embed embed2
  • Kasalanan Ko Ba? Two Years Old Na Si LO, Hindi Pa Rin Siya Nagsasalita

    Kung makipagsalita man, hindi naman siya masyadong maintindihan.
    by Ana Gonzales .
Kasalanan Ko Ba? Two Years Old Na Si LO, Hindi Pa Rin Siya Nagsasalita
PHOTO BY iStock
  • Isa na siguro ang concern na ito sa mga pinakamadalas na itanong sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Napansin din 'yan ng isa sa aming mga members na si mommy Jean Jardinazo

    "Napansin ko sa mga mommy groups na nasalihan ko, marami ang nagtatanong nito at 'yung iba, frustrated at nababahala," sabi niya. "Iniisip kung may mali ba sa pagpapalaki sa anak [kaya] bumababa tuloy ang tiwala sa sarili bilang isang ina—lalo na kung naikukumpara ang speech development ng anak sa ibang mga bata."

    Kaya naman naisip ni mommy Jean na i-share ang kanyang mga tips at first-hand experience tungkol sa bagay na ito. Ngunit bago siya nagbahagi, nagpaunang pakiusap na muna si mommy. "Una sa lahat mga mommies, 'wag nating ikumpara ang anak natin sa ibang mga bata. Iba-iba ang kakayahan at learning pace ng bawat bata at higit sa lahat, hindi ito nakakatulong," paliwanag niya. "'Wag ding magpaapekto sa mga sinasabi ng ibang tao. Lumayo ka sa mga taong makakasira sa mental health mo," dagdag pa niya.

    What other parents are reading

    "Naging babysitter ng anak ko ang gadgets."

    "Nakabukod kaming mag-asawa. Tatlo lang kami sa bahay—ako, si hubbie, at [ang baby] ko," pagbabahagi ni mommy. "Kapag busy kami ng asawa ko, TV at iPad ang nagiging babysitter ng anak ko. May mga laruan siya, pero mas nahilig siyang manood."

    Sabi ni mommy, sa una raw, malaki ang naitulong nito. "Isang taon pa lang ang anak ko, kabisado na ang alphabet at numbers." Ayon pa sa kanya, alam na rin ni baby ang body parts, animals, colors, shapes, at marami pang iba. "Imagine, hindi namin siya tinuruan ng mga ganoon, pero alam na niya at nagagawa pa namin ang kelangan namin gawin at the same time," dagdag pa ni mommy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "I'm not exaggerating. [Hindi ito ang habol namin], although I can say that we [were] proud parents for every milestone she accomplished," paliwanag pa niya. "So sa pag-aakalang nakakabuti ito sa development niya, hinayaan namin siya sa pag-gamit ng gadgets at panunuod ng TV."

    What other parents are reading

    "Then she turned 2..."

    Ayon kay mommy, dito na raw nagbago lahat. "Nag-expect ako sa continuous development niya. Hindi dahil I'm a competitive mom, pero 'yun ang normal diba? She should continue to develop from her previous milestones."

    Maayos naman daw ang lahat hanggang napansin ni mommy na parang nagreregress ang speech development ng anak niya. "From verbal communication, she came to a point na she was making cooing sounds na lang," kwento ni mommy. "Itinuturo na lang niya ang mga bagay-bagay to communicate. So nagworry ako. I know it might be too early to conclude that this is a possible speech delay but one thing's for sure, nagregress siya instead na mag-improve."

    Para matulungan ang anak niya, nagsimulang mag-research si mommy ng mga pwedeng gawin. "Nabasa ko 'yung [tungkol] sa autism at sobrang nabahala ako."

    What other parents are reading

    Maximum one hour screentime na lang si baby

    "Sobrang napraning ako pero sinubukan ko muna 'yung pinaka-common sa mga nabasa ko at madalas ding sinasabi ng iba—limit screentime." Ngunit dahil walang mapag-iiwanan si mommy at daddy sa anak nila, hindi rin nila nasunod ang limited screentime. "I just made sure na nabawasan ang screentime niya at mas hinabaan ko ang pakikipaglaro [at pakikipag-usap] ko sa kanya."

    Bukod pa riyan, narito pa ang ilan sa mga ginawa ni mommy para matulungan ang anak niya:

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    1. Limitahan ang screentime

    "Kung tutuusin, ito 'yung mga normal activities o practices na dapat nating ginagawa pero hindi natin nagagawa [consistently]," sabi ni mommy. "95% sure ako, if your problem is your child's speech delay, nababad siya sa gadget. So ngayon pa lang, bawasan na hangga't maaari."

    Siguradong mahihirapan ka dito sa umpisa, pero sabi nga ni mommy, ilang araw lang ay mawawala na rin ito sa sistema niya. Hindi mo namamalayan, siya na mismo ang aayaw sa gadgets at TV. "May times nga na 'pag may kailangan akong gawin, inaalok ko siyang mag-gadget muna o manuod ng TV kasi may kailangan talaga akong tapusin na trabaho o household chores. Naku! Anak ko na talaga nagsasabing ayaw niyang mag-iPad o manuod ng TV."

    Hindi lang screentime ng anak mo ang dapat limitado. Dapat ang sa iyo rin. Kailangan mong maging mabuting halimbawa sa anak mo.

    What other parents are reading

    2. I-monitor ang mga pinapanood ng anak mo online

    "Naalala ko, noong bata ako, nagagalit ang nanay ko kapag nanonood ako ng Mr. Bean. Wala raw akong matututunan doon," pagbabalik-tanaw ni mommy. "Ngayon, I can confirm it. Tama pala talaga 'yung nanay ko."

    May mga palabas online kasi na bagaman entertaining ay wala naman script o puro tunog lang—maaari itong gayahin ng anak mo.

    What other parents are reading

    3. Bigyan ng mas maraming panahon ang anak mo

    "Narinig niyo na ba ang sabi ng iba na kapag lumaki ang mga bata sa lolo at lola, 'matatas daw magsalita'? Simple lang," pagbubunyag ni mommy. "Lagi silang kinakausap. Kaya naman if you have the luxury na ipaiwan ang anak mo sa mga grandparents niya, grab it kaysa ipababad sa gadgets o TV."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung wala naman talagang mapag-iiwanan sa bata, kailangan mong maglaan ng panahon para kausapin sila. "Marami namang paraan—habang gumagawa tayo ng gawaing bahay, isali natin sila. Give them simple instructions kung ano ang pwede nilang gawin to help you (kunyari). Then while you're both doing the same thing, mag-usap kayo."

    What other parents are reading

    4. No baby talks

    Kausapin mo sila na para na ring mga adults. "Dito nasisimula ang barok-barok na sentence construction [ng mga bata]," obserbasyon ni mommy. "Stop using 'am-am' when you're referring to food. Makakasanayan ito ng anak mo at mahirap itong i-unlearn."

    5. Maglaan ng oras para sa bedtime stories

    "Nakakatawa kasi akala ko, mabo-bore lang ang anak ko. Nagkamali ako!" pag-amin ni mommy. "The next day, anak ko na ang nag-request ng bedtime stories."

    Ayon pa kay mommy, mahalaga rin daw ang prayer bago matulog. "I'm not the religious type ha? Pero nakita ko rin ito na avenue para magsalita [ang anak ko] and at the same time naituro ko rin na maging thankful siya sa mga bagay na mayroon siya."

    Bukod pa sa mga nabanggit, payo rin ni mommy na huwag tayong masyadong matakot at ma-praning. "If you believe that medical intervention is needed, DO IT! It's better to hear it from someone who knows it para mabigyan ng tamang diagnosis at speech therapy kaysa magself-diagnose ka," payo niya.

    "And don't worry too much, mommies! Huwag kang magpapaapekto kung may nagcocompare man sa anak natin sa development ng iba. Iba-iba ang learning abilities ng mga anak natin. They are all unique and brilliant in their own ways. Plus they have an awesome mom like you and you're doing the best you can—that's what matters!"

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kumusta ang mga babies ninyo, mommies? Tingin mo ba ay may speech delay siya? Anong ginagawa ninyo para matulungan siya? I-share niyo lang sa comments section.

    What other parents are reading

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles