embed embed2
  • Masayang Mahirap Maging Stay-At-Home Mom, Narito Ang Mga Natutunan Ko

    Sa umpisa, mahihirapan ka talagang makita ang mga benefits lalo na kung workaholic ka.
    by Jhem Bon . Published Jan 31, 2020
Masayang Mahirap Maging Stay-At-Home Mom, Narito Ang Mga Natutunan Ko
PHOTO BY Pexels
  • Marami tayong dapat na isaalang-alang sa pagsisimula ng pamilya. Nariyan ang pagdedesisyon kung saan kayo titirang mag-anak, kung paano ninyo hahatiin ang expenses at ibubudget ang inyong pera at marami pang iba. Nariyan din ang usapin kung sinong mag-aalaga sa mga bata kapag mayroon na kayong mga anak. 

    Isa ako sa mga nanay na piniling isakripisyo ang trabaho para manatili sa bahay. Bukod sa naging maselan ang pagbubuntis ko noon, wala rin akong makakatulong sa pag-aalaga sa anak namin. Nasa plano ko sanang bumalik sa trabaho noong nag-dalawang taon na ang panganay ko pero nagbuntis akong muli. Sa ngayon, mag-iisang taon na ang pangalawa kong anak at nagtuloy-tuloy na ang pagiging stay-at-home mom ko.

    What other parents are reading

    Hindi biro ang maging stay-at-home mom. Sa una ay maninibago kang talaga. May mga pagkakataong naiisip kong bumalik sa pagtatrabaho. Aaminin ko, namimiss ko rin ang mga bagay na nararanasan ko noon kagaya ng pagpasok at 'yung kalayaan na makapunta sa mga lugar nang walang ibang iniisip. Namimiss ko rin ang paglabas kasama ng mga kaibigan.

    Pero kung ako ang tatanungin, hindi ko ipagpapalit ang pagkakataong mayroon ako ngayon sa pagpasok sa opisina. Ang pagiging SAHM ay hindi puro lungkot at pagod. Mayroon din itong positive at masayang bahagi. Maraming aral din akong natutunan sa pagiging stay-at-home mom tulad ng mga ito:

    Marami pa pala akong pwedeng matutunan tungkol sa aking sarili

    May mga bagay na hindi ko akalaing makakaya ko palang gawin. Isa na riyan ang hindi pagtatrabaho. Bagaman mayroon akong mga sidelines, hindi ko akalaing makakaya ko na nasa bahay lang. Hindi ko naisip na marami pa pala akong madidiskubre tungkol sa aking sarili.

    What other parents are reading

    Pati na rin sa aking asawa

    Dahil nasa bahay lang ako, marami kaming panahong mag-asawa para magkwentuhan at mag-bonding. Mas lumalalim ang aming samahan at mas marami pa kaming natututunan tungkol sa isa't-isa. Marami rin kaming nahahanap na mga bagong paraan para mas mapasaya ang aming pagsasama. 

    Mahalaga ang bawat sandali, pero hindi kailangang magmadali

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag stay-at-home mom ka, hawak mo ang oras mo. Malaya kong nagagawa ang mga bagay na kailangan kong gawin sa oras na komportable ako. Kung dati ay palagi akong nagmamadali, sa pagiging stay-at-home mom ko narealize na pwede naman pala akong magdahan-dahan. Walang deadline, walang cut-off at hindi kailangang magmadali.

    What other parents are reading

    Pwede pa pala akong maging mas wais sa pera

    Akala ko dati, matipid at madiskarte na ako pagdating sa pagbubudget ko ng pera ko. Nang maging stay-at-home mom ako, mas natutunan ko pang magtipid at mag-ipon. Ito ang paraan ko para matulungan ang asawa ko pagdating sa expenses ng pamilya. Nababawasan ang aming mga luho at nakakapaglaan pa ng sobra para sa aming mga pangunahing pangangailangan.

    Nakakabata mag-alaga ng bata

    Kulang man tayo sa tulog at malalaki man ang eye bags nating mga ina (hindi lang stay-at-home moms), aminin na natin na sagana naman tayo sa tawa. Ito na marahil ang pinakamasayang bahagi ng pagiging hands-on na nanay.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Kahit na takbo ka ng takbo para mahabol ang anak mo, nakakatuwa pa ring makita silang masaya dahil sa mga simpleng bagay na hindi naman natin pinapansin bilang mga matatanda. Bago kasi ang lahat ng bagay sa kanilang paningin—para ka na ring naging bata ulit.

    What other parents are reading

    Totoong may kaakibat na lungkot, guilt, sakripisyo at hirap ang pagiging stay-at-home mom, pero lahat naman ng mga ina ay nakakaramdam din nito. Hindi lang stay-at-home moms ang naguiguilty sa kanilang mga choices. Hindi lang stay-at-home moms ang napapagod at nagsasakripisyo—bawat ina ay may sakripisyong pinagdadaanan.

    Normal na ikumpara natin ang ating mga sarili sa iba. Normal lang din na paminsan-minsan ay makaramdam tayo ng inggit. Ang mahalaga ay huwag tayong magpaapekto sa ating mga pagkakaiba. Sa halip ay mas dapat pa nga tayong magbuklod-buklod dahil iisa ang ating mga hangarin—ang makapagpalaki ng mga batang malulusog at masasaya.

    What other parents are reading

    Kung tatanungin ako kung may pinagsisisihan ba ako sa napili kong desisyon ay wala. Dahil sulit ang bawat oras at minuto sa pagiging stay-at-home na nanay ko.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bilang nanay, iba-iba tayo ng choices. Bagamat sa paningin ng marami ay pare-parehas tayo ng sitwasyon, iba-iba ang ating pinagdadaanan. Kaya 'wag mabahala kung sa tingin mo ay iba ang iyong napiling desisyon dahil ang pagiging ina ay hindi isang kumpetisyon.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close