embed embed2
  • Chynna Ortaleza At Chariz Solomon: Hindi Kailangang Sobrang Strict Sa Pagkain Ng Anak

    Masaya ang Kapuso moms na kumakain ang kanilang mga anak ng gulay.
    by Jocelyn Valle .
Chynna Ortaleza At Chariz Solomon: Hindi Kailangang Sobrang Strict Sa Pagkain Ng Anak
PHOTO BY Instagram/@chariz_solomon (L); @chynsortaleza
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Aminado sina Chynna Ortaleza at Chariz Solomon na hindi naging madali ang mga pinagdaanan nila para maging magana kumain at maiwasan ang pagiging pihikan sa pagkain ng kani-kanilang mga anak.

    Nagkuwento ang celeb moms sa online event na inorganisa kamakailan ng GMA Artist Center, ang  talent management agency na namamahala sa kanilang showbiz career.

    Chariz: 'Konting soft drinks naman is okay'

    Sabi ni Chariz, "may ups and downs and hiccups" ang pagtuturo at pagsasanay niya sa kanyang tatlong anak, na pawang mga lalaki: Apollo James, 7; Ali Joakim, 5; at Andreas Manolo, 1 year old sa September 30, 2021.

    "Pero," aniya, "natutuwa ako na alam na nila ang importance ng pagkain ng gulay, ng nutritious food. It’s not that hindi ko sila pinapayagan kumain ng chips, French fries, fast food. Pinapayagan ko sila actually. Siyempre with limit.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Recently, pina-introduce ko na rin sila sa soft drinks, soda. Gusto ko lang alam nila kung ano ang meron sa mundo. Konting soft drinks naman is okay."

    Pagmamalaki ng comedienne sa kanyang three boys: "Sa rate ng pagkain nila, matutuwa ka as a mom. Magaan ang pakiramdam ko na napapakain ko sila ng mga laing, ampalaya, mga gano’n.

    "Kahit anong ulam, hindi ako nahihirapang mag-decide kung anong lulutuin ko. Kapag lumalabas, hindi ko kailangang mag-adjust…Natuwa ako na nagawa namin together, kami ng mga anak ko, na nagustuhan nila ang nutritious foods."

    Diin ni Chariz, hindi mahirap pakainin ang kanyang mga anak at ang portion ng dalawang older kids ay pag-adult na. Kaya, pabirong niyang angal:: "Ang mahal na ng grocery!"

    Chynna: 'Ang sikreto yata baby-led weaning'

    Sang-ayon si Chynna sa kanyang kapwa Kapuso star. Aniya, "Kasi ako, parang si Chariz, naniniwala ako na hindi tayo dapat masyadong maging strict pag dating sa mga anak natin sa pagkain."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Si Chynna at kanyang asawang si Kean Cipriano, isang musikero at aktor, ay may dalawang anak: Stellar, 5, at Salem, 2 years old sa September 25.

    Paliwanag ni Chynna, "Of course, every time they eat something nutritious, I always say, ‘That’s good food. This vegetable gives you this kind of vitamins.’ So naa-absorb naman yata ng panganay ko kasi enjoy s’yang mag-gulay."

    Paborito raw ng batang babae na si Stellar ang broccoli at ampalaya, pati na donuts. Sobra rin daw itong "explorative pag dating sa kinakain niya."

    Ang baby boy namang si Salem ay nasa stage na "he wants to taste everything" at hindi picky eater. Kaya masaya raw silang mag-asawa na walang pilitan sa pagkain ng mga bata.

    Lahad ni Chynna, "Ang sikreto yata kasi nag-baby-led weaning kami. So ako ang nagsa-sakripisyo. Ako ang kailangang maglinis ng buong dining area dahil mukhang war pagkatapos. Maganda naman ang reward kasi ’yung mga bata, hindi pihikan pag dating sa pagkain."

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles