-
5 Paraan Para Hindi Umihi Ang Anak Mo Sa Kama Ayon Sa Mga Mommies
Makakatulong ito kung lagi kayong nagigising dahil nabasa kayo ng anak ninyo.by Ana Gonzales . Published Oct 4, 2020
- Shares
- Comments

Madalas ay mainit na topic sa aming online community ang potty training. Marami kasi ang gustong matuto ng mga epektibong techniques kung paano turuan si baby.
READ MORE ABOUT POTTY TRAINING HERE:
- 5 Things No One Tells You About Potty Training: 'Prepare For Poop On The Couch'
- Paano I-Potty Train Si Baby At Kailan Nga Ba Dapat Magsimula?
Marami rin ang nai-inspire sa mga celebrity moms tulad nina Solenn Heussaff at Sitti Navarro sa tuwing nagbabahagi sila ng kanilang mga potty training techniques.
Kamakailan, ang itinanong sa amin ng mga newbie moms ay kung ano ang epektibong paraan para siguraduhing hindi umiihi sa kama ang toddler nila.
Paliwanag ng mga eksperto, kahit potty trained na ang anak mo, maaaring magkaroon pa rin ng pagkakataong iihi siya sa kama. Maaaring nakokontrol niya ang kanyang pag-ihi sa araw, pero ibang usapan na kapag sa gabi.
Ayon sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, marami kang pwedeng gawin para maiwasan ang bed wetting. Narito ang ilan sa kanila:
Huwag mag-offer ng maiinom isang oras bago matulog
Iwasan mo na ang pagbibigay ng ano mang inumin bago matulog ang anak mo. Kailangan ay nakainom na siya ng tubig, gatas, o ano pa man, isang oras bago kayo matulog. Sa ganitong paraan, maiiwasang maihi siya sa gabi.
Kung hindi naman maiiwasang uminom siya, limitahan mo sa isang baso ang ibibigay mo.
Paihiin mo ang anak mo bago matulog
Depende ito sa dami ng nainom ng anak mo bago siya mahiga. May ilang mga nanay na nagsabing isang oras bago matulog ang anak nila, pinapaihi na nila ito. Mayroon namang limang minuto bago matulog ay saka lang nagpapaihi.
Gisingin mo ang anak mo para umihi
Epektibo raw itong paraan sabi ng mga nanay sa Village. Marami sa kanila ang ganito ang ginagawa, lalo na kung apat na taong gulang pataas na ang edad ng bata.
Ayon sa kanila, simula nang gawin nila ito ay kusa nang nagigising ang mga anak nila sa kalagitnaan ng gabi para sabihing naiihi sila.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSabi pa ng ilang mga nanay, makakatulong kung tatandaan mo kung anong oras naiihi sa kama ang anak mo para ganitong oras mo rin siya gigisingin para makapunta siya sa banyo.
Gumamit ng lampin at sapin sa kama
Kung hindi talaga maiwasan ang pag-ihi sa kama ng anak ninyo, gumamit kayo ng mga bagay na makakapagpadali sa paglilinis.
Halimbawa, sa halip na diaper, lampin ang ipinapagamit ng ilang mga nanay sa mga anak nila para tipid. Kaunti man o marami ang iihi niya sa gabi, hindi maaksaya sa diaper. Kaakibat ng lampin ang mattress protector para kung sakali mang marami ang ihi, hindi ito tatagos sa kama.
Maging consistent
Isa sa pinakamadalas ipay ng mga nanay pagdating sa potty training ay ang pagiging consistent. Sinusubukan mo kasing gumawa ng habit. Para maging matagumpay ito, bukod sa pagiging paulit-ulit, kailangan ay consistent din.
Kailangang consistent din ang potty breaks ng anak mo sa buong araw. Dapat ay lagi mo siyang tinatanong kung naiihi o nadudumi siya. Ayon kasi sa mga eksperto, madalas ay hindi pinapansin ng mga bata ang mga bodily urges tulad ng pag-ihi para lang makapaglaro sila.
CONTINUE READING BELOWwatch nowAyon pa sa mga nanay, makakatulong din kung kakausapin mo ang anak mo, lalo na kung nasa edad na siya na nakakaintindi na siya ng mga simpleng instructions.
Sabihin mo sa kanya na sa tuwing makakaramdam siya na kailangan na niya umihi, kailangang gisingin ka niya.
READ MORE ABOUT POTTY TRAINING HERE:
- 5 Things No One Tells You About Potty Training: 'Prepare For Poop On The Couch'
- Paano I-Potty Train Si Baby At Kailan Nga Ba Dapat Magsimula?
Ilan lamang ito sa mga paraan para maiwasan ang pag-ihi sa kama ng anak mo. Tandaan na ang potty training ay hindi nakukuha sa isang upuan lang. Ito'y mahabang proseso na paulit-ulit mong gagawin para matutunan ng anak mo.
Nasolusyonan mo ba ang pag-ihi sa kama ng anak mo? Anong ginawa mo? I-share mo na iyan sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments