-
Dinesenyo Ng Teacher Mga Desk Na Parang Truck Sa Kalsada At May Social Distancing
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments
Looking for learn-at-home options and wondering about tuition fee? Head to Smart Parenting Classroom now!
May nakakatuwang ideya ang isang kindergarten teacher sa U.S. state na Texas upang masunod ng kanyang mga estudyante ang social distancing sa loob ng classroom.
Ang ginawa ni Jennifer Birch Pierson ay dinesenyo niya ang mga desk na animo mga pumapasadang trak sa kalsada at ipinuwesto niya ang mga ito nang may 6 feet na pagitan sa isa’t-isa. Tulad ng tunay na trak, may windshield ang bawat desk at nagsisilbi itong desk shield bilang parte pa rin ng safety protocol laban sa COVID-19.
Makikita ang itsura ng mga trak at looban ng classroom ng hero teacher sa Facebook page ng parenting blog na Maybe I’ll Shower Today. Kalakip ang isang litrato sa post noong August 5, 2020, na umani ng humigit sa 11,000 positive reactions at 1,600 comments, pati na 20,000 shares. Ipinahihiwatid sa comments section na galing sa sariling bulsa ng teacher ang ginastos sa mga palamuti sa classroom.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWInaasahan ang pagbubukas ng school year sa Texas nitong Tuesday, September 8, na may hatid na maraming pagbabago at pangangamba, ayon sa ulat ng The Texas Tribune nang araw ding iyon. Kaugnay ito ng in-person o face-to-face classes na isasagawa sa maraming eskuwelahan sa malalaking urban at suburban districts habang patuloy pa rin ang banta ng pagkalat ng kahahawang sakit dulot ng novel coronavirus.
Bukod sa pagsusuot ng face mask at pagsunod sa social distancing sa campus, pagbabawalan din ang karamihan ng mga magulang ng kindergarten na ihatid ang kanilang mga anak sa loob ng eskuwelahan. Magiging “grab-and-go” ang pagkain tuwing recess na kadalasan ay sa loob na ng classroom gagawin at hindi na sa mataong cafeteria.
May ilan pang mga lugar sa United States tulad ng Texas na may “state-ordered in-person instruction available part-time or full-time,” kabilang ang Iowa, Missouri, Arkansas, at Florida. Karamihan ay nagbabago ang sistema depende sa patakaran ng bawat eskuwelahan o kinabibilangang nitong distrito at pahintulot na rin ng local health authorities. May iba namang hybrid o remote instruction lamang ang sinusunod, habang nanatiling nakasara pa rin ang ilang eskuwelahan.
Samantala, lumabas sa isang pag-aaral na ginawa kamakailan sa South Korea ang posibleng dahilan kung bakit magkakaroon ng pagtaas sa COVID-19 infection kapag pinapasok muli ang mga estudyante. Napag-alaman ng mga researchers mula sa 65,000 na mga kalahok na may kakayahan ang mga batang edad 10 hanggang 19 na ipasa ang virus na halos pantay ang bilis sa mga adults.
Dito sa Pilipinas, inaasahang magbubukas ang school year 2020-2021 sa October 5 sa pamamagitan ng blended learning gamit ang online-based at module-based instructions.
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading

- Shares
- Comments