Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Heto ang Dapat Gawin Kapag Hindi na Gumagana ang Pagdidisiplina, Ayon sa Eksperto
PHOTO BY @GOLFX/iStock
  • Walang patutunguhan ang paninigaw natin sa ating mga anak kapag matigas ang ulo nila. Kung naitatama man nito ang kanilang pag-uugali, hindi rin ito tumatagal kahit pa parusahan mo sila. Mistulang hindi nila naaalala ang mali nilang nagawa at marahil, hindi mo na rin mabibilang kung ilang beses mo silang napagsabihan.

    Bakit nga ba hindi nakikinig ang iyong anak?

    Sa aklat na The Good News about Bad Behavior, ipinaliwanag ng may-akda, guro, at mamamahayag na si Katherine Reynolds Lewis na hindi na gumagana ang panenermon, “time-out”, “rewards” (bribery o panunuhol) at ang pamamalo. Ang mga ito ay paraan lamang para makontrol ng magulang ang anak, ngunit hindi nito natutugunan ang sanhi kung bakit nagpapasaway ang iyong anak. Kapag nakakawala ng gamit ang bata o pag ito ay nagta-tantrums, hindi rin dapat isipin ng magulang na ang mga ito ay senyales ng pagsuway.

    Tulad ng nabanggit sa artikulo ng manunulat ng SheKnows na si Jonita Davis tungkol sa aklat ni Lewis, "The reason these methods don't work is that the problem is not the children’s behavior; it’s how the parents perceive it" (Ang dahilan kung bakit hindi gumagana ang mga pamamaraang ito ay dahil hindi ang ugali ng mga bata ang problema; ito ay dahil sa tingin ng magulang sa ugaling ito).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Inirerekomenda ng aklat ni Lewis na dapat gamitin ng mga magulang ang tinatawag niyang “apprenticeship model of parenting.” Kailangang malaman ng mga magulang ang pagkakaiba ng “masamang pag-uugali” at ng batang nagnanais lamang na maging independent.

    Upang matukoy ito, kailangang higit na pakinggan nang mabuti ng mga magulang ang kanilang mga anak lalo na kung ang mga ito’y toddlers pa lamang. (Naririnig natin sila ngunit hindi natin sila laging binibigyan ng atensyon.) At upang maging mahusay sa pakikinig, kailangang maging mapagparaya ang mga magulang.

    Ayon kay Davis, ang apprenticeship model of parenting sa aklat ni Lewis "is all about parents relinquishing control and allowing kids to learn by making mistakes; doing so supposedly creates a more tranquil home in which parents are unstressed, and kids feel validated. It's also about taking a new approach to bad behavior — and its silver linings."

    ([Ito] ay tungkol sa pagbitiw ng mga magulang sa pagnanais na kontrolin ang kanilang mga anak at hayaan ang mga ito na matuto mula sa kanilang mga pagkakamali. Sa ganitong sistema, nakalilikha ng mapayapang tahanan kung saan hindi palaging sumasakit ang ulo ng mga magulang at nararamdaman ng mga bata na pinahahalagahan sila. Tungkol din ito sa pagkakaroon ng bagong pananaw sa masamang pag-uugali at sa posibleng kabutihang naidudulot ng pagiging malay rito).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Marami na ring naisulat na mga artikulo ang SmartParenting.com.ph tungkol sa kabutihang naidudulot ng pagbibigay ng oportunidad sa ating mga anak upang matuto sila sa kanilang mga pagkakamali. Dito nila matututunang huwag nang ulitin ang mga ito. Dito nila mauunawaan ang kahulugan ng responsibilidad. Sa kabilang banda, kung minsan ay hindi natututo ang mga bata ng mga bagay na ito dahil na rin sa helicopter style ng pagpapalaki sa anak: overprotective at takot na takot silang masaktan ang kanilang mga anak, kung kaya’t lagi silang handang iligtas ang mga ito.

    Sa isang panayam kasama ang NPR, ipinahayag ni Lewis na kailangang magtiwala ang mga magulang at balansehin ang kanilang pagdidisiplina kung nais nilang maging matagumpay at magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. "Give him as much power as you can stand and try to save your direction for the things that you don't think he can do" (Hayaan mo siyang mag-isa hanggang sa kaya mong tiisin, at ilaan ang iyong paggabay para sa mga  bagay na sa palagay mo’y hindi pa niya kaya).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ipinaliwanag ni Lewis ang kaniyang sinabi gamit ang isang halimbawa: "He knows how to put on his shoes. So if you walk out the door, he will put on his shoes and follow you. It may not feel like it, but eventually, he will. And if you spend five or 10 minutes outside that door waiting for him — not threatening or nagging — he'll be more likely to do it quickly" (Marunong na siyang magsuot ng sapatos. Kung lalabas ka ng bahay, isusuot niya rin ang kaniyang sapatos at susundan ka. Posibleng hindi niya ito gagawin agad pero paglaon ay susunod din siya kung tahimik kang maghihintay sa kaniya, lima hanggang sampung minuto sa labas. Posibleng bibilisan pa nga niya ang pagkilos).

    Madalas na reaksyon ng mga magulang kapag may nagawang pagkakamali ang kanilang anak ay ang pagpataw ng parusa o multa—may kinukuha kang bagay, halimbawa. Tuloy, nagiging tungkol na ito sa binawi mong bagay (na gusto niya o mahalaga sa kaniya) at hindi sa nagawa niyang hindi mo nagustuhan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Madalas nating itanong, “Paano natin mapapasunod ang ating mga anak?” Sabi ni Lewis, ang tanong dapat ay, “Bakit hindi makasunod ang ating mga anak sa gusto natin?”

    Mayroon ding teknik na tinatawag si Lewis na “four R’s to avoid power struggles and to win the kid’s cooperation” (apat na R upang maiwasan ang power struggle at makuha ang kooperasyon ng iyong anak):

    • Revealed in advance (Maagang ipinapaalam sa bata)
    • Respectful (Magalang)
    • Related to the decision the child made (May kaugnayan sa desisyong ginawa ng iyong anak)
    • Reasonable in scope (Patas at naaayon)

    Pahayag ni Lewis sa NPR, "In fact, acting at that moment can sometimes be counterproductive if they are amped up, their amygdala's activated, they're in a tantrum or exploited state. And they can't learn very well because they can't access the problem-solving part of their brain, the prefrontal cortex, where they're really making decisions and thinking rationally. So every misbehavior doesn't need an immediate consequence."

    (Kung tutuusin, hindi magbubunga ng mabuti ang agarang pagpapataw ng parusa kung mainit din ang ulo ng iyong anak, o may tantrum siya. Hindi mauunawaan ng mga bata ang iyong mga pangaral dahil hindi gumagana ang kanilang prefrontal cortex, na bahagi ng utak ng tao na nakatutulong sa pag-iisip ng solusyon sa mga problema at tumutulong sa pag-iisip nang tuwid at maayos. Hindi lahat ng pagkakamali o pagsuway ay nangangailangan ng agarang parusa).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May isa pang inirerekomendang teknik si Lewis, upang makasanayan ang mabuting pag-uugali. Kapag mainit ang iyong ulo, mas maiging kausapin ang sarili at lumayo muna kung hindi mo nagugustuhan ang ginagawa ng iyong anak, at saka mo pag-isipan ang susunod mong gagawin. 

    Paliwanag pa ni Lewis, "Instead of jumping in with a bribe or a punishment or yelling, you give yourself some space. Pretend you had something on the stove you need to grab or that you hear something ringing in the other room and walk away. That gives you just a little space to gather your thoughts and maybe calm down a little bit so you can respond to their behavior from the best place in you — from your best intentions as a parent."

    (Imbes na suhulan, sigawan, o parusahan ang iyong anak, bigyan ng espasyo ang iyong sarili. Isipin mong may kukunin ka sa kuwarto o may narinig ka sa labas at titingnan mo kung ano ito. Sa pamamagitan nito, mapakakalma mo ang sarili at makakapag-isip ka nang mabuti upang matugunan mo ang kanilang ginawa mula sa pinakamabuting lugar sa iyong buong pagkatao- ang iyong puso bilang magulang).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Try This Expert's Advice When Your Discipline Methods Don't Work Anymore

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles