embed embed2
  • Parenting Experts: Play-Based Learning Muna Bago Formal Schooling

    Hindi dapat nawawala ang paglalaro pagdating sa pag-aaral ng bata.
    by Jocelyn Valle .
Parenting Experts: Play-Based Learning Muna Bago Formal Schooling
PHOTO BY iStock
  • Sa kagustuhan ng mga magulang na maagang mapaghandaan ang kinabukasan ng kanilang mga anak, marami ang nag-iisip na ipasok ang mga bata ng maaga sa school. Wala naman problema dito pero madalas nakakalimutan na sa mga toddlers and preschoolers play-based learning muna.

    Inaasahan ng mga magulang na matututo ang kanilang preschool kids sa pamamagitan ng academic instruction o formal schooling. Ibig sabihin, sumusunod ang mga bata sa mga ibinibigay na leksyon o structured lessons sa reading, writing, at math. Kapag ganitong structured lessons, ang tingin natin hindi ito “naglalaro lang.”

    Bakit play-based learning muna bago formal schooling   

    Pero ayon kay Janet Lansbury, isang American parenting expert, guro at parenting book author, hindi kailangan ng bata ang strict academic instruction sa kanyang mga unang taon. Ang mahalaga ay ang paglalaro o ang power of play.

    Aniya, nagkakasundo ang child development experts at early childhood educators: Ang preschool years ay panahon para sa “development of social skills at hands-on sensory learning that is experimental and exploratory.”

    Ibinahagi ni Lansbury ang ilang rason sa kanyang blog, base sa kanyang karanasan bilang isang ina at ilang pag-aaral. 

    Hindi dapat minamadali ang natural na proseso

    Bagamat marami ng pagbabago sa pagtuturo ng kindergarten, wala namang pagbabago sa pagiging bata ng mga estudyante. Ito ang napatunayan ng isang pag-aaral na isinagawa ng Gesell Institute for Human Development.

    Lumahok ang 1,287 na mga kabataang may edad mula 3 hanggang 6 galing sa 56 public at private schools sa 23 estado sa United States. Sumailalim ang mga bata sa mga one-on-one cognitive assessment, na tumagal ng 40 minuto. Pagkatapos, kinumpara ng researchers ang resulta sa mga resulta ng kaparehong pag-aaral na isinagawa noong 1925, 1940, 1964, at 1979.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lumalabas sa resulta ng study na walang kinalaman ang maagang pagtuturo ng academics sa mabilis na paglago ng cognitive skills.

    Sabi ni Marcy Guddemi, ang executive director ng Gesell Institute, lumabas sa kanilang pag-aaral na may “remarkable stability” sa mga panahong narating ng karamihan ng mga bata ang cognitive milestones, tulad ng pagbibilang hanggang apat at pagguhit ng bilog.

    Kumbaga, naging organic ang pangyayari. Kaya naman daw dapat pag-isipan ang academics para sa diumanong paghahanda sa mga bata para sa kanilang kindergarten experience.

    Sabi nga ni Dr. David Elkind sa kanyang libro na Miseducation: Preschoolers at Risk, maaaring pang magdulot ng “miseducation” sa bata at mapunta sa pagkasira ng self-esteem, pagkawala ng gana para matuto, at pagharang sa natural na talento at potensyal ng bata. 

    Mas kailangan ng bata ang self-confidence

    Dahil sa mahigpit na pagsunod sa academic instruction, posibleng mabawasan ang kumpiyansa ng mga batang estudyante.

    Bilang halimbawa, ikinuwento ni Lansbury sa kanyang blog ang nasaksihan niya nang minsang dumalaw sa isang preschool habang naghahanap ng mapapasukan para sa kanyang anak. Sinabihan ng teacher na mali ang estudyanteng sumagot ng “circle” dahil ang tamang sagot daw ay “round.” 

    Paalala ni Lansbury na ang pagbibigay sa toddler o preschooler ng academic lesson, maging sa bahay o eskuwelahan man, ay maaaring magbigay ng “unnecessary stress and feelings of failure.”

    Mas makakatulong sa self-confidence ng bata na nasa formative early years kung may pasensya at tiwala ang magulang sa natural na pag-unlad ng anak ayon sa sarili nitong schedule at individual pace.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kinikilala ni Lansbury na may preschoolers na mas gusto ang pagmemorya ng mga numero at letra, habang meron din namang natututong magbasa sa sarili nilang paraan. Pero, diin niya, nalilinang ang ganoong mga abilidad nang kusa at walang tulong mula sa formal instruction sa preschool. 

    Natututo ang bata habang naglalaro

    Base sa karanasan ni Lansbury, may hatid na pressure ang mga magulang na nag-aakalang panay laro lang ang ginagawa ng bata sa preschool na hindi tutok sa academic instruction.

    Kaya hinahangaan niya ang mga nakilala niyang mga tauhan ng eskuwelahan na naipapaliwanag nang mabuti ang kanilang developmental philosophy. Sa gayon, napapaintindi nila sa mga magulang ang tungkol sa cognitive development, child-centered learning, at power of play.

    Kritikal ang mga unang taon para matuto ang bata

    Sinasabing ang mga unang taon ang “once-in-a-lifetime window of opportunity” para madiskubre at gustuhin ng bata na matuto habang sinisimulan ang pagtatag ng kanyang edukasyon. At mas matututo ang bata sa play-based learning. 

    Nagpahayag ng pagkadismaya ang guro na si Susan Westley sa kanyang essay tungkol sa pagbabale-wala sa laro at pagtutuon sa academics sa kindergarten. Aniya, “Children, like flowers, need to be given the freedom to grow at their own pace and blossom when they are ready.”

    Kaya bagamat walang kakayahan ang mga magulang na baguhin ang sistema sa kindergarten, pinunto ni Lansbury na maaari silang pumili ng eskuwelahan na mas angkop sa pangangailangan ng bata.

    Doon kung saan “curiosity is encouraged, the focus is on enriching experiences rather than performances, and children have plenty of questions, but no wrong answers.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles