embed embed2
  • Nagsasalita, Tumatakbo, At Iba Pang Developmental Milestones Ng 2-Year-Old

    Matutulungan mo ang iyong toddler na marami pang siyang magawa.
    by Jocelyn Valle .
Nagsasalita, Tumatakbo, At Iba Pang Developmental Milestones Ng 2-Year-Old
PHOTO BY Shutterstock
  • Dahil toddler na ang anak mo at naabot na ang 1 year old developmental milestones, ang dami na niyang kayang gawin nang mag-isa. Kaya ikaw na minsan ang susuko sa tila hindi nauubos niyang energy at pag-abot sa 2 year old milestones. Ibig sabihin, lumalaki siyang malusog sa sarili niyang pace.

    Mga dapat malaman tungkol sa developmental milestones

    Sa edad niyang dalawang taon, mas tumututok ang development ng toddler sa brain development at physical accomplishments. Mapapansin mo ang dalawang major qualities sa iyong anak: paglilikot nang madalas (movement) at paggawa ng mga bagay nang mag-isa (independence).

    Bilin ng mga eksperto na hintayin ang second birthday ng anak bago obserbahan ang 2 year old milestones. Hindi kasi pare-pareho ang pace ng mga bata. Merong mas maaga ang development at meron ding nahuhuli nang bahagya. Iwasan mo na lang ang pagkumpara nang hindi madagdagan ang pressure sa iyo at sa iyong anak.

    Siguraduhin na napapakain nang tama ang bata at nakakapahinga siya nang sapat. May mga simpleng gawain sa listahan ng developmental milestones para sa inyong dalawa ng anak, at makakasagabal sa iyong obserbasyon kung hindi mapakali ang bata at bugnutin pa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tanungin ang pediatrician ng anak tungkol sa rekomendasyon ng American Academy of Pediatrics (AAP) na screening para sa autism at general development sa pagtungtong ng bata sa 24 months.

    Kausapin din ang doktor sa tuwing checkup ng bata tungkol sa mga narating na nitong milestones. Maging bukas sa iyong concerns at sa mga dapat mong asahan na magagawa ng anak.

    2 year old milestones

    Makikita ang development ng toddler sa iba-ibang aspeto ng kanyang pagkatao.

    Physical growth

    Asahan ang pagiging malikot ng anak. Kabilang kasi sa pisikal na paglaki ng mga toddler ang paglago ng kanyang gross motor skills (gamit ang malalaking muscles) at fine motor skills (gamit ang maliliit na muscles). Kadalasang kaya na nilang maglakad mag-isa, kahit pa tumakbo; pati na tumalon at umayat.

    Ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC), may kakayahan na ang mga toddler na pumanik-panaog ng hagdan o di kaya muebles basta may mahahawak siya. Kaya na rin nilang tumingkayad, sumipa ng bola, at ibato ito nang paitaas.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Bagamat kaya na ng mga toddler na humawak ng kubyertos, hindi pa nila alam kung sa kanan o sa kaliwa ang talagang gamit nilang kamay. Kaya na rin nilang kumain mag-isa, pero magiging makalat ito. Tulad din iyan sa pagtangka nilang pagsusulat, na magulo pa ang itsura.

    Payo ng mga eksperto na hikayatin ang anak na gumawa ng physical activities sa pamamagitan ng pagkikipaglaro sa kanya. Bigyan lang siya ng espasyo sa bahay at mga laruan, tulad ng bola at building blocks.

    Cognitive development

    Sa ganitong edad, nalalaman na ng mga toddler ang pagkakaiba ng iba-ibang hugis at kulay, ayon sa Healthy Children. Nahahanap na rin nila kung saan nakatago ang mga bagay-bagay at natututo na sila ng make-believe play o pretend play. Kilala na rin niya ang mga miyembro ng pamilya.

    Ito rin ang panahon na humihingi na ng independence ang mga toddler. Kaya mapapansin mo na hindi na humihingi ng tulong ang anak at tila gumagawa na ng sarili niyang diskarte. Pero susunod pa rin siya sa pinapagawa mo, kahit two-step commands pa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Matutulungan mo ang anak na mahasa pa ang kanyang brain kung may creativity at problem-solving ang inyong paglalaro o fun activities. Puwede mo siyang bigyan ng libro, puzzzle, at papel na mapagsusulat. Hayaan mo rin siyang tulungan ka sa pagliligpit ng mga laruan habang pinaggugrupo ang mga ito ayon sa uri o di kaya kulay at laki.

    Language formation

    Ayon sa mga eksperto, sa edad na dalawang taon malalaman kung makakapagsalita kaagad ang bata o medyo mahuhuli. Inaasahan kasing maging madaldal ang toddler. Kapag 15 hanggang 18 months, nakakbigkas na sila ng ilang single words. Kapag 18 hanggang 24 months, nakakapagsalita na sila ng phrases.

    Kadalasan, naiintindihan na mga toddler ang sinasabi sa kanila at nakakasagot na sila. Kaya bigla na lang makikipag-usap sa iyo o sa iba pang tao na pamilyar na sa kanya. Nakakasunod na rin sila ng instructions at nanggagaya ng mga naririnig nila.

    Pero kung malapit na siyang maging 3 years old, at hindi pa rin maintindihan ang sinasabi niya, medyo magtaka ka na. Bantayan kung hindi sumasagot nang maayos ang bata kahit tatlo o apat mo na beses mo na siyang sabihan. Baka kailanganin mo na siyang ipatingin sa doktor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Behavioral and emotional development

    Sa puntong ito, malamang nalalaman mo na kung bakit tinatawag na "terrible twos" ang mga toddler. Minsan talaga nakakaubos ng pasensya, pero sabi ng nga mga eksperto, bahagi ng development ng bata ang paghingi ng independence at pagsubok ng boundaries. Napapansin na rin kasi nila na kaya nilang gumawa ng mga bagay kahit walang tulong.

    Asahan mo na ang tantrums ng anak. Kaya makakatulong na maging alerto. Kung napapansin mo nang maga-alburoto siya dahil hindi niya nakukuha ang gusto, bigyan siya ng distraction. Siguro isang laruan o di kaya ilabas mo muna para may iba siyang nakikita. Makakatulong din daw kung bibigyan mo siya ng definite routine para malaman niya ang expectations mo at magkaroon din siya ng sariling expectations.

    Social development

    Sinasabing socially interactive ang mga toddler, lalo na sa mga kaedad nila. Ibig sabihin, gusto nila ng independence. Pero hindi pa nila alam ang konsepto ng sharing, kaya mahirap pa sa kanila na ipahiram, halimbawa, ang laruan sa ibang bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dahil hilig ng toddler na manggaya, maaari mong ituro sa kanya ang konsepto ng sharing sa iyong pakikitungo sa ibang tao. Maipapaliwanag mo rin sa kanya ang rason sa mga ginagawa mo.

    Sakaling hindi magpakita ang anak ng kakayanan na gawin ang 2 year old milestones, kahit malapit na ulit ang kanyang birthday, payo ng mga eksperto na komunsulta sa doktor.

    Basahin dito tungkol sa toddler developmental delay.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close