Minsan, may mga araw na ang hirap bumangon, magtrabaho, at mag-asikaso ng mga gawaing bahay. Anong madalas mong ginagawa kapag nararamdaman mo ang parental burnout?
Kami, binabalikan lang namin ang mga nakakatawang larawan na ipinapadala sa amin ng aming online community. Kaya naman naisip naming ibahagi sa inyo ang mga ito, para madamay na rin kayo sa good vibes.
Narito ang ilang larawan na makakapagpasaya sa iyo kung hindi maganda ang araw mo. Nagmula ang mga ito sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Linggo-linggo ay magbabahagi kami ng mga nakakatawang larawan na ipinapadala sa amin ng mga miyembro ng aming online community.
Nakakapagod mang maging magulang, hindi maikakailang maraming mga moments na nakakatawa at hindi mo ipagpapalit ano man ang mangyari.
Ipunin natin ang mga moments na ito para kapag challenging na ang pagiging magulang, babalikan lang natin ang mga ito, okay na ulit!
May mga nakakatawang photos at videos ka ba na gusto mong ibahagi? Pwede kang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Pwede mo rin itong ipadala sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.