embed embed2
  • Hindi Magiging Spoiled Ang Anak Mo Sa Sobrang Paglalambing

    Sa katunayan, sinabi na ng mga eksperto na marami itong mabuting maidudulot sa anak mo.
    by Ana Gonzales .
Hindi Magiging Spoiled Ang Anak Mo Sa Sobrang Paglalambing
PHOTO BY Unsplash
  • Madalas marinig ng mga bagong ina na hindi raw dapat laging binubuhat ang mga babies o maliliit na bata sa tuwing iiyak o magpapakarga ang mga ito. Lalaki raw kasing spoiled at dependent ang mga bata kung palaging napagbibigyan o inaasikaso sa tuwing iiyak.

    ARE YOU RAISING A SPOILED CHILD?

    Pero ayon sa mga eksperto, hindi makakasama sa bata kung madalas mo siyang bubuhatin. Hindi rin siya magiging spoiled kung lagi mong pagbibigyan ang pagpapakarga niya.

    Isa pang ikinakatakot ng mga magulang ay baka maging spoiled ang bata kung lagi itong lalambingin. Napatunayan ng mga eksperto na wala rin itong katotohana. Sa katunayan, ipinapakita ng mga pinakahuling researches na may koneksyon ang parental affection o pagiging malambing ng mga magulang sa kalusugan at kaligayahan ng mga bata sa hinaharap.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa Child Trends, isang non-profit research organization sa United States, ang warmth at affection na ipinapakita ng isang magulang sa kanyang mga anak ay maaaring makapagdulot ng panghabang-buhay na positibong epekto.

    Kabilang sa mga magagandang epekto na ito ang mas mataas na self-esteem, maayos na academic performance, at mas magandang parent-child communication. Mas mababa rin ang pagkakataong magkaroon ng psychological at behavioral problems ang mga batang nakakaranas ng paglalambing mula sa mga magulang.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Samantala, ang mga bata naman na hindi o bihirang makaranas ng paglalambing mula sa mga magulang ay maaaring magkaroon ng mababang self-esteem. Malimit ay lumalaki silang palaaway, agresibo, at antisocial.

    Nadiskubre naman ng mga mananaliksik mula sa Duke University Medical School na ang mga sanggol na may mga nanay na malambing at attentive ay lumalaki bilang mga adults na resilient at less anxious.

    Ayon naman sa isang pag-aaral mula sa UCLA, binabago ng pagpapakita ng pagmamahal at affection ang pag-iisip ng isang bata. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng panlaban sa anxiety at mas nagiging masiyahin ang bata hanggang sa paglaki niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya naman paglabas pa lang ng sinapupunan ay inirerekomenda na ng mga doktor na ipakita agad ng ina ang paglalambing niya sa kanyang anak sa pamamagitan ng skin-to-skin contact.

    Ang espesyal na interaksyon kasi na ito sa pagitan ng isang ina at ng kanyang anak ay nakakatulong para pakalmahin ang sanggol. Kapag kalmado sila, mas nakakatulog sila nang maayos.

    Nakita rin ng mga eksperto na nakakatulong sa brain development ang skin-to-skin contact. Base sa kanilang obserbasyon, ang mga batang lumaki sa isang environment na wala o madalang ang paglalambing ay malimit nakakikitaan ng mas mataas na levels ng stress hormones na cortisol. Sabi pa ng mga scientists, ang kawalan ng physical contact ang isa sa mga dahilan kung bakit nangyayari ito.

    Samantalang mas mababa naman ito sa mga batang lumaki sa environment na puno ng pagmamahal at paglalambing.

    Kulang ba ang affection o paglalambing sa pamilya ninyo? Narito ang ilang paraan para mas maramdaman ito ng mga anak ninyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Sanggol pa lang ay ugaliin mo nang hinahawakan, hinihimas, at inuugoy ang iyong anak.
    • Habang lumalaki ang mga bata, ugaliing makipaglaro sa kanila ng sapat kada isang araw.
    • Isama ang pagyakap sa inyong daily routine.

    ARE YOU RAISING A SPOILED CHILD?

    Makakatulong din kung hahaluan mo ng paglalambing ang pagdidisiplina mo sa iyong anak. Kahit ang simpleng paghaplos lang sa kanila o paghawi sa kanilang buhok ay sapat na para kahit na pinagsasabihan mo sila ay maramdaman nila ang iyong pagmamahal, paglalambing, at pag-aaruga.

    Kayo, malambing ba kayo sa inyong mga anak? Paano mo laging ipinapakita sa kanila na mahal mo sila? I-share mo na iyan sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles