-
Laging Nakaupo? May Epekto Ito Sa Isip Ng 5 Years Old Pababa
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Aminado ang maraming nanay ngayon na talagang mahirap siguraduhing bahagi ng araw nila at ng kanilang mga anak ang mga physical activities.
Ngayon kasing may pandemic, para bang mas naging mahirap na limitahan ang screen time, lalo na para sa mga maliliit na bata.
Ngunit ayon sa mga pag-aaral na nakatutok sa tinatawag na physical literacy ng mga bata, mukhang mas dapat mong siguraduhing may physical activities ang mga anak mo, lalo na kung sila'y edad lima pababa, dahil makakaapekto ito sa pag-iisip nila kung hindi.
Ang physical literacy, ayon sa International Physical Literacy Association, ay ang kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magkaroon ng physical activities sa kanyang buhay.
Pero bakit nga ba mahalagang bahagi ng buhay ng mga maliliit na bata ang mga physical activities? Ayon sa mga eksperto, ang mga importanteng brain connections at neural pathways ay nabubuo bago mag-limang taong gulang ang mga bata.
Ang mga brain connections at neural pathways na mabubuo sa murang edad ng mga bata ang siyang magiging pundasyon ng kung paanong made-develop ang isip ng anak mo sa buong buhay niya.
Lumalabas pa sa mga pag-aaral na hindi lang physical benefits ang maaaring makuha ng isang bata kung mayroon siyang mga physical activities bago siya mag-limang taong gulang—nakakabuti rin ito sa kanyang social, emotional, at cognitive well-being.
What other parents are reading
Isa sa mga benepisyong maaaring makuha ng anak mo kapag naging physically active siya nang maaga ay ang pagkakaroon ng magandang physical coordination.
Magiging maganda rin ang kanyang pakikitungo sa ibang mga bata at mas magiging maayos ang pagdadala niya sa kanyang emosyon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNakakatulong din ang regular na ehersisyo sa pagkakaroon ng anak mo ng improved attention span at problem-solving skills.
Bukod pa riyan, makakaasa kang ang mga physically active na maliliit na bata ay patuloy na magiging physically active sa kanilang pagtanda.
Napakalaking bahagi ang ginagampanan mo para magkaroon ng physical literacy ang anak mo. Importanteng ikaw mismo ang maging halimbawa ng pagkakaroon ng isang active lifestyle. Kailangan mo ring bigyan ng maraming pagkakaraon ang anak mo para maging aktibo.
Habang bata pa siya, importanteng umpisahan mo nang i-moderate ang paggamit niya ng mga gadgets. Simulan ito sa pamamagitan ng pagtatalaga ng sapat lang na oras para sa panonood at paglalaro online.
Samahan mo pa ito ng madalas na paglalakad at paglalaro ng mga physical games tulad ng habulan at iba pa.
What other parents are reading
Marami pa ring pwedeng gawing physical activities kahit mayroong banta ng COVID-19. Isa na riyan ang gardening.
Ang maganda sa paghahardin, hindi ito masyadong mabigat gawin para sa iyo at sa iyong mga anak. Bukod pa riyan, nagkakaroon din ang anak mo ng kalinangan tungkol sa pinanggagalingan ng pagkain niya.
Hindi kailangang maging sobrang athletic ng inyong pamilya. Ang mahalaga ay gumagalaw kayo at bahagi na ng inyong araw ang mga physical activities.
Kayo, anong ginagawa ninyo para manatiling aktibo ang inyong pamilya? I-share mo na iyan sa comments section.
What other parents are reading
CONTINUE READING BELOWwatch now

- Shares
- Comments