-
Init Na Init? 5 Wais Ways Para Hindi Matuyuan Ng Pawis Ang Mga Bata
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Bagaman hindi tayo nakakalabas ng bahay para pumunta sa mga beaches at i-enjoy ang mga nakaugalian nating summer activities, masasabi pa ring summer na nga talaga dahil sa sobrang init.
Kaakibat nga ng mainit na panahon ang iba't-ibang karamdamang tulad ng bungang araw at heat stroke. Kaya naman todo effort ang mga magulang para maiwasang matuyuan ng pawis ang kanilang mga anak.
Bakit masamang matuyuan ng pawis?
May paniniwala na kapag natuyuan ng pawis ang isang tao, maaari siyang magkaroon ng pneumonia. Ngunit ayon sa mga eksperto, ang pneumonia ay dulot ng virus, bacteria, o fungi na nakakapasok sa baga.
Dagdag pa nila, hindi ka magkakaroon ng ubo at sipon dahil lang sa pawis, pero mas madaling mapapasok ng cold virus (rhinovirus) ang katawan mo dahil mas mabilis itong dumarami sa malalamig na environment.
Kung pawis na pawis ang likod ng anak mo at mahahanginan siya, maaari siyang lamigin at bumaba ang immune system niya—mas magiging madali para sa cold virus na pumasok sa kanyang katawan.
Maraming mga paraan ang mga magulang para maiwasan ito. Narito ang ilan sa mga tips na ibinahagi nila:
Lagyan ng papel ang likod ni baby
Noong unang panahon pa lang, isa na talaga ito sa mga kilalang paraan ng mga magulang para maiwasang matuyuan ng pawis ang mga bata. Ang madalas nilang gamitin ay diyaryo, kitchen towel, at Manila paper.
"I use paper towel sa likod niya and every afternoon, wash up before matulog sa hapon para fresh feeling si baby." —Rocelle Lampa Corbo-Anaya
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Dyaryo or Manila paper sa likod! Gawain din ng mother namin before." —Mya Padie
"Bimpo or tissue paper po. Then make sure na lageng icheck." —Alelly Cablao-Hernane
"Kaunting baby powder at kitchen tissue like Sanicare, absorbent at 'di madaling malukot sa likod." —Ruthy Tumbale
"Kitchen towel sa likod, sando lang at naka-brief ang two-year-old ko." —Catherine Sicorsicor Ocampo
"My kids wear sando ('yung may mga butas) tapos sapin sa likod (kitchen towel) or newspaper or bond paper. Mas naabsorb po kasi [nito] 'yung pawis ng mga bagets." —Marla Anova
What other parents are reading
Gumamit ng manipis na lampin
Kung ayaw mo namang lagyan ng papel ang likod ni baby, pwede kang gumamit ng ano mang manipis na towelette o bimpo. Siguraduhin mo lang na babantayan mo ito para mapalitan agad kung basa na ng pawis.
Para sa mga nanay, pinakaepektibo ang paggamit ng manipis na lampin.
"Punas sa batok, likod, leeg, singit singitan from time to time using soft cloth." —Rose Ann Gumidam Bitagon
"Laging may towel na nakaprepare and check from time to time kasi madali silang pagpawisan." —Jayme Rose Dela Peña
"Bimpo always on the ready! Heto at palaging nakasunod si mommy sa anak para pag may pawis, punas agad. Prone pa naman sa bungang araw si lo lately. So punas agad para di matuyuan at iwas bungang araw." —Pristine Grace Espada Payas
"Para maiwasan ang bungang araw, laging may bimpo para sa ulong pawisin ni baby. Sa likod naman ay effective yung baby powder na natural ang ingredients for prickly heat this summmer. Helpful din ang papel sa likod. Sobrang absorbent." —Yang Dialino
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended VideosWhat other parents are reading
Suotan ng preskong damit si baby
Ang first choice ng mga nanay pagdating sa tela ng damit ng mga anak nila ay cotton. Bukod kasi sa malambot ito, magaan din ito at breathable—mas makakalabas ang init ng katawan ng anak mo kung cotton ang tela ng mga damit niya.
"Light colors na cotton sando lagi ang pinapasuot." —Lorelie Ceñidoza-Cerrero
"'Yung mga damit [ng anak ko] lahat sleeveless at shorts. 'Di ko pinapasuot [ng] shorts na maong since mainit 'yun. [Puro] mga maninipis na damit [lang ang] pinapasuot ko at walang manggas. ['Yung] iba niyang [mga] damit, tinanggalan ko [na] ng manggas. [Ang] mga pajamas niya, ginawa ko nang shorts." —Ella Coso
"Cotton na damit palagi pinapasuot ko para hindi nakukulob sa katawan nya ang init at cloth diaper sa tanghali para hindi sya iritable." —Nerisse Lucy-Apan
"Light color ang damit [ng anak ko], much better if 'yung sando na manipis [o] 'yung may mga butas." —Danica Rose Baclao - Saguinsin
May ilan pang mga nanay na hindi na dinadamitan na pang-itaas ang kanilang mga anak para mas presko.
"Kapag morning nakahubad lang [ang anak] ko at diaper lang." —Kat San Dra
"Usually kapag morning, kapag nakapagpoop na [ang anak ko], [pinagsusuot] ko na lang [siya ng brief] or cloth diaper na walang insert, para [makapagpahinga ang] pwet niya [mula sa] kapal ng diaper at sa init na rin." —April Lim
Siguraduhing maganda ang ventilation sa bahay
Payo ng mga nanay, kung pwedeng buksan ang mga pintuan at bintana sa bahay ninyo, mas magandang buksan ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMalaki rin kasi ang maitutulong ng ventilation para maging presko ang buong bahay ninyo. Importanteng umiikot ang sariwang hangin sa loob ng bahay.
"Dapat good ang ventilation. Open ang windows at doors (naka-lock ang screen door)." —Mary Rose Evelyn Apellido-Montano
"Binubuksan ko ang bintana ng kwarto 'pag umaga para pumasok ang hangin kung [mayroon] man." —Iris David Dela Cuesta
Gumamit ng powder
Effective daw ang baby powder para sa karamihan ng mga nanay sa Village. Ayon sa kanila, siguraduhin mo lang na i-clear mo muna ang paggamit nito sa doctor ng anak mo, lalo na kung hikain ang bata.
"Sa likod naman ay effective 'yung baby powder na natural ang ingredients for prickly heat." —Yang Dialino
"Nilalagyan ko ng rice powder si baby para feeling fresh siya lagi." —Isabel Belen Dizon
"I put powder at their back, yes. They've never had serious flu or colds so far." —Yollie Marie
"I put powder and paper towel sa likod nila and palit ng damit every now and then." —Mary Rose Evelyn Apellido-Montano
"I use paper towel panlagay sa likod ni bunso. And instead na baby powder, yung J&J cornstarch nilalagay ko para malessen din ang pagbubungang araw." —Jhen Manuel Narvaez
Aminado ang mga nanay na simula nang labis na uminit ang panahon, mas madalas nang nakasindi ang kanilang air conditioning. Para makatipid sa kuryente, inoorasan nila ang paggamit ng aircon.
Ang iba naman, gumagamit ng dalawang electric fans at may kasama pang paypay. Habang ang iba, dahil walang aircon, naglalagay na lang yelo sa harap o likod ng electric fan para malamig ang hanging lumabas.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKanya-kanya nga tayo ngayon ng paraan para magpalamig. May nagbababad sa pool, may umoorder ng ice cream, at may ngayon pa lang nag-iinvest sa mga air coolers at aircon.
Huwag niyo ring kalimutang uminom ng maraming tubig para maiwasan ang dehydration.
May mga pampalamig hacks pa ba kayong ginagawa para hindi pawisan ang anak ninyo? I-share niyo lang iyan sa comments section.
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments