-
Tama Na Ba Ang Isa? Paano Ba Malalaman Kung Handa Ka Na Sa Isa Pang Anak
Itinanong ito ng isang nanay online.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.
Sa aming online community na Smart Parenting Village ang malimit na tanong ay kung paano kinakaya ng mga magulang kung nasundan agad ang panganay nilang anak. Madalas kasing nangyayari na wala pang isang taon ang panganay ay nabubuntis agad si mommy.
Samantala, sa online community ng Mamas Uncut, may isang nanay na nagtanong kung ano nga ba ang pros and cons ng pagkakaroon ng dalawang anak.
Sabi niya, natatakot siyang balang araw ay pagsisihan na hindi siya nagkaroon ng isa pang anak. Ngunit, natatakot din siya sa posibleng kaakibat na hamon ng pagkakaroon ng dalawang anak.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAgad namang ibinahagi ng mga nanay na may dalawang anak o higit pa ang kanilang mga experiences.
Paano nga ba malalaman kung handa na kami para sa isa pang anak?
Mahirap lang sa umpisa
Lalong-lalo na kung malapit ang agwat ng edad ng mga bata. Mahirap dahil mas marami kang kailangang gawin, asikasuhin, at isipin, ngunit marami sa mga nanay ang nagsabing sa umpisa lang ito magiging komplikado.
Depende sa support system mo
Maganda rin ang ibinahagi ng mga nanay na depende dapat ang desisyon mo sa support system na mayroon ka.
Dahil mas magiging matrabaho ang pagkakaroon ng dalawa o higit pang anak, kailangang may matibay kang support system para tulungan ka, hindi lang sa pagpapalaki ng mga bata, kundi pati na rin sa mga gawaing bahay at iba pang pangangailangan ninyo.
Sundan mo ang iyong instinct
Sabi ng mga nanay, sarili mo mismo ang magsasabi sa iyo kung kaya mo pa nga ba ang pagkakaroon ng isa pang anak. Kung mas malaking bahagi ng iyong sarili ang duda sa pagkakaroon ng anak, maaaring kailangan mo pa ng mas mahabang panahon para pag-isipan.
CONTINUE READING BELOWwatch nowNasa spacing 'yan
Dahil isa sa mga pinakamalaking hamon ng pagkakaroon ng maraming anak ay ang pag-aalaga sa kanila, makakatulong kung maayos ang pagkakalayo-layo ng mga edad nila. Payo ng isang nanay, kung hihintayin mong matapos ang toddler years ng panganay bago mo siya sundan, maaaring mas maging madali para sa iyo na magkaroon ng isa pang anak.
Kapag mas matanda na rin kasi ang panganay mong anak, hindi na siya high maintenance, sabi nga ng mga nanay, at mas madali sa kanyang maintindihan na mayroong na siyang kapatid.
Magandang bilang ang dalawa
Pagbabahagi ng mga nanay, magandang bilang ang dalawa, kung hindi niyo pa alam mag-asawa kung ilan nga ba ang gusto ninyong maging anak. Sa dalawa kasi, kahit papaano ay mas madaling i-manage ang routine ng pamilya.
Kinwento rin ng mga nanay na depende rin ito sa financial capabilities ninyong mag-asawa. Magandang bilang ang dalawa lalo na sa panahon ngayon na hamon ang paghahanap ng trabaho.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDagdag pa ng mga nanay, ano man ang mapagdesisyonan ninyong bilang ng anak, bawat isa sa kanila ay biyaya. Kung hindi niyo naman pinlanong masundan agad ang inyong panganay, payo ng mga nanay, isipin mong hindi kailanman matatawaran ang pagmamahalan ng magkakapatid o iyong tinatawag na sibling love.
Kayo, ilan ang anak ninyo ng partner mo? Nasundan ba agad ang panganay ninyo? Ibahagi mo na ang inyong experience sa comments section.

- Shares
- Comments