-
Ito Ang Mga Kailangan Mong Gawin Para Hindi Lumaki Ang Anak Mo Na Masama Ang Ugali
Maraming simpleng hakbang para masiguro mong magkakaroon ng mabuting loob ang anak mo.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Walang magulang na gustong lumaking masama ang ugali ng anak niya. Sa katunayan, isa ang kabutihang asal sa mga nauunang itinuturo ng isang magulang sa kanyang anak. Kabilang riyan ang paggamit ng 'po' at 'opo', pagmamano, at ang hindi pagsagot ng pabalang.
Ngunit aminin mo man o hindi, minsan may mga nagagawa kang, hindi mo napapansin, nakakasama na pala sa mga anak mo. May mga galaw at desisyon ka bilang magulang na maaaring maging sanhi ng paglaki ng mga anak mo na spoiled, matigas ang ulo, at masama ang ugali.
Hindi pa huli ang lahat. Mayroon kang pwedeng gawin para maiwasan ito.
Mga pwede mong gawin para hindi lumaki ang anak mo na masama ang ugali
Huwag silang ikumpara sa iba
'Kailanman ay walang magandang naidulot ang pagkukumpara. Bukod sa nakakapagpababa ito ng confidence, nagiging 'normal' din ito sa mga anak mo. Paglaki nila, maaaring isipin nilang okay lang mainggit at normal lang ang pagkukumpara sa sarili.
Huwag ibigay ang lahat ng gusto nila
Ito ang malimit na dahilan kung bakit lumalaking spoiled at entitled ang mga bata. Importanteng matutunan ng mga anak mo na lahat ng bagay ay pinagsisikapan.
Habang maaga ay dapat tinuturuan mo na sila ng magkaroon ng attitude at mindset na makakatulong sa kanila paglaki nila. Kabilang diyan ang grit, respect, discipline, at perseverance.
Makakatulong din kung matututunan nila ang kahalagahan ng delayed gratification. Huwag silang sanayin sa mga shortcuts. Sa halip hayaan mo silang maranasan ang bawat hakbang papunta sa mga bagay na gusto nilang makamit.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDito nila matututunan ang pagpapasensya—pati na rin ang kahalagahan ng pagpupursigi para makuha ang gusto nila.
Huwag kang matakot pagalitan sila
Nakakadurog naman talaga ng puso kapag pinapagalitan mo ang mga anak mo. Normal lang na maramdaman mo ito, dahil hanggat maaari, ayaw mong makaranas at makaramdam sila ng sakit.
Ngunit pwede mo namang disiplinahin ang mga anak mo sa mga paraan na makakabuti sa kanila nang hindi sila hinihiya o sinasaktan. Marami nang discipline techniques ngayon na uplifting din.
Maging consistent
Tandaan na kung maliliit na bata pa ang mga kausap mo, maaaring hindi nila agad maintindihan ang mga gusto mong matutunan nila.
Ngunit kung consistent ka sa pagtuturo sa kanila, mas magiging malaki ang chance na manatili sa mga isip nila ang mga itinuturo mo.
Maging mabuting halimbawa
Sabi nga nila, ginagaya ng mga bata kung ano man ang nakikita nila sa mga matatanda. Kung hindi ka mabuting halimbawa sa mga anak mo, bakit ka aasang lalaki sila na mabubuting tao?
Ipakita mo sa kanila ang tama at magalang na pakikipag-usap sa iba. Ipakita mo sa kanila ang tamang pagtrato sa ating mga delivery drivers, waiters, sales clerks, at iba pang service-oriented ang trabaho. Ipakita mo sa kanila ang tamang asal online, pati na rin ang tamang paggamit ng mga gadgets at ng social media.
Tandaan, gagayahin at susundin ng mga anak mo, hindi ang mga sinasabi mong pangaral sa kanila, kundi ang mga kilos na ipinapakita mo sa kanila.
Ito ang ilan sa mga magagawa mo habang bata pa ang mga anak mo para masigurong lalaki silang mabubuti at magagalang na taong may konsiderasyon at malasakit sa kapwa.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMay mga tips ka bang subok mo na para makapagpalaki ng mga mababait na bata? I-share mo lang iyan sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments