embed embed2
  • Baby Switching Case Update: Sinagot Ng Mulleno Family Ang Mga Tanong Ng Netizens

    Sinagot nila ang tanong ng mga netizens tungkol sa mga latest na kaganapan sa kanilang pamilya.
    by Ana Gonzales .
  • Sa isang 33-minute na vlog na i-nupload nina Marga at Kim Mulleno sa kanilang YouTube channel, sinagot nila ang mga tanong ng mga netizens na sumubaybay sa kanilang kwento.

    Kung sakaling hindi mo pa narinig ang kanilang pinagdaanan, sina Marga at Kim ay isa sa dalawang mag-asawa na naging biktima ng kauna-unahang baby switching case dito sa ating bansa.

    Maaari mong basahin ang buong kwento, pati na ang mga updates, sa article na ito.

    Narito ang mga tanong at statements ng mga netizens na game na game namang sinagot nina Marga at Kim:

    "You and your wife are very calm to handle everything. Nakaka-amaze!"

    Marami nga sa mga followers ng mag-asawa ang humanga sa pagiging kalmado nila sa kabila ng mga nangyayari. Ayon kay Kim, alam nila na makikita ng mga batang involved ang videos kapag lumaki na sila.

    "Ang tumatakbo sa isipan namin noon, is to do things nang maayos. Gawin namin 'yung tama and hope for the best na maintindihan ni baby," sabi ni Kim.

    Sensitibo rin ang topic at babies din ang involved kaya pinili ng mag-asawang maging kalmado.

    "Gaano kayo kasaya na naibalik na sa inyo ang inyong tunay na anak?"

    "Masayang-masaya!" Sagot ni Kim. Sabi pa ni Marga, sa kabila ng nangyari ay masaya sila na dalawang pamilya lang ang involved sa nangyari.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "Kung hindi kayo nag-DNA test, mararamdaman mo kaya na baby mo ang nasa ibang pamilya?"

    Sagot ni Marga, nang mahawakan niya ang baby nila na nasa ibang pamilya, may naramdaman siyang connections. "The connection is real," sabi pa niya. "Iba 'yung nasa picture lang na makikita mo, compared sa makikita mo in person," sabi naman ni Kim.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Before, wala talaga," dagdag pa ng mag-asawa. "Confident kami. Pero noong binisita namin sina Aphril nung nag-negative ang result namin, doon namin naramdaman na ito 'yun," sabi ni Kim. "Gusto ko na ngang iuwi eh," dagdag pa ng ama ng bata.

    "Nangyayari bang nagkakamali rin ang lukso ng dugo?"

    Sabi ng mag-asawa, dahil sa nangyari, nalaman nilang maaari ring magkamali ang lukso ng dugo. "Ang maipapayo ko sa mga first-time parents, be vigilant," sabi ni Kim.

    "Hindi tayo pwedeng mag-rely sa emotion lang. [Hindi dahil] ito ang una kong nahawakang baby, for sure sa akin ito," dagdag pa niya. "Our story proved na hindi laging ganoon."

    "Ang mga baby ay magkakamukha po 'yan. Lumalabas 'yung itsura nila, a week or a month after pa," sabi ni Kim. Kwento pa niya, nang malapit na nilang isauli ang baby na nakuha nila, nakita na talaga nilang kamukha ng tatay sa kabilang pamilya.

    "Paano binago ng pangyayari ang buhay ninyo?"

    Kwento ng mag-asawa, sa kabila ng lahat ng hirap na pinagdaanan nila dahil sa nangyari, ipinagpapasalamat nila na lumaki ang kanilang pamilya. "Dalawa na ang panganay namin at lumaki ang pamilya namin," sabi ni Marga. "'Yun 'yung pinakamalaking change na positive para sa akin."

    Bago magpaalam ang mag-asawa sa kanilang vlog, ipinaliwanag din nilang hindi naman sila naniniwalang sinadya ng ospital ang nangyari. Sabi nila, sa ganoong aspeto nagiging pang-telenovela ang pangyayari.

    "Hindi siya sinasadya ng nurse. Inamin nilang nagkamali sila, there's negligence," sabi ni Kim. Dagdag pa nila, bagaman naging stressful ang sitwasyon, masaya pa rin sila dahil naibalik sa kanila ang kanilang tunay na anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Just help us pray na hindi maging negative ang effect kay baby kahit naging ganito ang sitwasyon."

    Pwede mong panoorin ang kabuuan ng kanilang vlog dito:

    ***

    Sinubaybayan niyo ba ang kwento ng baby switching case na ito? I-share niyo ang inyong mga saloobin sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles