embed embed2
  • Mga Sintomas Na Halos Kakambal Na Ng Pagbubuntis Sa Ika-24 Linggo

    Sinasabing viable na si baby at malaki ang tsansa na makakaligtas sa di inaasahang preterm birth.
    by Jocelyn Valle .
Mga Sintomas Na Halos Kakambal Na Ng Pagbubuntis Sa Ika-24 Linggo
PHOTO BY iStock
  • Habang patuloy ang paglaki ng sanggol sa iyong sinapupunan, mararamdaman mo na siyang gumalagaw kapag hinahawakan mo ang iyong tiyan. Mas lalo ka tuloy nagiging excited sa paglabas ni baby sa kabila ng mga nararamdaman mong sintomas ng pagbubuntis sa 24 weeks.

    HELPFUL STORIES FOR YOUR BIRTH PLAN

    Sa mga panahong ito, puwede pa ring may morning sickness (ang iba may extreme version nito na ang tawag ay hyperemesis gravidarum), pero maaaring hindi na ito kalakas at kadalas tulad noong mga unang linggo. Nagkakaiba naman ang karanasan ng bawat buntis. Puwede rin namang nakasanayan mo na ang ganyang pakiramdam, pati na ang pananakit ng katawan. Mas sumasakit lang ngayon sa may pelvic area at joints.

    Mga sintomas na kakambal na ng pagbubuntis

    At kung hindi healthy ang diet mo, malamang nakakaramdam ka na o tumitindi pa ang heartburn, indigestion, constipation, bloating, at hemorrhoids. Sa kabilang banda, mayroong iba pang sintomas na sadyang kakambal na ng pagbubuntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Carpal tunnel syndrome

    Ang pananakit sa joints o kasu-kasuan ay may hatid pang pamamanhid sa mga kamay at daliri, na kilala sa kondisyon na carpal tunnel syndrome. Kadalasang nangyayari ito dahil sa paulit-ulit na pagkilos (repetitive motion) tulad ng pagta-type sa computer.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pero sa mga buntis, sanhi ito ng fluid build-up sa katawan. Nagpupuntahan ang fluids sa mga kamay kapag humihiga ka, kaya nagkakaroon ng pressure sa nerve na dumadaloy sa may pulso.

    Sikapin na huwag matulog na nadadaganan ang iyong mga kamay upang hindi madagdagan ang pressure sa nerve. Subukan na ipatong ang mga braso sa unan kapag matutulog sa gabi nang guminhawa ang pakiramdam. Makakatulong din na igalaw-galaw ang mga kamay bilang exercise, lalo na sa pagitan ng gawain na kinakailangan ng repetitive motion.

    Kung masyado nang masakit ang mga kamay, maaaring magsuot ng wrist brace. Asahan na mawawala ang carpal tunnel syndrome pagkatapos mong manganak dahil titigil na ang fluid build-up at babalik na sa dati ang iyong katawan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Edema

    Dahil pa rin sa fluid build-up, nagkakaroon ng pamamanas sa mga paa at bukung-bukong. Kilala ang kondisyon na ito sa medical term na edema. Maiibsan ang discomfort na hatid nito kung iiwasan mong magtagal sa kinauupuan o kinatatayuan, at ang pagsusuot ng compression socks. May   Bawasan mo na rin ang pagkain ng maalat at dagdagan naman ang pag-inom ng tubig.

    Sinasabing harmless ang edema bilang sintomas ng pagbubuntis sa 24 weeks, puwera na lang kung grabe na ang pamamanas. Mainam na komunsulta sa doktor, lalo na kung may iba pang kakaibang nararamdaman gaya ng mataas na blood pressure, biglang pagbigat ng timbang, at pagdami ng protein sa urine. Baka senyales na ito ng pregnancy complication na preeclampsia. 

    Red, itchy palms

    Maaaring mapansin mo ang pamumula at pangangati ng iyong mga palad (red, itchy palms) kahit hindi ka allergic, halimbawa, sa ginagamit mong dishwashing liquid. Isa ito sa random symptoms hatid ng pregnancy hormones, tulad ng pagbabago sa iyong panlasa at paningin. Pero mabuting sabihan mo ang doktor tungkol dito nang maiwasan ang posibleng cholestasis of pregnancy. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Umiwas na lang muna sa mga maiinit na lugar at piliin ang maginhawang kapaligiran. Baka makatulong din ang pagbabad ng mga kamay, pati na ang mga paa, sa malamig na tubig o kaya ang paggamit ng ice pack sa loob ng ilang minuto makailang beses sa isang araw.

    Vaginal discharge

    Malaking discomfort ang vaginal discharge sa mga buntis. Makakabuti na kausapin ang doktor kung ano ang normal na uri at dami nito para sa iyo, base sa iyong health history at body characteristics. Kadalasan kasing nadadagdagan ang vaginal discharge kapag 24 weeks pregnant. Iyon nga lang, dapat wala itong masamang amoy at kakaibang kulay bukod sa dark brown, green, at reddish tones.

    Braxton Hicks contractions

    Kapag nakaramdam ka ng paghilab ng tiyan at pananakit ng likod, marahil iisipin mo na early labor ito at mataranta ka. Kausapin ang doktor nang maliwanagan ka. Sinasabi kasi na ang totoong labor ay may hatid na contraction kada 10 o 15 minutes. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung hindi ganito kadalas ang paghilab ng tiyan at nawawala naman kaagad kapag nagpapalit ng puwesto sa pagkaupo o pagkahiga, malamang nakakaramdam ka ng false labor o Braxton Hicks contractions.

    Sakaling totoong contraction at nagle-labor ka nga, malaki ang tsansa na makakaligtas ang sanggol sa kanyang maagang pagsilang. Sa 24 weeks, sinasabing “viable” na si baby dahil kumpleto na ang kanyang body parts, kabilang ang mukha. Nagsisimula na ring gumana ang kanyang internal orgns. Pero mangangailangan siya ng tama at kaukulang medical support bilang preterm baby (basahin dito).

    HELPFUL STORIES FOR YOUR BIRTH PLAN

    Samantala, pairalin pa ang ibayong pag-iingat at pagmamatyag sa mga nararanasang sintomas ng pagbubuntis sa 24 weeks. Makakabuti rin na kumuha ng test, tulad ng blood sugar, lalo na kung nagkaroon ka na ng gestational diabetes sa nauna mong pagbubuntis o di kaya high risk ka sa ganoong kondisyon. Komunsulta sa doktor para makasiguro. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles