embed embed2
  • Rashes, Heat Stroke At Iba Pa: 4 Medical Problems Dulot Ng Sobrang Init

    Paano nga ba maiiwasan ang mga ito?
    by Ana Gonzales .
Rashes, Heat Stroke At Iba Pa: 4 Medical Problems Dulot Ng Sobrang Init
PHOTO BY iStock
  • Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang mainit na panahon. Sanay na kasi tayo na maaraw at maalinsangan dito sa atin. Kaya lang, nitong mga nakaraang araw, labis naman ang nararanasan nating init. Sa katunayan, umabot na nga sa 53 degrees Celcius ang temperatura sa ilang bahagi ng ating bansa.

    More from Smart Parenting

    Bunsod nito, nagpaalala ang Department of Health na kailangang mas maging maingat ngayong sobra ang init ng panahon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod kasi sa banta ng COVID-19, maaari rin tayong tamaan ng mga heat-related illnesses tulad ng mga sumusunod:

    1. Heat stroke

    Ang heat stroke ay isang kundisyon kung saan nago-overheat ang katawan mo dahil sa sobrang pagkaka-expose sa labis na init. Maaari ka ring magkaroon ng heat stroke kung labis ang iyong paggalaw habang napaka init ng panahon.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sintomas ng heat stroke

    • Mataas na core body temperature na aabot hanggang 40 degrees Celcius o mas mataas pa
    • Pagkahilo at pagsusuka
    • Mamula-mulang balat
    • Mabilis na paghinga
    • Mabilis na tibok ng puso
    • Masakit na ulo
    • Pagkalito, pagkabulol, at pangingisay
    More from Smart Parenting

    Anong dapat gawin kung hinihinala mong inaatake ka ng heat stroke?

    • Pumunta sa pinakamalamig na bahagi ng inyong bahay
    • Alisin ang ilang piraso ng iyong damit lalo na kung layered ang suot mo
    • Basain mo ang iyong katawan
    • Lagyan ng ice packs ang iyong noo, batok, o kili-kili

    Paano iwasan ang heat stroke?

    • Ugaliing uminom ng maraming tubig
    • Kung lalabas ng bahay, gumamit ng mga panangga sa sikat ng araw
    • Magsuot ng mga maluluwang na damit
    • Huwag gumawa ng mga mabibigat na gawain lalo na sa kasagsagan ng init ng panahon
    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Heat Rash

    Ang heat rash o prickly heat ay mas kilala natin bilang bungang araw. Hindi lamang ang mga anak mo ang pwedeng magkaroon nito. Kahit ikaw, pwede ring tubuan ng bungang araw, lalong-lalo na kung pawisin ka.

    Sa isang nauna na naming article dito sa Smart Parenting, ibinahagi ng pediatrician na si Dr. Karissa T. Platon, MD, DPPS, kung bakit dinadapuan ng bungang araw ang mga bata. "Babies, infants and young children (under 4 years old) tend to be more affected because their sweat glands are still developing," paliwanag niya.

    Iba't-ibang uri ng prickly heat rash

    1. Clear (miliaria crystallina)

    Ito ang mildest sa tatlong uri ng prickly heat. Walang pamamaga at pangangati at ang mga blisters o marka ay kalimitang makikita sa ulo at leeg.

    2. Red (miliaria rubra)

    Ito naman ang pinakamadalas na nararanasan ng karamihan. Mapula ito at kalimitang talagang makati. Sa mga bata, madalas itong makikita sa mga tinatawag na skin folds tulad ng sa leeg at singit. Sa mga matatanda o adults naman, kalimitang makikita ito sa anit, leeg, at sa iba pang bahagi ng katawan na kalimitang nagkikiskis ang balat at damit. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    3. Deep (miliaria profunda)

    Mas madalas itong makita sa mga adults pagkatapo ng paulit-ulit na heat rash. Madalas itong makita sa mga extremities ng iyong katawan. 

    Paano maiiwasan ang heat rash?

    • Uminom ng maraming tubig
    • Huwag kamutin ang affected area
    • Gumamit ng mild soap
    • Huwag magpainit
    • Magsuot ng malambot at loose na damit
    • Magpalit agad ng damit kung pinagpawisan ka
    • Maglagay ng calamine lotion
    • Kumonsulta sa doktor kung paulit-ulit ang pagbalik ng rashes

    May mga paunang lunas sa heat rash na matatagpuan mo sa kusina

    • Kung mayroon kayong pakwan sa bahay, ilagay mo ito sa refrigerator ninyo nang ilang minuto. Kapag malamig na, pwede mo itong ikiskis sa bahagi ng katawan na may rashes. Makakatulong ang lamig para maibsan ang pangangati.
    • Para sa grabeng pangangati, ihalo ang isang kutsarita ng baking powder sa isang baso ng tubig. Ibabad dito ang isang bimpo at saka mo ipahid ang bimpo sa apektadong bahagi ng iyong katawan. Hayaan itong nakababad nang sampu hanggang labinlimang minuto. Gawin ito ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw para mabawasan ang pangangati.

    Kailan ko dapat dalhin ang anak ko sa doktor?

    Dahil sa sobrang pangangati ng mga rashes, kalimitan ay hindi naiiwasan ng mga bata na kamutin nang kamutin ito. Dito maaaring magsimula ang impeksyon. Dalhin mo agad ang anak mo sa doktor kung makikita mo ang mga senyales na ito:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Lagnat
    • Labis na pananakit sa paligid ng rash
    • Nana sa paligid ng rash
    • Pamamaga ng nymph nodes lalo na sa singit, leeg, at kili-kili
    More from Smart Parenting

    3. Heat Exhaustion

    Ito ang labis na pagod dulot ng sobrang init ng panahon. Malimit na mangyari ito sa isang taong gumawa ng mga tinatawag na strenous activities sa ilalim ng tirik na araw at sobrang humid na panahon.

    Kung hindi ito papansinin at bibigyang lunas agad, maaari itong maging sanhi ng heat stroke.

    Sintomas ng heat exhaustion

    • Labis na pagpapawis
    • Pagkahilo
    • Labis na pagod
    • Mabilis na tibok ng puso o pulso
    • Mababang blood pressure
    • Muscle cramps
    • Masakit na ulo
    • Pagsusuka

    Anong dapat gawin kung nakakaranas ka ng heat exhaustion?

    • Ihinto mo ang iyong ginagawa at magpahinga agad
    • Lumipat sa mas malamig na bahagi ng lugar
    • Uminom ng malamig na tubig o ano mang sports drink
    More from Smart Parenting

    4. Heat Cramps

    Maihahalintulad mo ito sa leg cramps na malimit nararanasan sa gabi kapag mali ang pagkakaunat mo ng iyong mga binti. Ang pinagkaiba lang, mas mahaba ito kaysa sa tipikal mong muscle cramps. Ang kalimitang tinatamaan nito ay ang binti at likod. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagdating sa mga bata, madalas mangyari ang heat cramps kapag hindi sila nakakainom ng sapat na tubig. 

    Sintomas ng heat cramps

    • Labis na pagkauhaw
    • Panghihina
    • Pagkahilo
    • Masakit na katawan
    • Pagsusuka
    • Masakit na ulo
    • Pagpapawis ng malamig
    • Mataas na body temperature (hindi tataas sa 40 degrees Celcius)
    More from Smart Parenting

    Importanteng bigyang pansin mo agad kung mayroon sa pamilya mo ang nakakaramdam ng alin man sa mga sintomas na nasa listahang ito. Ilang minuto lang ng hindi pagpansin sa ano mang nararamdaman mo o ng mga anak mo ay maaring maging delikado. Kumonsulta ka agad sa doktor mo kung hindi ka sigurado.

    Paano kayo nagpapalamig ng pamilya mo ngayong sobrang init ng panahon? I-share mo na 'yan sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles