;
embed embed2
  • Mahiyain Si Baby Sa 'Di Niya Kilala? Parte Ito Ng 1-Year-Old Developmental Milestones Niya

    Marunong na rin siyang magsabi ng “mama” at “dada.”
    by Jocelyn Valle .
Mahiyain Si Baby Sa 'Di Niya Kilala? Parte Ito Ng 1-Year-Old Developmental Milestones Niya
PHOTO BY Shutterstock
  • Pagkatapos ng first birthday ng anak mo, mapapasabi ka talaga na ang bilis ng panahon. Pakiramdam mo kasi parang kahapon lang ay ipinagbubuntis mo pa lang siya, pero ngayon lumalaki na siya talaga. Kasabay niyan ang 1 year old developmental milestones, kaya ang dami niyang bagong nagagawa.

    Ano ang mga kayang gawin ng 1 year old?

    Dahil toddler na ang anak mo, mapapansin mong mas malikot at makulit na siya, pero mas expressive na rin. Parte kasi iyan ng developmental milestones na angkop sa kanyang edad, ayon sa Kids Health.

    Nariyan ang pagkaway-kaway kapag sinabihan siya ng "babay," o di kaya magtuturo sa mga nakikita niyang bagay. Nanggagaya na rin siya ng pagsasalita mo, kahit parang puro tunog lang naririnig mo. Pero magugulat ka na lang na marunong na siyang magsabi ng "mama" at "dada." Baka maiyak ka pa sa gulat at tuwa.

    Sa pagdaan pa ng mga araw, mapapansin mo ang exploration niya sa mga bagay habang naglalaro. Nilalagay na niya ang mga maliit na laruan sa mga lalagyan nito. Kinakaya na rin niyang tumayo mag-isa at maglakad habang nakahawak sa kamay mo.

    Mapapansin mo na naaaliw ang bata sa pakikinig ng kuwento at pagtitingin sa mga litrato. Tuwang-tuwa rin siya kapag naglalaro kayo ng peek-a-boo at iba pang social games. Huwag ka lang mabibigla sa bigla niyang pag-iyak kapag nawala ka sa kanyang paningin. Alam na niya kasing iniwan mo siya, kahit saglit lang.

    Paalala lang ng mga eksperto na may tendency ang anak mong toddler na kopyahin ang ginagawa mo o ng ibang tao. Paulit-ulit din nilang hinuhulog ang hawak niyang laruan dahil alam niyang pupulutin mo ito. Kaya mainam na maging attentive sa mga nakikita at naririnig ng anak mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Developmental milestones ng 1 year old

    Parte ng paglaki ng bata ang paglago niya bilang tao alinsunod sa tinatawag na developmental milestones. May mga paraan para matulungan mo ang anak na maabot niya ang milestones na iyon na sakto sa kanyang edad, sabi ng Unicef.

    Physical milestones

    Kabilang sa physical milestones ang development ng gross motor skills. Ito ang paggamit ng big muscles para makagalaw ang katawan ng bata. Isa pa ang fine motor skills na little muscles naman ang kumikilos para sa mas pinong galaw.

    Gross motor skills ang gumagana para makaupo ang bata ng walang tulong mula sa tao o bagay man. Okay ang gross motor skills ng anak mo  kapag nakakagapang, nakakatayo, at nakakaupo na siya nang mag-isa.

    Fine motor skills naman ang gumagana kapag may pupulutin ang bata gamit ang kanyang hinlalaki at isa pang daliri. Iba pang halimbawa ang pagtatangka niyang magsulat at ang paglalagay ng mga gamit sa kanilang mga lalagyan.

    Cognitive milestones

    Tinatawag din itong brain developmental milestone dahil natututo ang bata na mag-isip at umintindi. Nariyan ang pagsunod niya sa pasabi mo ng "clap your hands" o di kaya "flying kiss." Nagiging mas playful pa siya sa pagtuklas niya ng pretend play gamit ang kanyang stuffed toys at iba pang laruan.

    Inaalam na rin niya ang "cause and effect," kaya panay ang hulog niya ng laruan. Tinitignan niya kasi kung anong sunod na mangyayari. Nahahanap na rin niya ang mga tinatago mong bagay sa kanya.

    Language milestones

    Hindi lang ito tungkol sa mga tunog at salita, bagkus ang pag-intindi ng bata sa mga sinasabi mo at ng iba pang tao. Kaya kapag sinabi mong "kiss," hahalikan ka niya. Sumusunod na kasi siya sa mga simpleng utos at inuulit niya ang mga sinasabi mo.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Payo ng mga eksperto na subukan mong gawin ang mga sumusunod:

    • Sanayin ang anak sa pagsasabi ng "hello" at "goodbye."
    • Kapag sumunod siya sa iyo, bigyan mo siya ng praise dahil makakatulong daw ito sa kanyang socio-emotional development.
    • Bigyan mo siya ng praise kapag inuulit niya ang mga sinasabi mo at nakikipag-usap siya sa iba.
    • Kapag binabasahan mo siya ng story book, ituro mo ang kanya ang characters at objects sa kuwento.

    Social at emotional milestones

    Natututunan ng bata kung paano magkaroon ng connection sa mga taong nasa paligid niya. Kaya kukunin niya ang paborito niya libro at ibibigay sa iyo para sabihin na basahin mo ito para sa kanya. Kapag nawala ka naman sa kanyang paningin, bigla siyang umiiyak dahil alam na niyang umalis ka. Mapapansin mo rin na nahihiya siya sa hindi niya kilala o madalang niyang makita.

    Payo ng mga eksperto na maglaro kayo ng anak mo ng social games para mahasa ang 1 year old developmental milestones. Isang halimbawa ang pagtatago ng isang bagay na hahanapin ng bata. Isa pa ang pagsasabi na itaas ang mga kamay kapag bibihisan mo siya ng kamiseta para matutu siyang magbihis mag-isa.

    Basahin dito para sa development ng language at communication skills ng toddler.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles