;
embed embed2
  • Tutok Sa Cellphone, TV? 5 Tips Para Mabawasan Ang Screen Time Ng Anak

    Hindi nasusunod ng mas maraming bata ang recommended na screen time, ayon sa isang pag-aaral
    by Angela Baylon .
Tutok Sa Cellphone, TV? 5 Tips Para Mabawasan Ang Screen Time Ng Anak
PHOTO BY shutterstock
  • Naging parte na nga ng pangaraw-araw na pamumuhay ng mga pamilya ang pagiging online at paggamit ng gadget. Mas naging totoo pa ito ngayong tinatawag na "new normal" dahil sa pandemya.

    Nitong nakaraang dalawang taon, naging online na ang klase ng mga bata. Gayundin, maraming magulang ang naging katuwang o naging 'babysitter' ang mga gadget upang malibang ang mga anak habang sila ay naka-work from home setup.

    Bagama't hindi na nga maaalis sa ating buhay ang gadgets, nagpaalala ang ilang mga eksperto tungkol sa kahalagahan ng pagsisiguro na nasusunod ng ating mga anak ang healthy gadget use.

    Ito'y matapos mapag-alaman sa isang international study na mas maraming bata edad 5 pababa ang hindi nakakasunod na recommended na screen time limit.

    Paano masasabi na labis na ang screen time ng anak?

    Sa huling guidelines na inilabas ng World health Organization (WHO) narito ang recommended na screen time limit base sa edad ng bata:

    • 0 to 1-year-old: Screen time is not recommended
    • 2 to 5-years-old: Sedentary screen time should be no more than 1 hour; less is better.

    Ayon sa isang pag-aaral na inilabas sa peer-reviewed medical journal na JAMA Pediatrics nitong Pebrero 2022, wala pa sa kalahati ng mga bata ang nasusunod ang screen time guidelines na ito.

    "One in 4 children younger than 2 years and 1 in 3 children aged 2 to 5 years are meeting screen time guidelines, highlighting the need for additional public health initiatives aimed at promoting healthy device use," ayon sa pag-aaral.

    Nakuha ang resulta na ito sa pagsusuri ng 63 studies kaugnay ng screen usage na ginawa bago ang taong 2019. Sa kabuuan mayroong 89,163 participants ang naturang pag-aaral.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng screen time limit sa mga bata?

    Ilang eksperto ang nagsasabi na panahon na upang mabago ang screen time guidelines dahil na rin sa 'new normal' kung saan halos online na ginagawa ang maraming bagay.

    Quality over quantity. Ito umano ang dapat na tingnan pagdating sa screen usage ng mga bata, ayon sa psychology professor na si Dr. Liane Alampay.

    Paliwanag ni Alampay, "What matters more is ensuring that kids are consuming high-quality content that helps them learn new things and keeps them socially engaged."

    "What matters more than screen time is what they do when they are onscreen. Are they learning new things?. If that is the case, there’s no reason to worry about time spent online," dagdag pa ni Alampay.

    Pero para sa isa sa may akda ng pag-aaral na naunang nabanggit, hindi dapat binabalewala ang screen time limit at may dahilan kung bakit ito inirerekomenda.

    "These findings are concerning because we know that when children are watching screens for long durations, they have less time to engage in other activities (e.g., engaging with caregivers and siblings, physical activity, sleep) that are crucial for healthy development in young children," sabi ni Brae Anne McArthur, Ph.D. sa Fatherly.

    Sang-ayon dito si Dr. James Best na Chair ng Royal Australian College of General Practitioners (RCGP) Specific Interests Child and Young Person’s Health.

    Sa Kaniyang panayam sa newsGP, bukod sa physical at mental health, may epekto din sa relasyon ng magulang at anak ang matagal na screentime.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Aniya, "The impacts of screen time on children are widespread and can affect speech and communication, social development, attention and concentration, behaviour, as well as connections within families including how well parents are bonding with their children."

    READ MORE STORIES ON EFFECTS OF SCREEN TIME ON KIDS

    Paano maiiwasan ang screen dependency sa mga bata?

    Isang bagay ang maliwanag, hindi masama ang paggamit ng devices o gadgets. Hindi rin sinasabing masama ang magulang na hinahayaang gumamit ng gadget ang kanilang anak, pero gaya ng sa ibang bagay, laging tandaan na ano mang labis ay masama.

    Kaya naman kung nababahala ka na higit sa isang oras nang nakatutok sa screen ang iyong anak, narito ang ilang tips para malimitahan ang kaniyang screen time:

    1. Kausapin ang anak

    Gaya ng sa ibang bagay, mainam na magkaroon ng open conversation sa anak tungkol sa paglilimita ng screen time. Maiging ipaliwanag at ipaintindi sa anak kung bakit ito kailangang gawin.

    2. Mag-set ng screen time rules

    Hindi naman kailangan ipagbawal nang tuluyan ang paggamit ng gadget ng anak. Makakatulong ang pagkakaroon lamang ng oras kung kailan sila maaaring gumamit ng gadget o manood ng TV.

    Mainam rin kung i-involve sila sa paggawa ng rules upang mas maging responsable sila sa pagsunod nito. Maaari silang tanungin kung sang-ayon ba sila sa 45-minutes hanggang 1 hour na screen time at kung anong apps at websites lang ang maaari nilang gamitin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    3. Maging mabuting halimbawa

    Makatutulong na ipakita sa anak na maging ikaw ay mayroong healthy device habits. Tandaan na tinitingnan tayo ng mga anak natin bilang role models.

    4. Bukod sa pag-set ng screen time limit, mag-set din ng bonding time sa anak

    Hangga't maaari, maglaan ng oras na bonding time kasama ang anak. Ang paggawa ng physical activities, pagbabasa ng libro, o paglalaro kasama ng anak ay tiyak na mabisang paraan upang mabawasan ang oras na nakaharap sila sa screen.

    Sa ganitong paraan din mas na-appreciate ng ating anak ng physical interaction kumpara sa pagtutok lang sa screen.

    5. Gumamit ng parenting control apps

    Kapag nakapag-set na ng screen time rules, maaari itong mas maipatupad sa paggamit ng mobile control apps o timer. Maaaring i-explore ang Google Family Link feature o maghanap ng iba pang apps para dito.

    Alamin pa ang ilang parenting tips para sa healthy gadget use ng anak dito

    What other parents are reading


  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles