embed embed2
  • Scholastic Offers Free Online Courses, Para Tuloy-Tuloy Ang Pag-Aaral Kahit Nasa Bahay

    Walang dahilan ang mga bata para hindi matuto dahil maraming available courses online.
    by Ana Gonzales .
Scholastic Offers Free Online Courses, Para Tuloy-Tuloy Ang Pag-Aaral Kahit Nasa Bahay
PHOTO BY Website / Scholastic
  • Isa ang panahon ng kalamidad sa mga pagkakataong lumalabas ang pagkamadiskarte ng mga tao. Patunay riyan ang walang sawang pagbabahagi ng tips, kiddie activities, at online learning resources ng mga nanay at tatay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Kabilang sa mga ibinahagi nila at nasubukan na ay ang Scholastic Learn at Home website. Mayroon itong daily courses para sa mga estudyanteng Pre-kindergarten hanggang grades 6 pataas.

    What other parents are reading

    Siguradong hindi maiinip ang mga anak mo dahil marami kayong pwedeng basahin na mga aralin at panoorin na educational videos. Malawak ang mga tatalakaying subjects ng Scholastic learning plan para hindi malimitahan ang matututunan ng mga anak mo ngayong sarado ang mga eskwelahan.

    Ayon sa sinabi ng senior vice president at editor-in-chief ng Scholastic Classroom Magazines na si Lauren Tarshis, sa isang press statement, layon nilang matugunan ang mga educational needs ng mga bata at mga magulang ngayong malawakan na ang epekto ng COVID-19. "As more and more teachers, students, and families around the world are affected by the coronavirus, our priority is to support them in the best way we know how—by providing them with rich stories and meaningful projects that will keep kids academically active," pahayag ni Tarshis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Madali lang gamitin ang website. Nakaayos ito ng ayon sa grade level para hindi ka mahirapang hanapin kung alin ang pwede sa iyong anak. Makaka-access ka ng humigit-kumulang tatlong oras ng learning opportunities sa isang araw at ang mga lessons na mayroon ay pwedeng umabot ng hanggang apat na linggo ng pagtuturo.

    Kasama na rito ang mga writing at research projects hango sa mga nonfiction na kwento at articles, pati na rin mga virtual field trips. Mayroong ding masasayang reading at geography challenges at mga kwento na "nabubuhay" sa isang pindot lang.

    What other parents are reading

    Accessible ang mga ito sa ano mang device, maging smart phone man 'yan, tablet, o computer. Hindi niyo na rin kailangang magprint. Pwede kayong gumamit ng ano mang mga writing materials. Ayon pa sa kanilang press release, idinisenyo ang mga lessons para mas maging madali para sa mga magulang at guro na turuan ang kanilang mga anak kahit kakaunti lamang ang mga resources na mayroon sila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kumusta sa bahay ninyo ngayong naka-"enhanced community quarantine" ang buong Luzon? Paano ninyo ipinapaliwanag sa mga anak ninyo ang nangyayari? Kumusta ang pag-aaral nila? Paano ninyo sinisigurong magiging consistent ang pagtuturo ninyo sa kanila? I-share mo lang sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles