-
Your Kid’s Health Mga Red Flags Kung Nahulog Mula sa Kama o Mataas na Lugar ang Iyong Anak
-
Preschooler Preschool Teachers Reveal 7 Discipline Hacks to Get Kids to Behave
-
News Naging Bikitima Ng Scam Si Jolina Magdangal Ng Isang Online Plant Seller
-
Love & Relationships 3 Reasons People in Happy Relationships Cheat And How to Move On
-
DIY Cardboard Box Bookshelf Sa Halagang P500
Dahil ang pinakamagandang regalo na maibibigay mo sa mga anak mo ay kaalaman.by Ana Gonzales .

PHOTO BY courtesy of Mary Zayra Elec-Beltran
Sabi nga ng mga matatanda, edukasyon ang pinakamagandang regalo na maibibigay natin sa ating mga anak. Ito kasi ang sandata o hagdan na maaari nilang gamitin para marating nila ang kanilang mga pangarap—bukod pa sa sipag, determinasyon, at pasensya.
Isa si mommy Mary Zayra Elec-Beltran sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, na naniniwala sa kahalagahan ng edukasyon at pagbabasa. Kaya naman ibinibili niya ng iba’t-ibang libro ang kanyang isang 17-month-old na anak.
Ito ang mga libro na kasalukuyang mayroon sila mommy.PHOTO BY courtesy of Mary Zayra Elec-BeltranADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAt dahil dumarami na nga ang libro ng bata, naisip niyang bumili na ng bookshelf para sa mga ito. Kaya lang, hindi maikakailang may kamahalan ang mga magaganda at malalaking bookshelves. "That's why gumawa na lang ako. Less than Php500 lang nagastos ko since some of the materials that I used ay mayroon na sa bahay," kwento niya.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosUnti-unti nang nabubuo ni mommy ang bookshelf!PHOTO BY courtesy of Mary Zayra Elec-BeltranADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon kay mommy, inabot din siya ng halos tatlong buwan para mabuo ang kanyang DIY bookshelf. "Nag-ipon pa ako ng mga karton," sabi niya. "Ito 'yung mga boxes na pinaglagyan ng groceries namin. Some of them hiningi ko sa mother-in-law ko. Nagagawa ko lang siya 'pag tulog na ang daughter ko sa gabi at kapag rest day ng husband ko," dagdag pa niya.
What other parents are reading
Ang mga materials lang na kilanilangang bilhin ni mommy ay strong glue o iyong heavy duty na glue, adhesive wallpaper sa kahit anong design (wood ang pinili ni mommy), at tape. Ginamit din ni mommy ang mga nagamit nang gift wrappers mula sa mga regalong natanggap ng anak niya noong Pasko.
Sayang naman ang mga gift wrapper kaya ginamit ito ni mommy sa bookshelf sa halip na itapon.PHOTO BY courtesy of Mary Zayra Elec-BeltranADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"I suggest that if you're going to make this, dapat exact measurements lahat. Otherwise, magkakaroon ng gaps 'yung ibang parts at hindi magiging pantay," pagbabahagi niya. "Apat na layers na cardboard ang bawat part para matibay. Sinasampahan ng anak ko 'yan pero hindi nasisira," dagdag pa niya.
Maraming paraan para makatipid nang hindi mo isinasakripisyo ang kalidad ng mga gamit ng mga anak mo. Kaya naman maraming mga nanay ang naeengganyong mag-DIY dahil bukod sa marami kang natitipid, sigurado ka pang maayos ang gamit ng pamilya mo.
Marami pang mga DIY projects ang mga nanay sa Smart Parenting Village. May mga DIY projects ka rin bang gusto mong ipagmalaki? I-share mo lang sa comments section.

View More Stories About
Trending in Summit Network