christmas gifts,ninang,ninongs,ninangs,godparents,viral post,viral-trending,A Ninang's Open Letter To All Parents: 'Magbibigay Po Kami Ng Maluwag Sa Puso Namin',Family & Relationships,People & Society,Family and Relationships,parenting issues,adoption story,permissive parenting,smart parenting village,parenting group,becoming a parent,co-parenting,real parenting,parenting style,foster parenting,Panawagan ng isang nanay sa social media na huwag maging pala-demand ang mga magulang sa kanilang mga ninong at ninang.
ParentingReal Parenting

Parents, 'Wag Pala-Demand Sa Ninong At Ninang, Paalala Ng Isang Nanay Na Hiningan Ng P5K Para Sa Tablet Ng Inaanak

"Magbibigay po kami ng maluwag sa puso namin."
PHOTO BYADOBE STOCK, SCREENSHOT FROM FACEBOOK /MOMMY HIEDS

Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting@summitmedia.com.ph with the subject “Real Parenting.” Click here to read more ‘Real Parenting’ stories.

Ilang araw nalang, Pasko na. Habang aligaga ang mga nanay sa pamimili ng mga regalo, paggagayak sa mga dadaluhang parties, at pag-aalaga ng mga may sakit sa pamilya, isang nanay ang nag-share ng kanyang hinaing sa Facebook page ni Mommy Hieds, isang sikat na mommy content creator na madalas naming nai-fi-feature dito sa Smart Parenting.

Kuwento ni mommy, na itago natin sa pangalang Ninang Santa, isang kumare niya ang nag-message sa kanya at tila nag-so-solicit ng ireregalo para sa kanyang inaanak. Itago natin sa pangalang Mommy Demy si kumare. 

Mababasa sa screenshot ng usapan nila na gumawa ng group chat si Mommy Demy para sa mga ninong at ninang kasama si Ninang Santa, para makapag-ambagan ng ireregalo sa bata. Maaaring i-check lang daw sa spam messages sa Messenger para mabasa ito. (A for effort ka diyan, Mommy Demy!)

undefined
PHOTO BYSCREENSHOT FROM FACEBOOK /MOMMY HIEDS, WITH PERMISSION FROM SENDER

Paliwanag ni Mommy Demy, "Kasi itong inaanak mo, nag-re-request ng tablet." Ambagan daw silang mga ninong at ninang para "at least masaya 'yung bata ngayong Pasko."

Nang itanong ni Ninang Santa kung magkano ang ambagan nila, walang patumanggang reply ni Mommy Demy, "Ikaw marsi, 5k pwede naman na."

watch now

Kaya naman, hindi nag-atubili si Ninang Santa maglabas ng hinaing.

"Mommy Hieds, pakipansin po itong letter ko. Nananawagan po ako sa lahat ng mga magulang na 'wag po sanang ganito."

"Wag pong palademand sa ninong/ninang ng mga anak niyo. Magbibigay po kami ng maluwag sa puso namin. Nakikita niyo man na nakakaluwag kami sa buhay, hindi po dahilan yun para huthutan niyo kami. Ginawa niyo kaming godparents para magabayan ang mga anak niyo hindi para mabilhan ng mga gusto nila," pahayag ni Mommy Santa.

Paalala sa mga magulang ukol sa pagreregalo sa inaanak

Madami ang naki-simpatiya kay Ninang Santa, at napakagandang paalala ito ngayong panahon ng kapaskuhan. Umabot na sa 46k reacts at 26k shares ang post ni Mommy Hieds. Mababasa ang buong post dito.

Sabi ng isa, "Ang role po talaga ng ninong at ninang sa mga inaanak ay yung gabayan sila, lalo kung wala ang mga parents. Kasama dun ang pagpapanalangin para sa mga inaanak. Kung may maibigay man ang ninong/ninang tuwing may mga occassions, bonus na po yun. Matuto pa tayong mahiya ng kaunti."

Banat naman ng isa, "Isauli ang kandila, hahaha! 'Wag turuan maging materialistic ang anak, pero lalo na ang magulang."

Paalala lang sa mga magulang: Ang mga ninong at ninang ay tumatayong mga pangalawang magulang ng inyong mga anak. 'Wag natin sila i-obliga na magbigay ng regalo sa kanilang mga inaanak, nang sa gayon ay hindi rin magka-lamat ang relasyon bilang magkukumare at kumpare. 

Magsilbing modelo rin tayo sa mga anak, na hindi ang regalo ang basehan kung masaya o hindi ang Pasko. Ang pinakamahalaga ay magkakasama ang pamilya, malusog, mapayapa, at ipinagdiriwang ang tunay na rason ng okasyon.

Kung nais mang mag-regalo ng mga ninong at ninang sa mga inaanak nila, meron kaming gift guide dito na pwedeng ipadala sa kanila, na hindi aabot ng P5k.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close