embed embed2
  • Ciara Sotto: 'Number One Ang Anak Ko...Kasi May Mga Guys Na Pinapapili Ka Pa'

    Nagkwento rin si Ciara tungkol sa kanyang annulment at sa first day of school ng kanyang anak.
    by Jocelyn Valle .
Ciara Sotto: 'Number One Ang Anak Ko...Kasi May Mga Guys Na Pinapapili Ka Pa'
PHOTO BY Aprica
  • Nitong February 2019 ay granted na ng korte ang petition ni Ciara Sotto para sa annulment ng marriage nila ni Jojo Oconer, isang associate producer sa APT Entertainment. Ikinasal sila noong January 2010 at, pagkaraan ng six years, nagkahiwalay ng landas. Simula noon ay tumayo nang single mother si Ciara sa kanilang anak na si Crixus, 4 years old na ngayon.

    Nagkaroon na rin ng bagong love life ang actress/singer/pole dancer sa katauhan ni Ian Austin, isang Filipino-American na ayon sa kanyang Instagram account ay prop builder/sculptor/firearms enthusiast. Nagdiwang sila ng anniversary nitong August 2019 lamang, ngunit 11 years na silang magkaibigan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pahayag ni Ciara sa SmartParenting.com.ph sa event ng Aprica stroller brand kamakailan na hindi sila makapag-date ng kanyang boyfriend dahil lagi nilang kasama ang kanyang anak. Aniya, “Parang bihira lang na kaming dalawa lang. Pero kasi gusto din niya [Ian] na kasama [si Crixus].”

    Kuwento pa ni Ciara ay kasundo ni Crixus si Ian na para lang daw silang playmates. Natutuwa siya sa turingan ng dalawa dahil pangunahing concern niya ang kapakanan at kaligayahan ng bata sa pagkakaroon niya ng love life.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Kailangan mahal si Crixus,” paliwanag niya. “Kung hindi, no. Kasi may mga guys na gano’n, e. ’Yong iba nga, pinapapili pa. Sorry talaga, number one ang anak ko. If he can’t, e di wala. It means that’s not the right person.”

    Perfect timing kung ituring ni Ciara ang pagdating ni Ian sa buhay niya dahil nagiging independent na si Crixus. “Para di masyadong masakit,” wika niya. “Hindi, super lambing pa rin niya sa akin. Kaka-start niya pa lang mag-school, e. Ayan, makulit, pero enjoy. Nursery na siya.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pansin niya na madaling nag-adjust ang kanyang anak kahit hindi niya ipinasok sa play school bilang paghahanda sa school environment. Siya lang daw ang nagsimulang magturo dito ng mga basic lessions. Pero hindi niya naihanda ang sarili sa pagtungtong ng anak sa bagong yugto ng buhay nito.

    “Ako pa ’yong, ‘Hala, mag-aaral na siya!’ Sanay kasi ako na dalawa lang kami sa bahay,” paliwanag niya, sabay pag-amin na nagkaroon siya ng separation anxiety. “As in, umiyak talaga ako no’ng first day. Enjoy siya do’n. Hahatid ko, then babalikan ko. Kasi 9 to 12 siya, e.”

    Sa punto na iyon napagtanto niyang ang bilis ng takbo ng panahon, na mula sa pagiging baby boy ay nagiging big boy na ang kanyang only son. Aniya, “He’s needing me less and less each day kasi nagiging independent na. Happy ka, but the same time, malungkot ka.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bilang ina, iniisip na lang niya na gano’n talaga kasi “you raise them to be independent,” ika nga niya. “Especially ako. Wala, nagpapapanggap na lang ako na okay lang. At saka siyempre dapat maging proud kasi marunong na siyang magpalit ng damit. Gano’ng little achievements.”

    Nahihilig daw si Crixus sa parkour, na ayon sa Britannica.com ay “the practice of traversing obstacles in a man-made or natural environment through the use of running, vaulting, jumping, climbing, rolling, and other movements in order to travel from one point to another in the quickest and most efficient way possible without the use of equipment.”

    Komento niya sa napakaaktibo niyang anak, “Feeling niya siya si Spiderman. Sumasabit. Natatakot nga ako bigla na lang nasa taas ng pole.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mainam daw ito kesa magbabad sa gadget, diin niya. “Wala siyang cellphone. Wala siyang iPad. Minsan, nakikisilip lang siya. Naiinggit siya. Pero wala, alam niya na bawal siya. Minsan, nakikinood siya sa Daddy ko. Mga gano’n. Pag gano’n, di mo na mako-control kasi si Daddy na ’yon. Mga games, like Candy Crush. Mga gano’n lang.”

    More from Smart Parenting

    Si Ciara ang bunsong anak ni Senator Tito Sotto, na komedyante and TV host din, at ng veteran actress na si Helen Gamboa. Kapatid niya si Quezon City Vice-Mayor Gian Sotto at pinsan naman si Pasig City Mayor Vico Sotto. Kilala ang angkan nila sa showbiz at politics.

    Malapit si Ciara sa kanyang mga kapatid at mga pinsan, at gano’n din si Crixus sa mga anak nila. Madalas mag-bonding ang mga bata, at nakikinood na lang daw si Crixus pag nakatutok ang kanyang mga pinsan sa YouTube.

    More from Smart Parenting

    “Oo, kawawa,” sabi niya. “Minsan, papayagan ko, 20 minutes lang. Ayoko talaga siyang masanay. Kaya malikot din siya kasi takbo dito, takbo do’n, basketball… May mga pamangkin ako sa pinsan na para kumain, naka-gadget. Ang pangit kasi hindi na nila nae-enjoy ang meal time.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Pati TV nga pag school day, ayoko. Kasi gano’n si Mommy sa amin, e, no’ng bata kami. Bawal manood ng TV pag school days. Kasi parang aabangan mo na ang show mo, di ba? Binabawalan ko na din siya manood para maaga matulog. Mga 8, 9, matutulog na. Para magising siya ng 7. Nakakatulog din ako, pero maiisip ko na may gagawin pa pala ako. Kasi tabi kami, di ba?”

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles