-
Magiging Mahiyain Ba? Paano Na Ang Social Skills Ng Anak Mo Ngayong Pandemic
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Halos tatlong buwang mahigit din tayong nanatili sa loob ng ating mga bahay dahil sa community quarantine. Pansamantalang ipinasara ang mga establisyimento, ipinatigil ang pasok ng mga bata sa eskwelahan, at ipinahinto na rin ang public transportation.
Ngayong general community quarantine na sa karamihan ng mga lugar sa Pilipinas, marami na sa atin ang nakakalabas ng atin mga bahay. Ngunit dahil nariyan pa rin ang banta ng COVID-19, hindi pa rin pinapayagan ang paglabas ng mga kabataan.
Kaya naman maraming mga magulang ang nagsisimula nang mag-alala kung ano ang magiging epekto ng hindi paglabas ng bahay ng mga bata sa kanilang social skills.
Ano ang epekto ng isolation sa mga bata?
Sa kwento ng abogadong si Michael Munson sa New York Times, sinabi niyang bibo at madalas makipaglaro sa ibang mga bata ang mga anak niya bago mangyari ang pandemic.
Nang magsimula ang quarantine, sinubukan ni Munson at ng asawa niya na panatilihing may koneksyon ang mga anak nila sa ibang mga bata, ngunit sa tuwing magkakaroon sila ng video chats kasama ang guro ng mga bata, malimit ay nagtatantrums lang ang mga ito.
Social deprivation ba ito? May delay bang mangyayari sa anak mo kung wala siyang social interactions dahil hindi siya nagkakaroon ng pagkakataong makipaglaro at makipag-usap sa ibang mga bata?
Importante ang social interactions
Hindi maikakailang mahalaga sa development ng mga bata ang pakikihalubilo—lalo na sa mga batang ka-edad nila. Ngunit, ayon sa mga eksperto, wala kang dapat ipagalala pagdating sa 'isolation' na naranasan ng anak mo ngayong may pandemic.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa nakaraang episode ng aming webinar na How Po? Binanggit ng Child Behavior Specialist na si Ria Lopez Campos na sapat na ang interaction na nakukuha ng anak mo mula sa iyo, sa daddy niya, at sa mga kapatid niya kung mayroon man.
Paliwanag ni Ria, ngayon ang pinakamagandang panahon para mas madalas mong yakapin, kausapin, kwentuhan, kantahan, at patawanin ang anak mo, lalong-lalo na kung baby pa lang siya.
Magaling ma-adapt ang mga bata
Ayon pa sa mga eksperto, ang mga bata ay malimit na resilient at adaptable. Marami na silang nakukuha sa mga kausap nila, kahit na isa o dalawang tao lang ito. Maging ang mga interactions nila sa inyong mga alagang hayop ay nakakatulong din.
Huwag mo ring maliitin ang mga panahong mag-isang naglalaro ang anak mo. Sabi ng mga eksperto, importante rin na mayroon silang alone time.
Mariing pinabulaanan ng mga eksperto na magiging mahiyain ang anak mo dahil sa mga nangyayari sa paligid natin ngayon. Kahit na wala silang malimit na kausap na ka-edad nila, magdedevelop pa rin sila ng social at emotional abilities.
Sabi ni Dr. Jack Shonkoff, magiging maayos ang lagay ng anak mo dahil ang mga tao'y likas na may kakayahang mag-adjust sa mga nangyayari sa atin.
Pahayag naman ng developmental psychologist na si Dr. Deborah Philips, Ph.D., isa lamang ang pakikisalamuha sa mga paraan para matuto ang bata ng mga social skills tulad ng empathy, decision making, at iba pa.
Bagaman may mga pag-aaral na may koneksyon ang loneliness at long-term health problems, hindi pa rin sapat ang quarantine para tuluyang hindi matuto ng social skills ang anak mo.
CONTINUE READING BELOWwatch nowKung regular mo naman siyang kinakausap, kinakalaro, binabasahan ng libro at iba pa, malaki ang chance na matuto pa rin siya kahit hindi kaedad niya ang kausap niya.
What other parents are reading

- Shares
- Comments