embed embed2
  • Mahirap Maging 'The Best Nanay.' Laging May Kompetisyon Na Magkaroon Ng 'The Best Anak'

    Madaming opinyon ang mga tao tungkol sa pagpapalaki ng iyong anak. Dapat ba itong sundin?
    by Mary Jane Pujanes .
Mahirap Maging 'The Best Nanay.' Laging May Kompetisyon Na Magkaroon Ng 'The Best Anak'
PHOTO BY iStock
  • Sa panahon ngayon, mahirap ang maging nanay. Parang laging may kumpetisyon sa pinakamagaling na ina at pinakamagaling na anak.

    Parang laging nasa isang malaking entablado na sa bawat salita at kilos mo at ng anak mo ay may mga taong nanonood. Para kang nasa isang mall at napapalibutan ng mga nagbebenta ng produkto at sinasabing, "Ito ang bilhin mo dahil ito ang pinakamaganda."

    Palaging nagtatalo ang isip mo sa mga bagay-bagay. Para kang namamangka sa dalawang ilog at hindi mo alam kung alin ang mas mabuting patunguhan.

    What other parents are reading

    Sabi nila, magtrabaho ka para may sarili kang pera at 'di ka umaasa sa bigay ng asawa. Pero sabi rin nila, unahin mo ang iyong pamilya. 

    Sabi nila, maganda ang gatas ng ina at pinakamasustansiya ito. Pero sabi din nila, dapat uminom ng formula milk ang iyong anak para mas tumalino, tumaba at lumusog.

    Sabi nila, huwag mong sanayin sa karga at huwag agad kukuhanin si baby kapag umiyak. Pero sabi din nila, minsan lang sila maging bata. Kargahin mo hanggat gusto niya dahil darating ang araw na hindi mo na ito magagawa dahil malaki na siya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi nila, magtrabaho ka para may sarili kang pera at 'di ka umaasa sa bigay ng asawa. Pero sabi rin nila, unahin mo ang iyong pamilya. Piliin mo ang iyong anak. Makakapaghintay ang trabaho, pero ang paglaki ng anak mo, hindi mapipigilan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Sabi nila, pakainin mo ng masusutansiyang pagkain. Ikaw naman, sinunod ang Tamang Kain. Pero sabi din nila, huwag mong selanan sa pagkain. Maigi yung hindi pihikan at kahit ano ay kinakain.

    Sabi nila, ipasok mo na sa eskwelahan ang bata pagtuntong ng tatlong taon para maagang matuto at makihalubilo sa iba. Pero sabi rin nila, hayaan mong i-enjoy niya ang pagkabata. Mas mabuting i-homeschool para lagi kayong magkasama at mas matututukan mo pa siya.

    Sabi nila, okay lang ang mamalo. Mas mabuting may kinatatakutan para hindi lumaking matigas ang ulo. Pero sabi rin nila, hindi lang pamamalo ang paraan ng pagdidisiplina at mabisang gawin upang mapalaki itong mabuting bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi nila, papanoorin mo ng mga educational videos habang baby pa para maagang matuto. Pero sabi din nila, mas mabuting zero screentime ang baby simula pagkapanganak hanggang dalawang taon.

    What other parents are reading

    Alam mo na ang sabi nila, at alam mo din ang sabi pa ng iba, ano naman ang masasabi mo?

    Maraming pamamaraan ngayon ng pagiging magulang. At totoong sa sobrang dami, nalilito ka na rin. Alin ba talaga ang dapat sundin?

    Nanay, sundin mo lang kung ano ang nasa isip at puso mo. Bilang isang ina, ikaw ang pangunahing makakapagdesisyon kung ano ang nararapat gawin. Gawin mo kung ano ang pinaniniwalaan mong makabubuti para sa iyong anak, nang walang tinatapakang ibang Nanay na taliwas sa iyong mga pamamaraan.

    Parati nating naririnig ang "My child, my rules" at "to each his own." Totoo naman ito.

    Hangga't alam mo ang mabuting maidudulot ng iyong mga ginagawa sa paglaki ng iyong anak, hangga't may sapat kang basehan kung bakit iyon ang pinili mong gawin sa iyong anak, at hanggat kaya mong panindigan ang mga desisyon mo sa pagiging magulang, go lang ng go ka-Nanay!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    At huwag mong kalimutan, sa mata ng iyong anak, parati kang tama. Sa mata ng iyong anak, "The Best Nanay" ka!

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles