embed embed2
  • May Ibang Paraan Sina Saab At Sitti Sa Pagbasa Ng Nursery Rhymes

    Nag-share ang dalawa sa isang FB live session kasama sina Iya at Chynna.
    by Jocelyn Valle .
  • Naiintindihan ni Saab Magalona ang hinaing ng mga magulang sa paulit-ulit na pagbasa ng nursery rhymes sa mga anak. Kaya ang payo niya ay mag-research ng mga nursery rhymes sa ibang wika at iyon ang ibigkas sa mga bata.

    Ibinahagi ng singer-blogger ang tip na ito nitong Linggo, April 19, 2020, sa Facebook Live session ng “Project: Alalay Kay Nanay” fundraising project na binuo ng mga kapwa niya celebrity mom tulad nila Iya Villania at Chynna Ortaleza.

    Paliwanag ni Saab, “Because our babies’ brains are like sponges. So pag may ibang language, nai-stimulate din sila.”

    What other parents are reading

    Si Saab at ang kanyang mister na si Jim Bacarro, isang musician at businessman, ay may dalawang anak na pawang mga lalake: sina Pancho, 2 years old, at Vito, 7 months old. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Samantala, nagkwento din ang singer na si Sitti Navarro sa parehong Facebook Live session kung paano niya tinuturuan ng nursery rhymes ang kanyang 1-year-old daughter na si Issiah Danelle. Aniya, “Ang ginagawa ko, ako na lang ang kumakanta with matching actions.”

    Naniniwala siya na parang mahika ang musika. Pansin niya ito kapag masama ang timpla ng panganay nila ng mister na si Joey Ramirez, isang triathlete. Kapag daw kinantahan niya ang batang tinatawag din nilang Lillibubs ay agad na gumaganda ang disposisyon nito at sumasabay pa minsan sa himig.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahad ni Sitti na nais talaga nilang mag-asawa na lumaki si Lillibubs na babad sa musika. Nagpapasalamat siya na may mga nagregalo sa kanilang anak ng keyboard, xylophone, at microphone, habang mayroong gitara sa Joey, kaya madalas mapuno ng musika ang kanilang bahay. Ngunit wala naman daw pressure sa bata na matuto na itong kumanta sa tono o indayog.

    What other parents are reading

    Lumaki naman si Saab sa musika dahil sa tatay niyang si Francis Magalona, ang kinilalang Master Rapper no’ng nabubuhay pa ito. Naalala niya na madalas siyang sumama sa studio o concert, at kakaiba daw ang mga karanasan na iyon. Aniya, “Talagang it’s a totally different life, meeting people. Nabuksan ang mata ko.” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Natutuwa si Saab na maganda ang pagtanggap nila Pancho at Vito sa musika. Mayroong music studio sa kanilang bahay na nakakatulong sa kanilang mag-asawa bilang mga musikero at miyembro ng bandang Cheats. Ang tawag din daw ni Jim sa studio ay “talent development room” dahil panalangin nilang magkaroon din ng banda sina Pancho at Vito pag laki nila.

    Pero hindi naman daw nila ipe-pressure ang mga bata sa gusto nila. Ito rin ang paalala ni Saab sa mga magulang. Aniya hindi kailangang magkapareho ang mga gusto ng magulang at anak.

    What other parents are reading

     

    Sang-ayon dito si Chynna, na siyang nag-host ng Facebook Live session katuwang si Iya. Ang mister ni Chynna na si Kean Cipriano ay isang aktor at bokalista ng bandang Callalily. Silang mag-asawa din ang nagpapatakbo ng kumpanyang O/C Records. Mayroon silang dalawang anak. Ang panganay na si Stellar ay 4 years old nitong April 10, habang 1-and-a-half years old naman ang sumunod na si Salem.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kwento ni Chynna na sa dati nilang tirahan na mag-anak ay may sariling silid para sa music studio ni Kean. Nagkukulong daw doon mag-isa ang kanyang mister at malayo sa mga bata. Pero ngayong nasa condo na silang natira, limitado na daw ang espasyo kaya malaya siyang nalalapitan, lalo na ni Stellar na hilig din ang pagkanta at pagsayaw. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahad ni Chynna na pareho sila ng diskarte ni Saab sa paghahanda sa mga anak sa buhay musikero. “Kumbaga ang ginagawa namin ni Saab, ‘O ready na lahat para sa inyo, pero kung ayaw niyo, chill lang naman kami.’"

    Nagpahayag naman ng paghanga si Sitti sa musical environment ng pamilya ni Chynna. Aniya, “They’re so exposed sa concert, sa music. That’s the kind of education na hindi mo mababayaran. Ang galing niyo ni Kean. Hats off sa inyo.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles