embed embed2
  • Am I Overreacting? Kapag May Madalas Ka-Chat Si Mister, OA Ka Ba O OK Lang?

    Kapag masyado kang malinis sa anak mo, OA ka ba? O OK lang?
    by Ana Gonzales .
Am I Overreacting? Kapag May Madalas Ka-Chat Si Mister, OA Ka Ba O OK Lang?
PHOTO BY Shutterstock
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Ilang beses mo nang naramdaman na parang may mali, pero hindi mo masabi dahil pakiramdam mo rin ay nago-overreact ka lang?

    Marami sa mga nanay sa aming Facebook group ang nagbabahagi ng mga moments na ito—malimit ay tungkol sa kanilang mga mister, ngunit mayroon ding mga pagkakataong tungkol sa mga bata.

    Minsan kasi, may mga pangyayaring mapapatanong ka na lang kung tama ba o OA ka lang. Narito ang ilan sa mga pagkakataong iyan:

    "Close ang partner ko sa officemate niyang babae. Okay lang ba? O OA na ako?"

    Maraming mga nanay sa Village ang relate dito. Kailan nga ba okay lang at kailan hindi okay na may ka-close tayong opposite sex?

    Ang malimit na sagot ng mga nagbigay ng payo, depende sa inyong mag-partner. Importante na i-establish ninyo sa isa't-isa kung alin ang okay lang sa inyo at kung alin ang sobra na.

    Kung halimbawa'y mas malimit kausap ng partner mo ang officemate niya kaysa sa iyo at mas marami siyang ibinabahagi dito kaysa sa iyo, maaaring sobra na ang closeness nila.

    Pwede ninyo itong i-base iyan sa prioritization. Dapat ay prayoridad ninyo ang isa't-isa at sa isa't-isa ninyo nakukuha ang inyong mga emotional at physical needs.

    "Nakikipag-chat ang partner ko sa iba't-ibang babae."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May ilang mga nanay sa Village ang nagkwento sa amin na nakikipag-usap daw ang partners nila sa iba't-ibang babae. Nang komprontahin nila ang mga ito, ang sagot sa kanila ay 'wala lang daw ito.'

    Ayon sa mga nanay na nagbahagi ng kanilang mga payo, hindi ito okay kung hindi naman related sa trabaho ang pinag-uusapan nila.

    Hindi ka OA kung magagalit o kakausapin mo ang asawa mo tungkol dito. Karapatan mo bilang asawa na linawin kung bakit niya ito ginagawa at kailangang gawin.

    "Malinis ako sa mga anak ko, lalo sa baby. OA ba ako?"

    Hinaing ng mga nanay sa Village, madalas daw silang masabihang OA ng mga kaanak nila dahil sa pagiging masyado nilang malinis sa kanilang mga anak.

    May mga nanay na nagagalit na hinahalikan ng iba ang anak nila, habang ang ilan naman ay hindi pinapadalaw sa iba ang mga bata.

    Katwiran ng mga nanay na nagbahagi ng kanilang experience, hindi ka OA kung ganito ka. Sa katunayan, normal na bahagi ng pagiging ina ang gustuhin mong maging malinis at ligtas ang iyong mga anak.

    Sabi pa nila, sa panahon ngayon, napakahirap nang hindi maging malinis. Sa dami ng mga nagsusulputang karamdaman, hindi maaalis sa mga magulang, lalo na sa mga nanay na magdoble ingat.

    "Lagi akong nag-aalala na may mangyaring masama sa anak ko. OA lang ba ako?"

    "Hindi" ang mabilis na sagot ng mga nanay sa Village. Kailan man ay hindi naging OA ang isang nanay sa pag-aalala kung may mangyayaring masama sa anak niya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ngunit, sabi rin ng mga nanay, importanteng may gawin ka ring research at dalhin mo rin ang anak mo para hindi ka laging nag-aalala.

    Makakatulong din kung tuturuan mo ang iyong sarili para makagawa ka ng mga tinatawag na informed decisions para sa mga anak mo.

    Hindi sapat ang pag-aalala lang. Importante ang research, proper education, at pagkonsulta sa mga eksperto.

    Sa huli, ang mahalaga ay ang komunikasyon at edukasyon. Kung madalas mong maramdamang parang nagiging OA ka na sa relasyon ninyong mag-asawa, kailangan ninyong mag-usap nang masinsinan.

    Saan ba kayo madalas na hindi magkaintindihan? Ano ba ang madalas ninyong pag-awayan? Dapat na bang mag-set kayo ng limitations at boundaries?

    Pagdating naman sa iyong anak, nakapag-research ka na ba ng maayos? Naikonsulta mo na ba sa mga eksperto?

    Huwag mo agad isiping overreaction ang mga reaksyon mo, sa halip, isipin mo kung saan ito nanggagaling at anong pwede mong gawin para maiwasan na maramdaman mo ito.

    May mga moments ka bang pakiramdam mo ay OA ka lang? I-share mo na Iyan sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles