embed embed2
  • Natigilan Si Rica Nang Sabihin Ng Panganay Miss Niya Nung Silang Dalawa Lang Magkasama

    Si Rica at kanyang asawang si Joseph Bonifacio ay may dalawang anak.
    by Jocelyn Valle .
Natigilan Si Rica Nang Sabihin Ng Panganay Miss Niya Nung Silang Dalawa Lang Magkasama
PHOTO BY Facebook/Rica Peralejo-Bonifacio; Instagram/@ricaperalejo
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories. 

    Maraming magulang na higit sa isa ang anak ang naka-relate sa ibinahaging karanasan ni Rica Peralejo tungkol sa kanyang panganay. Nagsabi kasi ito ng nararamdaman tungkol sa pagkakaroon ng kapatid.

    Si Rica at kanyang asawang si Joseph Bonifacio ay may dalawang anak: Philip, 7, at Manu, na magtu-2 years old sa darating na June 9, 2021.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kuwento ng public figure sa kanyang social media accounts na natigilan siya nang biglang sabihin ng older boy sa kanya, “I miss those days when it was just the two of us.”

    Sakto namang inaasikaso niya ang toddler boy pagkatapos niya itong paliguan nang magsabi ang panganay na anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bumalik din daw sa kanya ang mga alaala noong bago pa lang siyang nanay at nakatutok ang kanyang atensyon sa isang anak pa lang. Ika nga niya, “It was a special time.”

    Sinundan ni Rica ang tinutumbok na damdamin ni Philip, at doon lumabas ang realization ng bata na ang mga bagay na gusto niya noong solong anak pa siya ay nagtapos na. Dagdag pa ng bata na mas madali ang buhay nila noon kesa ngayon na may baby silang iniintindi.

    Mabuti na lang daw, sabi ni Rica, may baon siyang kaalaman mula sa mga nadaluhan niyang counseling sessions. Natanto niyang “grief” ang pinagdadaanan ni Philip at pinapahayag ng bata ang “pain of letting go of what was actually a good life for him.”

    Naaayon ang reaction ni Rica sa mga payo ng mga eksperto hinggil sa pagtuturo sa anak kung paano maglabas ng emotion (basahin dito). Hinayaan niyang maghayag ng saloobin ang bata at nagbigay ng “validation.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sinabi ni Rica kay Philip na maging siya ay nami-miss ang mga panahong sila lang ang parating magkasama at “very special days” din ang mga iyon sa kanya.

    Aniya pa, “He is not alone in feeling a bit sad about a change in what was rather a good life, even if it meant having Manu around.”

    Kinuha na rin ni Rica ang pagkakataon na ipaliwanag kay Philip na kahit mahal nito ang baby brother niya, okay lang makaramdam minsan ng pagkainis. Kasi raw, “Love is not easy. Relationships can really be an inconvenience and yet we are still right to want it.”

    Bilang pagtatapos ng kanilang pagu-usap, binigyan ni Rica ng mahigpit na yakap si Philip. Pero magpapatuloy daw ang kanilang conversation tungkol sa issue. Paalala lang niya sa kanyang social media followers na hindi sa lahat ng pagkakataon ay alam niya ang kanyang sasabihin sa kanyang mga anak.

    What other parents are reading

     

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles