embed embed2
Memory Gap Ka Na Rin? May Solusyon Si Mommy Para Iwas Limot At Mas Organized Ang Buhay
PHOTO BY courtesy of Emerald Bailey
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

     Kung mommy ka na, malamang ay napansin mong nagiging makakalimutin ka na sa mga simpleng bagay — hindi mo maalala kung saan mo nailagay ang iyong cellphone, nakaka-miss ka ng mga appointment, at minsan napaghahalu-halo mo pa ang mga pangalan ng anak mo! Ang tawag dito: “mom brain.”

    Sa sobrang hectic at busy natin sa pag-aalaga at pag-aayos ng bahay, hindi natin maiwasan na makalimutan ang mga dapat gawin. Kaya naman nakaisip si Emerald Bailey, 34, ng kakaibang paraan para makaiwas sa “memory gap” — sarili niyang version ng “family command center!”

    What other parents are reading

    Paano gumawa ng family command center sa bahay

    PHOTO BY courtesy of Emerald Bailey
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang family command center ay isang lugar sa bahay kung saan pwede mong i-organize ang schedule ng bawat miyembro ng pamilya, mga importanteng documents, bills na kailangang bayaran, at iba pa. Basahin kung paano ito ginawa ni Emerald:

    Pinili kong ilagay ang command center sa kusina malapit sa dining table namin dahil doon madalas dumaan ang lahat ng nilalang na nakatira sa aming munting bahay. Nag-o-occupy siya ng isang wall at andun na lahat.

    1. Higanteng calendar white board

    Ito ang family command center ni mommy Emerald sa kanilang bahay.
    PHOTO BY courtesy of Emerald Bailey
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Para lang itong normal na kalendaryo na drinawing ko sa white board. Hindi mo na kailangang bumili ng kalendaryo every year — gumagamit lang ako ng white board marker para sa mga dates para wipe and write na lang. Makakatulong ka pa kay Mother Earth! And since malaki siya, mas less ang chance mo na may mga missed appointments, “billsaries” at iba pa.

    2. Cork board

     Sa baba ng progress board ay isang cork board kung saan tinutusok ko ang mga bills at paperwork na kailangan pirmahan at mga kung anu-ano pang papel sa school ng mga anak ko. Nilalagyan ko lang sila ng mga nabibili ko sa Japan store na mga post-it na may nakalagay “urgent, to sign, to keep, to dispose.” Very effective ito para mas maging organized kayo at siguradong walang makakalimutan.

    What other parents are reading

    3. Progress board

    Nakahati ang progress board sa to do, in progress, and done.
    PHOTO BY courtesy of Emerald Bailey
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    ‘Yung isa pang white board sa kaliwa ay progress board. Meron siyang tatlong columns: TO DO, IN PROGRESS, and DONE. Gumagamit ako ng post-it pandikit at kapag ‘yung nasa TO DO ay nasimulan ko nang gawin, ililipat ko siya sa IN PROGRESS. ‘Pag tapos na, ilalagay ko siya sa DONE.

    Para sa akin, mas effective ‘yung ganito kasi mas na-iinspire akong tapusin ang mga projects ko dahil excited ako na lahat sile ay malipat sa DONE, LOL.

    4. Weekly planner

     Ang white board sa kanan ay ang aking weekly planner. Mas focused ito sa mga weekly schedules ko, like mga ganap ng bagets sa kanilang school at extracurricular activities, mga schedule ko sa pag-u-upload, film, at edit ng videos. Mas organized lang at para sure na wala akong ma-miss sa dami ng mga ganap ko sa buhay.

    What other parents are reading

    5. Communication board

    Ito naman ang communication board ng pamilya nila.
    PHOTO BY courtesy of Emerald Bailey
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ito ay smaller white board kung saan nakalagay ang aming meal plan for the week, mga munting reminders, date kung kailan kami last nagpa-anay spray, kung kailan ang last na bill namin ng LPG. That way, conscious kami kung kailan ang next. Nandiyan rin ang mga important phone numbers at nandiyan rin ang aming mga grocery list kung saan naming nilalagay ‘yung mga items na nauubos na sa aming pantry. Pero pagdating ng grocery day, mas madali na lang namin ma-track ‘yung mga items na kulang at need bilhin.

    6. Weekly planner for kids

    Yung last board sa baba ng weekly planner board ay para sa mga bata—ang kanilang routine board. Very excited sila gawin ‘yung mga tasks nila kasi gusto nila idikit agad ‘yung mga happy face.

    Hindi naman kailangan na ganitong-ganito ‘yung communication board ninyo. Kahit isang board lang na maliit pwede na rin ‘yun. Ang mahala ay visible siya sa’yo at dapat nasa same page kayo ng lahat ng nakatira sa bahay ninyo, para aware kayong lahat sa schedule ng bawat isa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung medyo tight ang budget ninyo, pwede kayong maghanap ng mga lumang frame na hindi ninyo ginagamit and it can also serve as your white board. Stylish pa! Sana nakatulong ito sa mga aligagang Nayshie like me!

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close