehan ang kapansanan upang malaman ang kakayahan ng isang tao?
Ang aking anak ay may autism spectrum disorder (high functioning). Inenroll namin siya sa isang pampublikong paaralan sa kadahilanang mahal ang matrikula ng mga progressive schools na pribado. Sa una, ako ay nangangamba na baka hindi niya kayanin sa tradisyunal na paaralan dahil sa pag-aalalang siya ay ma-bully, ma-discriminate at hindi maunawaan ng lahat. Ngunit, nagpapasalamat ako sa kaniyang guro sa kindergarten dahil siya ay tinanggap at sinuportahan sa kabila ng kanyang kapansanan.
Nagdaan ang buwan ng kanyang pag-aaral, ay nakitaan siya ng galing at talento. Ngunit, isa sa mga naging pagsubok ay iyong pagmemeltdown ng aking anak kapag siya ay na-t-trigger. Ganunpaman, inunawa siya ng kaniyang guro, hindi sumuko, at nagtuon ng oras upang aralin ang kanyang kondisyon kahit na siya ay hindi SpEd teacher. Nakipagtulungan din siya sa akin, sa occupational therapist at speech therapist ng aking anak. Dahil dito, nagawa ng kaniyang guro kung paano niya mapapangasiwaan ang sitwasyon.
RELATED: 'Mama, Gusto Ko May Medal Kang Isasabit Sa Akin' Hirap Mag-Basa Noon, Naging Top 2 Sa Buong Batch
Naging mabuti rin sa kaniya ang kaniyang mga kaklase at mga magulang nito kahit na may ilang bagay parin ang hindi nila lubos na maunawaan tungkol sa kaniyang kondisyon.
Ngayong araw ng Moving Up, siya ay nagkamit ng karangalan at nabigyan ng pagkakataong makapagsalita upang maghatid ng mensahe sa harap ng lahat. Lubos ang aming kasiyahan dahil nagawa niya ito kahit na alam naming hindi rin ito naging madali para sa kanya.
Aaaminin namin na hindi talaga ito madali para sa aming magulang. Ngunit, binigay namin ang aming suporta at pagmamahal sa kanya upang makatulong sa paghubog ng kanyang pagkatao at malinang ang kanyang kasanayan.
READ ALSO: These 18 Parents, Including A 56-Year-Old Dad, Graduate From Kinder, Proving Learning Knows No Age