embed embed2
  • Ang Benefits Ng Pagkakaroon Ng Pets: Ligtas Ba Ito Para Sa Bata?

    Maraming magagandang maidudulot sa mga bata ang pag-aalaga ng mga hayop.
    by Ana Gonzales .
Ang Benefits Ng Pagkakaroon Ng Pets: Ligtas Ba Ito Para Sa Bata?
PHOTO BY iStock
  • Lumaki ako sa probinsya na napapaligiran ng mga manok, aso, pusa, bibe, baka at kalabaw. Magsasaka kasi ang mga magulang ng tatay ko. Paglabas mo ng bahay, makakakita ka ng kambing o hindi naman kaya ay hahabulin ka ng gansa kung hindi ka maingat.

    Nang lumipat kami sa siyudad, naging mahirap nang magkaroon ng alagang hayop dahil limitado na ang space. Nakapag-alaga pa ako ng mga manok at nag-uuwi pa ako noon ng mga kuting, ngunit kalaunan, hindi na rin namin tinuloy ang pag-aalaga ng mga hayop.

    Nagkaroon lang ulit ako ng pets nang nagtatrabaho na ako pero kailan man ay hindi ko nakalimutan ang mga aral na natutunan ko nang mayroon akong mga alagang hayop. Bukod pa sa mga aral na ito, mayroon ding kaakibat na benepisyo sa mga bata ang pagiging exposed sa pets.

    What other parents are reading

    Anu-ano ang mga magagandang epekto ng pets sa mga bata?

    1. Mas madali silang maengganyong maglaro sa labas

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa panahon ngayon ng digital at social media, kalimitan ay mas gusto ng mga batang gumamit na lang ng gadgets kaysa maglaro sa labas. Kung hindi mo sila pagbabawalan, malaki ang chance na sa gadgets na lang sila naka-focus

    Ayon sa isang report sa PR Newswire, ang pagkakaroon ng alaga ay isang magandang motivation para lumabas ng bahay ang anak mo—lalo na kung aso ang alaga ninyo. Simpleng paglalaro man 'yan ng fetch o pakikipaghabulan, mas nakakaaliw pa ring lumabas ng bahay kung kasama ng mga anak mo ang kanilang mga alaga.

    Bukod pa riyan, mas malaki ang chance na maengganyo mo ang iyong anak na tumangkilik ng mga masusustansiyang pagkain at magkaroon ng healthier lifestyle sa tulong ng pagkakaroon ng alaga.

    What other parents are reading

    2. Mas magkakaroon sila ng sense of responsibility

    Hindi madaling magkaroon ng alagang hayop. Kailangan mong linisin ang dumi nito, kailangan mo itong paliguan, pakainin at marami pang iba. Kaya naman magandang oportunidad ito para turuan ang mga anak mo kung paano mas maging responsable. May bonus ka pa dahil matututo rin ang mga anak mo na mas maging independent.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Noong bata kami ng kapatid ko, bawal ang hindi tumutulong sa pag-aalaga sa aming aso na sina Bobby at Muffins. Kailangan namin silang suklayin, paliguan, at punasan para, ayon sa nanay ko, hindi sila magmukhang maruming basahan. (Sorry, Ma.)

    What other parents are reading

    3. Mas matututo silang mag-share

    Kapag may alaga ang mga anak mo, mas magkakaroon ng pagkakataong makita nila na hindi sa kanila umiikot ang mundo. Dahil may responsibilidad na sila sa isa pang nilalang, hindi na lang sarili nila ang iisipin nila. 

    4. Lalaki silang mayroong mahabang pasensya

    May ilang mga bata ngayon na hindi marunong maghintay—gusto nila, kapag sinabi nila, mayroon na agad. Dahil may mga pagkakataong unpredictable ang pagkakaroon ng mga alaga, magandang paraan ito para ituro sa mga anak mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahabang pasensya.

    What other parents are reading

    5. Mas magkakaroon sila ng empathy at compassion

    Base sa isang article na inilathala sa Journal of the American Board of Family Medicine, pinalalawak at mas pinapaigting ng pagkakaroon ng alaga ang kapasidad ng anak mo nag mag-mahal, makisama, at makipagkapwa tao. Ayon pa sa mga eksperto, ang mga batang lumaki na may alagang hayop ay mas nagkakaroon ng malawak na kaisipan para intindihin, hindi laman ang kanilang mga sarili, kundi maging ibang mga tao. Lumalaki rin silang may enhanced self-esteem, cognitive development, sense of safety, increased trust, at community feeling.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Ligtas bang magkaroon ng mga alagang hayop?

    Ayaw ng nanay ko na magkaroon kami ng mga alagang hayop dahil hikain ako at grabe akong sumpungin ng allergies. Ngunit dahil mahilig talaga ang aming pamilya sa mga alaga, hindi rin nila ako natiis. Pinili na lamang nilang kuhanan ako ng mga alagang hindi masyadong mabalahibo. Mayroon din kami noong maliit na pagong at mga isda.

    Hangga’t maaari, dapat ay nakakaintindi na ang mga anak mo bago mo sila bilhan ng alagang hayop—edad anim o siyam pataas. Kung mas bata mo pa sila ipapakilala sa mga alaga, kailangang supervised ang lahat ng interactions nila.

    What other parents are reading

    Kumuha ka rin ng clearance mula sa mga doktor ng mga bata para alam mo kung anong pwedeng pet sa kanila. Kailangan din ay healthy ang pet na kukunin mo para sa mga anak mo.

    Kung unang pet ito ng pamilya, pwedeng magsimula sa mga hayop na madaling alagaan tulad ng isda. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan sa mga pinakamasasayang alaala ko habang lumalaki ay ang pagkakaroon ng mga alagang hayop. Sa kanila ko natutunan na hindi lang ako ang importante—kailangan ko ring pahalagahan ang ibang tao at ibang mga nilalang. Sa kanila ko rin natutunang magdahan-dahan at maging masaya sa mga simpleng bagay.

    May family pets ba kayo? I-share mo lang sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close