;
embed embed2
  • Marunong Magbihis Mag-Isa, Umakyat Nang Walang Hirap, At Iba Pang Milestones Ng 3-Year-Old

    Mga dapat mong abangan at bantayan sa development ng iyong anak.
    by Jocelyn Valle .
Marunong Magbihis Mag-Isa, Umakyat Nang Walang Hirap, At Iba Pang Milestones Ng 3-Year-Old
PHOTO BY Shutterstock
  • Pagkatapos mong masubaybayan buwan-buwan ang paglaki ng iyong anak hanggang sa 1 year old developmental milestones at 2 year old milestones, magiging handa ka na sa kanyang 3 year old milestones. May mga panibago kang aabangan at babantayan na rin dahil isa na siyang "threenager."

    Simula ng early childhood

    Sa pagtungtong ng iyong anak sa edad na 3 years old, nalampasan na niya ang pagiging baby o infancy stage. Sisimulan na niya ngayon ang tinatawag na early childhood stage. Ito ang panahon na matututo siyang maging independent at gugustuhin na niyang makipaglaro sa ibang bata.

    Mahalaga ang early childhood sa buhay ng iyong anak dahil dito siya matututo ng basic academic skills. Kabilang diyan ang pagbabasa, pagsusulat, pagbibilang, at pagkakakilala sa mga kulay. Kilala din ito sa tawag na preschool age.

    Sa pagpasok ng bata sa early childhood stage, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), magsisimulang lumawak ang kanyang mundo. Natutuklasan na niya ang bawat makilala sa labas ng inyong pamilya bilang individuals. Sa puntong ito rin mayroong malaking kinalaman ang paraan ng kanyang paglalaro, pagkatuto, pagsasalita, at paggalaw sa kanyang development.

    3 year old milestones

    Tinatawag na developmental milestones ang mga bagay na kadalasang nagagawa na ng bata sa partikular na edad. Ayon sa CDC, narito ang milestones na maaari mo nang makita sa iyong anak na 3 years old.

    Cognitive milestones

    Tungkol ang mga ito sa pagkatuto (learning), pag-iisip (thinking), paglutas ng problema (problem-solving). Kabilang diyan ang:

    • Kakayanang intindihin ang mga laruan na may butones, gumagalaw na parte, at umaakyat-baba
    • Paglalaro ng make-believe sa mga manyika, hayop, at tao
    • Nakakalutas ng puzzles na may tatlo o apat na piraso
    • Alam na ang ibig sabihin ng "dalawa"
    • Nakakaguhit ng bilog gamit ang lapis o krayola, basta may ginagayahan
    • Nalilipat isa-isa ang pahina ng libro
    • Nakakagawa ng tower gamit ang higit sa anim na toy blocks
    • Nabubuksan at nasasara ang screw ng garapon, pati na ang hawakan ng pinto
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Social and emotional milestones

    May kinalaman ang mga ito sa pakikitungo ng bata sa ibang tao at ang paglago ng emosyonal na parte ng kanyang pagkatao. Kabilang diyan ang:

    • Panggagaya sa kanyang mga kaibigan, pati sa adults
    • Pagpapakita ng giliw (affection) sa mga kaibigan kahit hindi mo sabihan
    • Alam na niya kung kailan ang kanyang toka, halimbawa sa grupo ng paglalaro
    • Pagpapakita ng malasakit (concern) sa umiiyak niyang kaibigan
    • Naiintindihan na kung ano ang mga bagay na kanya at sa ibang tao
    • Pagpapakita ng mga iba-ibang emosyon
    • Hindi na kapit-tuko iyo o iba pa niyang tagapangalaga
    • Maaaring naiinis kapag may pagbabago sa routine
    • Kaya nang magbihis mag-isa

    Language and communication milestones

    Tungkol ang mga ito sa kakayahan ng batang makipag-usap at makitungo sa ibang tao. Kabilang diyan ang:

    • Pagsunod sa instructions na may dalawa o tatlong hakbang
    • Alam na ang mga pangalan ng mga pamilyar sa kanya
    • Naiintindihan ang mga salitang "ibabaw," "ilalim," at "lapag"
    • Nasasabi na ang kanyang pangalan, edad, at kasarian
    • Nagsasabi kung sino ang kaibigan niya
    • Gumagamit ng mga salitang "ako," "tayo," at "ikaw," pati na ang plural form
    • Kadalasang malinaw nang makipag-usap sa ibang tao
    • Marunong makipag-usap gamit ang dalawa o tatlong sentences

    Physical development at movement milestones

    May kinalaman ang mga ito sa kanyang pisikal na pangangatawan at paggalaw, tulad ng:

    • Pag-akyat nang maayos, halimbawa sa upuan
    • Pagtakbo nang walang hirap
    • Pagpedal sa bisikleta na may tatlong gulong
    • Pagpanik at panaog sa hagdan nang tig-isang hakbang

    Mga dapat bantayan

    Paalala ng mga eksperto na hindi sabay-sabay at pare-pareho ang development ng mga bata. Imposible raw na masabi ang takdang panahon na magagawa ng anak mo ang nasabing developmental milestones. Kaya huwag kaagad mag-aalala. Ibahagi na lang muna sa kanyang pediatrician ang mga kaya ng gawin ng iyong anak. Bibigyan ka ng paliwanag at gabay ng doktor.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maalerto ka lang sa mga senyales na, ayon sa American Academy of Pediatrics (AAP), posibleng may kinalaman sa developmental delay ng iyong 3-year-old. Sabihan ang kanyang pediatrician kung napapansin mong:

    1. Hindi kayang ihagis ang bola paitaas, lampas sa ulo
    2. Hindi kayang tumalon sa isang puwesto
    3. Hirap sumakay sa bisikletang tatlo ang gulong
    4. Hindi makahawak ng krayola gamit ang hinlalaki at iba pang daliri
    5. Hirap sa pagsulat-sulat
    6. Hindi kayang pagpapatungin ang apat na toy blocks
    7. Kapit-tuko pa rin sa iyo kapag aalis ka ng bahay
    8. Hindi interesado sa interactive games
    9. Hindi pinapansin ang ibang bata
    10. Hindi sumasagot sa ibang tao sa labas ng pamilya
    11. Hindi nakikipaglaro ng role play o make believe
    12. Ayaw magpabihis, matulog, o di kaya gumamit ng banyo
    13. Hindi makontrol ang sarili kapag nagagalit
    14. Hindi makapag-drawing ng bilog
    15. Hindi makapagsalita ng higit pa sa tatlong salita
    16. Hindi tama ang paggamit ng mga salitang "ako" at "ikaw"

    Rekomendado ng CDC ang pag-aksyon kaagad at sumangguni sa doktor ng iyong anak. Mainam na malaman kung bahagya lang ang pagkahuli niya sa 3 year old milestones o baka meron siya talagang developmental delay.

    Basahin dito ang ilang mga senyales ng developmental delay.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles