Filipino,parenting tips,real parenting,Smart Parenting Village,lch-00432,Mga Pahayag Na Hindi Dapat Sinasabi ng Magulang sa Anak,parenting tips, positive parenting, harmful words to kids, smart parenting, avoid hurtful phrases, children's emotional health, respectful communication, parenting guide, responsible parenting, positive discipline,Alamin kung anong mga pahayag ang dapat iwasan ng mga magulang sa pakikipag-usap sa kanilang anak.
ParentingReal Parenting

Mga Pahayag Na Hindi Na Dapat Sinasabi O Pinaparinig Sa Mga Anak

“Dapat siya na lang ang anak ko.”
PHOTO BYAdobe Stock

Malaki ang epekto nating mga magulang sa physical, mental, at emotional health ng ating mga anak. Kung kaya’t marami sa ating mga magulang ngayon ay nangangako na may mga karanasan tayo na hinding-hindi natin ipaparanas sa ating mga anak ngayon.

Maliban sa mga karanasan, nagtanong kami muli sa Smart Parenting Village ukol sa mga pahayag na narinig nila mula sa kanilang sariling magulang, na ayaw nila gamitin o ipasa sa kanilang mga anak, sa kadahilanang ang mga ito ay nag-iiwan ng mga sugat na mahirap pagalingin. At marami sa mga magulang ngayon ay dinadala pa din ang sakit na dulot ng mga salitang ito.

Ano nga ba ang mga bagay na hindi natin dapat sabihin o iparinig sa ating mga anak? Narito ang ilan at mga kadahilanan sa likod ng bawat isa.

Mga pahayag ng pang-aabuso at pagtanggi sa pagkatao

“Ako nagbigay ng buhay sa iyo, kaya ako din ang papa*** sa iyo.”

Ang mga ganitong pahayag ay nagpapakita ng matinding galit at poot na nagdudulot ng trauma sa kahit sinong tao na makarinig, lalo na sa mga bata. Sa halip na pagtibayin ang relasyon ng magulang at anak, ang mga ganitong pahayag ay nakakapag dulot ng takot at pagkamuhi.

“Wala kang kwenta.”
“Anak lang kita.”
“Wala kang silbi.”

Ang mga ganitong pahayag ay direktang pag-atake sa pagkatao ng bata, na nagdudulot ng mababang kumpiyansa sa sarili at pakiramdam ng kawalan ng halaga. Ang mga batang makakarinig nito ay maaaring maging insecure at magduda sa kanilang sariling kakayahan.

“Kung wala kayong lahat, mayaman na sana ako!”

Ang paninisi sa mga bata at pagsumbat sa mga sakripisyo na ginawa ng magulang ay maaaring magdulot ng pagkakasala at mabigat na damdamin ng responsibilidad na hindi naman dapat pasan ng mga anak. Ang mga ganitong pahayag ay maaaring maging sanhi ng alitan at hindi magandang relasyon sa pagitan ng magulang at anak.

“Wala kang kwenta, alam mo bang magkano nagastos namin sa pag-aalaga sa inyo?”

Ang paglalagay ng presyo sa pangangalaga sa bata ay nagpapakita ng kakulangan ng pagmamahal at pag-unawa sa tunay na diwa ng pagiging magulang. Nagiging sanhi ito ng takot at pagkakahiwalay ng damdamin.

watch now

Mga pahayag na naglalagay ng hindi makatarungang responsibilidad

“Ikaw ang magtatawid sa amin sa kahirapan.”
“Ikaw ang pag-asa ng pamilya natin para umangat tayo sa buhay.”
“Palamunin lang kayo.”

Ang mga pahayag na ito ay naglalagay ng napakabigat na responsibilidad sa mga balikat ng bata, na maaring magdulot sa kanila ng stress at pagkabalisa. Dapat bigyan ng pagkakataon ang mga bata na mamuhay ng walang pressure mula sa hindi makatwirang pananagutan.

“Alam mo ba kung magkano ang gastos namin sa ‘yo?”

Ito ay natanggap ng isang magulang nang siya ay, “nagtatanong lang naman ako kung kailan ako makakapagbayad ng fee para sa costume namin sa field demo. Ang mga ganitong pahayag ay nakakapagparamdam sa mga bata na sila ay pabigat sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga gastusin ay nakakadulot ng hiya at pagkakahiya. Ang simpleng tanong nga bata ay nagiging malaking isyu na nagdudulot ng pagpapadama ng kawalan ng halaga.

Mga pahayag na nag-iinvalidate ng feelings at nagdudulot ng pag-aalinlangan sa sarili

“Ang OA mo, parang yun lang.”

Ang mga ganitong pahayag ay walang empatiya at itinitanggi ang nararamdaman ng bata. Pinaparamdam nito na hindi tama ang nararamdaman ng bata. Nagiging sanhi ito ng kawalan ng tiwala sa sarili at kahirapan sa pagharap sa sariling emosyon.

“Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?”

Ang pag-aalala sa opinyon ng ibang tao ay naglilimita sa kalayaan ng bata na maging totoo sa kanyang sarili. Dapat ituro sa mga bata na kumilos batay sa kanilang sariling paniniwala at pagpapaalaga, hindi dahil sa takot sa opinyon ng iba. Ayon sa magulang na nagbahagi, “I will teach my kids to act based on their beliefs and values and not be tied down by other people’s standards of what is right and wrong.”

“Huwag kang maingay, baka marinig ka ng tatay mo.”

Pagbabahagi ng isang ina na sinabi sa kanya ng kanyang sariling ina noong siya ay magsumbong sa naranasan niyang paglalapastangan. Ang pagbabalewala sa daing ng bata, lalo na kung ito ay may kinalaman sa pang-aabuso, ay nagdudulot ng takot at kawalan ng katarungan. Ang mga bata ay dapat hikayatin na magsalita tungkol sa kanilang mga karanasan upang makakuha sila ng nararapat na suporta at proteksyon.

“Ang tigas ng katawan mo, para kang kawayan.”

Ayon sa magulang na nagbahagi: “Hilig ko kasi sumayaw nung grade school. So never na ako sumayaw ulit mula high school.” Ang mga pahayag gaya nito ay nagdudulot ng pagdududa sa sariling kakayahan at talento. Sa halip na pinupuna, mas mainam na hikayatin ang bata na pagbutihin ang kanyang mga interest at talento.

Mga pahayag na nagkukumpara at hindi makatarungang pamununa

“Buti pa si [cousin] matalino. Ikaw, ang bobo mo. Dapat siya na lang ang anak ko.”
“Ikaw lang sa magpipinsan ang walang honor, hindi ka ba nahiya?” Ayon sa nagbahagi, “Never ako nagka-line of 7 noong nag-aaral ako, pero ramdam na ramdam ko na bobo ako at that time.”
“Kanino ka ba nagmana, ang panget mo na, wala ka pang talent. Ang bobo mo pang dem**** ka.”

Ang pagkukumpara sa mga bata sa ibang tao, lalo na sa kanilang mga kamag-anak, ay nagdudulot ng inggit, galit, at mababang kumpyansa sa sarili. Ang patuloy na pamumuna at pagtawag sa mga bata ng masasamang pangalan, tulad ng demonyo, ay nadudulot ng takot at pagkamuhi sa sarili. Dapat hikayatin ang bata na pagbutihin ang sarili batay sa kanilang sariling kakayahan, hindi sa pamamagitan ng pagkumpara sa iba.

Pahayag na naglilimita sa edukasyon at pangarap

“Tumigil ka na sa pag-aaral, babae ka lang naman. Magtrabaho ka na para makatulong ka na sa amin.”
“Hindi ka na mag-college, okay na yang high school.”
“Huwag ka na muna mag-enroll, sayang kasi yung sweldo mo.”

Ang mga ganitong pahayag ay naglilimita sa potensyal ng bata at nagtatakda ng mababang ekspektasyon sa kanila. Kailangang bigyan ang mga bata ng pagkakataong tupain ang kanilang mga pangarap at mag-aral hanggang sa abot nang kakayahan. Gayundin, ang edukasyon ay mahalagang aspeto ng personal na pag-unlad at tagumpay, at dapat magsilbi ang mga magulang na gabay at suporta dito.

Pahayag na nagtatakda ng kawalan ng pag-asa

“Sana nama*** ka na lang.”
“Bakit ba ang tagal mo mama***?”
“Lumalaban ka na? Hindi ka aasenso sa buhay, tandaan mo yan!”
“Eh di sana pina*** ko na kayo, hindi naman pala kayo maaasahan.”

Ang mga ganitong pahayag ay nagpaparamdam ng matinding kawalan ng pag-asa at maging pag-ibig para sa bata. Ang ganitong uri ng pananalita ay maaaring magdulot ng depresyon at pakiramdam nang pagkabigo. Mahalaga na ipakita ng mga magulang ang pagmamahal at suporta sa kanilang mga anak upang sila ay magkaroon ng positibong pananaw sa buhay at maging handa sa mga hamon sa buhay.

Maaaring nasasabi ang mga ganitong pahayag nang dahil sa bugso ng damdamin, ngunit ito ay nagdudulot ng malalim na sugat sa damdamin at kaisipan ng mga bata. Kaya’t kinakailangang maging masuri at maingat ang mga magulang sa kanilang mga sinasabi sa harap, o maging sa ibang tao ukol sa kanilang mga anak, na maaari nitong marinig. Nararapat na maging mabuting halimbawa ang mga magulang, at magpakita ng pagmamahal, pag-unawa, at suporta, upang matulungan ang mga bata na lumaking may tiwala sa sarili at handang harapin ang mga pagsubok sa buhay. Ang bawat bata ay nararapat na makaranas ng kalinga at positibong pagsuporta sa kanilang mga pamilya.

Basahin ito para sa epekto ng positibong pananalita sa mga bata.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close