embed embed2
Sipon, Trangkaso O Coronavirus? Ang Latest Sa Sintomas Ng COVID-19 Sa Bata
PHOTO BY Pexels
  • Simula noong December 2019 nang unang mabalita ang tungkol sa bagong sakit mula sa China na pinangalanang COVID-19, kumalat na ito sa maraming bansa at naging pandemic. Patuloy ang viral disease na nagiging banta sa kalusugan ngayong kalagitnaan na ng taong 2020. Kaya naman bilin ng health officials na manatiling vigilant upang maiwasan ang pagkakasakit.

    Isa sa mga pinakaiingatan ang mga bata dahil hindi pa nila lubusang nasasabi ang kanilang nararamdaman. Mahirap tuloy sa panig ng magulang na malaman kung ang nakikita niyang sintomas sa anak ay simpleng sipon lamang o di kaya sanhi na ng kinatatakutang coronavirus.

    What other parents are reading

    Sintomas ng COVID-19 sa bata

    Ang sintomas ng COVID-19 sa bata ay halos pareho sa maaaring maranasan ng matanda. Anu-ano ang mga sintomas na ito ngayon? Eto ang listahan ng sintomas mula sa American Academy of Pediatrics (AAP):

    Meron ding mga lumabas ng ebidensya na puwedeng hindi makaramdan ang bata ng lagnat, ubo, o hirap sa paghinga, dagdag pa ng AAP. Pero mas malaki ang tsansa nilang magkaroon ng problema sa tiyan, na ayon naman sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ay pangkaraniwang sintomas na ngayon para sa lahat ng edad.

    Sa isang artikulo sa SmartParenting.com.ph, paalala ni Dr. Anna Ong-Lim, dating presidente ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP), puwedeng hindi sabay-sabay lumabas ang mga sintomas sa bata. “Puwedeng pa-isa-isa lang. Puwedeng ang presentation ng bata, ubo lang o sore throat lang o lagnat. Or magkakasama ’yong tatlo.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa isang artikulo na nailathala sa HuffPost nitong July 22, pahayag ni Dr. Margaret Aldrich, director ng pediatric infection control sa Children’s Hospital sa Montefiore Medical Center sa New York City, mas lamang ang mga bata na makaramdam ng gastrointestinal symptoms gaya ng nausea, diarrhea o decreased appetite. Ngunit huwag naman daw idiin ang pagkakaiba ng mga sintomas dahil hindi pa naman talaga maipapako ang totoo pagdating sa COVID-19.

    Noong Mayo, nabalita sa New York na halos 100 bata na ang naiulat na nag-present ng tinatawag na pediatric multi-system inflammatory syndrome. Nagpapakita lamang ang mga sintomas apat hanggang anim na linggo pagkatapos ng exposure sa COVID-19. (Basahin dito ang kabuuang storya.)

    What other parents are reading

    Habang laganap pa ang coronavirus, ipalagay na COVID-19 ang sakit

    Normal na sa healthy babies at toddlers na magkasipon ng hanggang 10 times sa isang taon, kaya hindi iisipin ng magulang na dahil ito sa COVID-19.

    Pero kung nakatira sila sa lugar na marami ng kaso ng ganyang sakit, lahad ni Dr. Aldrich, ipagpalagay na baka nga nahawa na ang bata at kumonsulta na sa pediatrician. Katwiran ng doktor, mas mabuti nang magkamali dahil sa pag-iingat at hindi sa pagsasawalang bahala. Agad daw ilayo ang bata sa ibang tao, lalo na kung may kasama itong sanggol sa bahay.

    Dahil similar ng sintomas ng sipon, trangkaso at coronavirus, sinabi ni Dr. Ong-Lim, “Kaya ngayon, the only way to know kung ang nararamdaman ng bata na nagpe-present ng fever, or cough, or sore throat is a test. Dahil walang naibibigay na gamot para kontrahin itong mikrobyo, and only thing we give are supportive na gamot katulad ng para sa lagnat or sa ubo. Ang advice natin, que COVID ’yan o hindi, is magpapahinga sa bahay and give supportive care.”

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Basahin dito ang karagdagang sintomas mula sa PIDSP at paano tinutukoy ng pediatrician  kung may COVID-19 o wala ang iyong anak.

    What other parents are reading

     

    Ipaalala sa bata na hindi niya kasalanan ang magkasakit 

    May paniniwala ang mga bata na sila ang dahilan kung bakit sila nagkakasakit, saad ni Dr. Robert Darzynkiewicz sa artikulo. Kaya daw ayaw nilang magsalita tungkol dito, at baka mapagalitan pa sila. Dagdag pa ng doktor na nakakaramdam ng frustration at guilt ang mga bata dahil akala nila meron silang ginawang mali kaya sila dinapuan ng sakit.

    Kapag daw ipinaliwanag ng magulang sa anak na lahat naman ng tao ay nagkakasakit at walang dapat ikagalit o ikalungkot dito, mas gaganahan ang bata na magsabi ng mga nararamdang sintomas.

    Payo pa ng doktor na isulat ng magulang ang mga obserbasyon sa bata. Makakatulong daw ang mga ito kapag nakausap na ang pediatrician.

    Sa mga naitatalang record, hindi pa ganoon kadaming bata ang apektado ng COVID-19 kumpara sa matanda. Wala pang tiyak na dahilan kung bakit. Pero babala ni Dr. Darzynkiewicz na hindi dapat makampante ang mga magulang. Ipagpatuloy lang daw ang pagbantay sa lagay ng kalusugan ng anak. Tanungin ang bata kung ano ang nararamdaman niya at pakinggan ang concerns nito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close