Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Bakit Itinuturing 'Liquid Gold' ang Inyong Gatas, Mommy!
PHOTO BY iStock
  • Ang gatas ng ina ay isa na siguro sa maituturing na pinakamagandang regalo para kay baby simula sa kanyang pagsilang. Itinuturing ngang "liquid gold" o kayamang ginto ang gatas ng ina sapagkat marami ang mabuting naidudulot nito kay baby. Nagbibigay eto ng sapat na nutrisyon kay baby at maganda siyang pagkakataon upang magkaroon na matibay na bonding ang mag-ina.

    Hindi man madaling bagay ang breastfeeding para sa lahat ng nanay pero masasabing “worth it” talaga dahil sa benipisyong naibibigay nito. Kaya nga inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) ang ekslusibong breastfeeding sa mga baby mula pagkapanganak hanggang mahigit sa anim na buwan.

    Bakit itinuturing na liquid gold ang gatas ng ina

    Katunayan, pagkalabas ni baby isinasakatuparan ang Unang Yakap (First Embrace) o Essential Newborn Care (ENC) protocols ng WHO at ng Department of Health (DOH). Pagkatapos mapunasan si baby, ilalagay siya sa dibdib ni mommy para sa skin-to-skin contact at upang mahikayat na makainom agad si baby ng gatas ng ina.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Narito ang ilan sa mga benepisyo ng gatas ng ina ayon kina birth and breastfeeding doulas Noelle Pollack at Ros Padua ng Pinay Doulas Collective 

    1. Nakatutulong ang gatas ng ina na mailayo sa panganib si baby.

    Nagbabago ang gatas ng ina na umaangkop sa pangangailangan ng pangangatawan ng iyong baby. Nakakahangang katangian, di ba? Meron itong antibodies na tumutulong makaiwas ang baby sa sakit lalo na siya ay na-expose sa bacteria or viruses. Napakahalaga nito sa unang tatlong buwan ng kanyang buhay kung kailan nagpapatibay pa siya ng immune system at hindi pa siya mapapabakunahan sa ilang mga sakit.

    2. Kompletong pagkain ang breast milk.

    Ang breast milk ay nagtataglay ng mga nutrisyong kinakailangan ni baby sa unang anim na buwan ng kanyang buhay. Makukuha ni baby ang mga panlaban niya sa anumang sakit sa gatas ng kaniyang ina. Sapat na ang gatas ng ina na kaniyang pagkain hanggang sa umabot siya ng anim na buwan kung saan tuntong naman siya sa pagkain ng solid food.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung ikaw ay exclusively breastfeeding, hindi mo kailangan painumin ng tubig ang iyong anak mula pagkaanak hanggang anim na buwan, payo ng mga doktor. (Basahin dito ang dahilan.) Kung formula na gatas ang inyong binibigay, sundang maigi ang instructions sa lata. Huwag mong lalagyan ng extra na tubig para lamang dumami ang formula na gatas.

    More from Smart Parenting

    3. Katuwang ang breast milk na tagapagligtas sa panahon ng kalamidad.

    Sa mga panahon ng kalamidad o sakuna man, makasisiguro na may makukuhang nutrisyon si baby lalo na kung walang malinis na tubig na maiinom. Nakatitiyak na may makukuhaan siya ng lakas at pagkain.

    4. Maaaring makaiiwas sa problema sa pagdumi kapag ang inyong anak ay breastfed.

    Madali lamang ma-digest ang breast milk kaya hindi magiging problema ang constipation kumpara sa formula milk. Maiiwasan din ang diarrhea at malnutrisyon dahil hindi kakailanganin ng paghahalo ng tubig at paggamit ng feeding bottle.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    5. Nakatutulong ang gatas ng ina na maging malakas at matalino si baby.

    Sabi ng isang study, nakakatulong ang fatty acids sa breast milk sa cognitive development at central nervous system ni baby. Dahil sa nakukuha niyang nutrisyon, napapataas ang immune system ni baby kung kaya hindi siya nagiging sakitin.

    More from Smart Parenting

     

    6. Isang magandang bonding kay mommy at baby ang breastfeeding.

    Nakapagdudulot ito ng pagkakaroon ng higit na magandang relasyon ng mag-ina. Ang nagaganap na skin to skin contact ay nagagawang ipadama kay baby na siya ay ligtas at minamahal dahil sa pagyakap sa kanya habang nagpapadede ang ina.

    7. Nagbibigay ng proteksyon ang breast milk sa mental health ng mag-ina.

    Nakatutulong ito sa pagpapalabas ng prolactin hormone na mahalaga sa produksyon ng gatas ng ina. Sa pamamagitan nito, mas nakadarama ng pagiging relaks si mommy. Nakakabawas ito ng stress dahil higit na naitutuon niya ang atensyon sa pag-aalaga at pagkalinga sa anak. May kaugnayan din ito sa hormone na nakapagbabawas ng depresyon, pagkabahala, pagkabalisa sa ina. Ayon pa sa pag-aaral, nakatutulong din ito sa bata na maging matatag sa buhay sa hinaharap.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    8. Makaiiwas na magkaroon ng mga sakit.

    Nakatutulong din ang pagbe-breastfeeding sa hindi pagkakaroon ng ovarian at breast cancer. Bukod pa rito, napapaba rin nito ang tiyansa na magkaroon ng osteoporosis sa hinaharap at iba pang sakit o kondisyon gaya ng type 2 diabetes, hypertension, rheumatoid arthritis.

    More from Smart Parenting

    9. Magagamit ang breastfeeding bilang natural contraception.

    Kung eksklusibo ang ginawang pagbe-breastfeeding, nagagawa nitong mapatigil ang pagdating ng buwanang dalaw o menstruation. Kaya naman, mas nagiging natural ang paraan ng pagpa-family planning. Pero isang babala, maituturing lamang ito na contraception sa mga sumusunod na conditions: 

    • Ikaw ay eksklusibong breastfeeding.
    • Hindi higit sa anim na buwan ang iyong baby.
    • Hindi pa nagsisimula ang iyong menstruation pagkatapos mong manganak. 

    10. Napapabilis ang pagpapanumbalik ng katawan.

    Sa pagpapadede, nagagawa nitong malusaw ang mga calories sa katawan ni mommy na makatulong sa pagbabawas ng timbang.  Dahil din dito, mabilis na nakaka-recover ang katawan mula sa pagbubuntis. Isa pa, nagagawa rin nitong ibalik ang dating laki ng uterus o bumalik sa orihinal na laki nito. Dagdag pa rito ang mabilis ding paghilom ng sugat mula sa panganganak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    11. Makakatipid sa gastos.

    Malaki ang matitipid sa pagbili ng formula milk. Dagdag pa pagbili ng distilled water, feeding bottles, at sterilizer. Samantalang libre lamang ang gatas ng ina. Kailangan lamang magpalakas, manatiling malusog, kumain ng sapat, at uminom ng maraming tubig.

    12. Ikaw lang, sapat na!

    Hindi na kailangan ni baby ng anupaman sapagkat ikaw lang mommy ay sapat na. Sa ekskusibong pagpapasuso sa kaniya, hindi lamang nabubusog ang kaniyang sikmura kundi ng pagmamahal mula sa iyo sa nadarama niyang pagkalinga at sakripisyo mo. Sa kabilang banda, napapagaan din ang pagbiyahe dahil kung breastfeeding si baby hindi na kailangan pa ang pagdadala ng feeding bottle at distilled water.

    Isa ang breastfeeding sa pinaka-challenging sa buhay ng mga mommy. Pero, ang mga nabanggit ay patunay lamang na marami talaga ang mabuting naidudulot nito hindi lamang kay baby kundi maging sa kaniyang mommy. Sa katunayan, higit na pinapalawak ang adhikaing ito ng Department of Health (DOH), kaya bukod sa kanilang programang TSEK, itinakda ang buwan ng Agosto para sa Breastfeeding Awareness Month. Bagaman nakapapagod at nakaka-stress talaga ang proseso ng breastfeeding, nakatutuwa na maraming mommy ang nanatiling positibo at aktibong nakikilahok sa misyong ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay mula sa:

    11 Breastfeeding Advantages That Always Persuade Moms to Nurse Their Babies

    Breastfeeding May Help You Get a Smaller Waistline (Best News of the Day!)

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles