embed embed2
  • Cheating, Walang Gana Sa Sex: Mga #SPconfessions Na Tumatak Sa Amin Ngayong 2020

    Narito ang mga confessions na ipinagkatiwala ninyo sa amin.
    by Ana Gonzales .
Cheating, Walang Gana Sa Sex: Mga #SPconfessions Na Tumatak Sa Amin Ngayong 2020
PHOTO BY Shutterstock
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey?

    Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Isa sa mga talaga namang nagiging inspirasyon namin sa patuloy na pagsusulat ay ang tiwalang patuloy na ibinibigay ng mga magulang.

    Maraming mga nanay at tatay ang nagpapadala ng kwento nila, hindi lang tungkol sa pagiging magulang, kundi pati na rin sa kanilang relasyon bilang mag-asawa.

    Kaya naman bago matapos ang napaka-challenging na taon na ito, inilista namin ang ilan sa mga #SPConfessions na talaga namang tumatak sa maraming SmartParenting.com.ph readers.

    2020 Year-End Special! Mga #SPConfessions na tumatak sa amin

    "Masyadong Close Ang Asawa Ko Sa Officemate Niyang Babae, What To Do?"

    PHOTO BY mentatdgt from Pexels

    Sa pag-uumpisa ng taon, bago pa man ang social distancing at lockdown, inilapit na sa amin ng isa sa mga miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, ang concern niya sa pakikisama ng kanyang asawa sa officemate nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano nga ba kung close ang asawa mo sa isang officemate niya mula sa opposite sex? Kailan okay lang? At kailan sobra na? Paano mo nga ba siya dapat kausapin tungkol dito at anong dapat mong sabihin?

    Basahin ang buong kwento dito, pati na rin ang payo ng ibang mga nanay.

    "I Love My Husband But After Our Baby I Don't Find Sex Interesting Anymore"

    PHOTO BY @GeorgeRudy/iStock

    Malimit ding ilapit sa amin ng mga nanay ang mga pinagdadaan nila pagkatapos nilang manganak. Isa na rito ang kawalan ng gana sa sex. Marami sa kanila ang naka-relate nang ibahagi namin ang kwento ng isang nanay na nakaranas nito.

    Bakit nga ba nawawalan ng gana sa sex ang mga babae pagkapanganak nila? Medical condition ba ito na maaaring lunasan?

    I-click mo lang ang link na ito para basahin ang buong kwento.

    "Nagbago Na Raw Siya, Pero Nahuli Ko Sila Sa Email"

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    PHOTO BY iStock

    Nang magsimula ang lockdown, inakala ng maraming misis ay hindi na o mababawasan na ang problema nila sa cheating ng kanilang asawa.

    Isang nanay ang nagkwento sa amin na sinabi raw ng asawa niyang magbabago na ito, ngunit nahuli pa rin niya ito na sa email naman nakikipag-usap.

    Pwede mong basahin ang buong kwento nila dito sa link na ito.

    "Parang Chore Na Lang Ang Sex? 'My Husband Makes Me Feel Undesirable'"

    PHOTO BY Shutterstock/shisu_ka
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa ring nararanasan ng mga nanay ay iyong may gana nga sila, pero si hubby naman ang hindi interesado.

    Minsan umaabot pa sa punto na pakiramdam nila ay hindi na sila sexy o desirable sa mata ng asawa nila.

    Naranasan mo rin ba ito? Basahin ang buong kwento dito.

    "Lagi Akong Dina-down Ng Asawa Ko. Wala Na Rin Akong Kaibigan At Tiwala Sa Sarili Dahil Sa Kanya"

    PHOTO BY Shutterstock

     

    Malimit na mga stay-at-home moms ang nakakaramdam nito. Dahil umaasa sila sa asawa nila para sa financial support.

    Madalas din nilang hinaing na isinusumbat ng asawa nila ang ibinibigay sa kanila o 'di naman ay hindi sila pinapayagang magtrabaho dahil 'wala raw silang kakayahan.'

    Paano kung ganito ang trato sa iyo ng asawa mo? Anong gagawin mo? I-click mo lang ang link na ito para sa buong kwento.

    Ilan lamang ang mga ito sa mga #SPConfessions na ipinadala sa amin ngayong taon. Mayroon ka bang kwentong gusto mong ibahagi sa amin? Ipadala mo lang iyan sa aming email address na smartparentingsubmissions@gmail.com.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles