-
Mga Bata Maaaring Magdala Ng Coronavirus 'At High Levels' Kumpara Sa Adults
Mainam itong isaalang-alang sa usaping balik-eskuwela.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Dahil nananatiling mataas ang banta ng COVID-19, patuloy ang pag-iingat na kumalat pa ito at dumami nang husto ang magkasakit. Kabilang sa binabantayan ang pagbabalik ng mga bata sa paaralan, kung saan malaking hamon ang pagsunod sa ipinapatupad na health at safety protocols upang maging ligtas sila sa sakit.
Sa isang research na ginawa kamakailan sa United States, napag-alaman ng mga eksperto na ang infected children ay mayroong coronavirus sa kanilang mga ilong at lalamunan na halos kasingdami ng sa infected adults. Dagdag pa rito na ang mga batang wala pang 5 years old naman ay maaaring magkaroon ng hanggang 100 times na virus sa upper respiratory tract kesa sa adults.
Paglilinaw naman sa ulat ng The New York Times nitong July 30, 2020 na hindi ito nangangahulugang naipapasa talaga ng mga bata ang virus sa kapwa nila. Ngunit mainam daw itong isaalang-alang sa usaping pagbabalik-eskuwela, ayon pa kay Dr. Taylor Heald-Sargent, isang pediatric infectious diseases expert sa Ann and Robert H. Lurie Children’s Hospital sa siyudad ng Chicago, at nanguna sa research.
Hinihimok ng mga eksperto sa U.S. na gumawa ng nasabing research na pag-isipang mabuti ang pagbubukas muli ng klase sa U.S. Giit ni Dr. Heald-Sargent na huwag ipalagay na porket hindi nagkakasakit ang mga bata o di kaya hindi malubha ang kanilang sakit ay hindi ibig sabihin na wala silang dala-dalang virus.
Bagamat maliit lamang ang sakop ng research, naalarma ang iba pang mga eksperto na kahit ang mga bata ay maaaring magkaroon ng “significant amounts of the coronavirus.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWLahad ni Stacey Schultz-Cherry, isang virologist sa St. Jude Children’s Research Hospital, na malimit niyang marinig ang pagsasabing hindi susceptible ang mga bata sa COVID-19 kaya hindi sila magiging infected. Kinontrata ngayon ng findings sa research na hindi totoo ang palagay ng maraming tao.
Ang resulta ng research sa U.S. ay hindi nalalayo sa mga nalaman na ng mga eksperto sa Germany at France. Sa German study, 47 infected children na may mga edad 1 hanggang 11 na walang COVID-19 symptoms ang nakitaan ng “viral loads as high as adults or higher.” Sa French study naman, lumabas na ang mga asymptomatic children ay may cycle threshold na parehas sa batang may sintomas ng COVID-19.
Sa U.S., pinagdedebatehan pa ang pagbubukas muli ng eskuwelahan, habang nasa 20 mga bansa na ang nagsimulang pabalikin ang mga bata sa regular school. Hindi naman nagambala ang school year sa Taiwan, Sweden, at Nicaragua.
What other parents are reading
Sa Pilipinas, tuloy na tuloy na ang pagbubukas ng mga klase sa darating na August 24 sa pamamagitan ng “blended” learning scheme. Ibig sabihin, ang pagtuturo sa mga bata ay mangyayari hindi sa pisikal na eskuwelahan, bagkus sa tulong ng radio, television, internet, at modules.
Ito ang pahayag kamakailan ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones. Sinabi niya rin ang face-to-face learning ay isasantabi muna hanggang sa susunod na taon dahil katapusan pa ngayong 2020 ang pinakamaagang pagdating ng inaasahang COVID-19 vaccine.
Gayunpaman, ani Briones, patuloy ang enrollment. Narating na raw ang 92 percent ng enrollment sa mga public school na may katumbas na 22.3 million na estudyante. Samantala, bumaba naman ang enrollment sa mga private school ng 31 percent.
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading

- Shares
- Comments