potty training,toilet training,toilet-training,potty training toddlers,toilet learning,Mga Epektibong Tips Para sa Potty Training ng mga Bata ,potty training boys, potty training girls, potty training age, gawin at hindi gagawin, sanggol, pag-unlad ng bata, pagsasanay sa banyo,Hindi kailangang ma-stress pagdating sa pag potty training ng mga bata. Basahin ang ilang tips mula sa mga nanay.
ParentingToddler TL

Mga Epektibong Tips Para sa Potty Training ng mga Bata

Ibinahagi ng ilang mga nanay ang kanilang mga payo sa pag-potty train ng kanilang mga anak
PHOTO BYiStock

Maituturing na isang milestone sa magulang kung pagdating ng tatlong taong gulang ay hindi na gagamit ng diaper, mapa-disposable o tela, ang kanilang anak. Meron ngang iba na matagumpay na nagawa ang potty training sa bata bago pa sila magdiwang ng unang kaarawan (basahin dito at dito para malaman kung paano nila sinimulan at nagawa).  

Ngunit dapat tandaan na magkakaiba ang mga bata pagdating sa pag-abot ng kanilang milestone, at mas magandang magsimula kapag napansin mo na handa na siya sa potty training. Kadalasan, pagdating ng edad na 2, mas naoorasan mo na ang pag-ihi at pagtae ni baby at nakikitaan na siya ng interes sa pag-ihi at pagtae sa banyo.  Narito ang ilang mga sensyales na handa na ang iyong anak: 

  • Nagpapakita siya ng interes tungkol sa banyo.  
  • Nagpapakita siya ng interes tungkol sa mga nangyayari sa kanyang katawan. 
  • Mas gusto niyang magsuot ng mga pull-up diapers o underwear.  
  • Ang kanyang lampin ay hindi gaanong napupuno o nananatiling tuyo sa loob ng maraming oras.  
  • Hindi siya komportable sa basa o maruming lampin at nais na magpalit kaagad.  
  • Marunong na siyang umunawa at sumunod sa mga simpleng direksyon.  
  • Kaya na niyang ipahiwatig ang kanyang mga pangangailangan.  

Kapag nakita mo na ang mga palatandang ito, pwede mo nang simulan ang potty training sa bata. Pero hindi ito kasing dali ng pagbilang ng 1-2-3. Ang potty training ay maaaring tumagal ng mahabang panahon; maaring hindi agad makuha ng iyong anak ang sistema para magtagumpay rito. 

Narito ang ilang bagay na dapat gawin at dapat iwasan habang kayo ay nagpa-potty train:

Dapat naka-focus ka sa iyong anak

Tanggalin mo ang lahat ng distraction, sabi ni Lora Jensen na sumulat ng librong 3 Day Potty Training (basahin ang iba pa niyang tip dito). Tapusin mo muna ang lahat ng iyong kailangan tapusin, mga lulutuin, at lahat ng walang kinalaman sa potty-training para matutukan mo ang iyong anak kung paano at kailan gagamit ng banyo. Ituro sa kanya ang mga senyales na dapat niyang abangan.

Dapat ipaliwanag mo sa iyong anak ang nangyayari sa kanyang katawan 

Nakakatulong ang pagbabasa ng mga kwento tungkol sa potty training sa iyong anak, pero gawin ito bago siya maupo sa potty at hindi kapag nakaupo na siya. Ayon sa ilang magulang, magdala ng libro para mapirmi ang anak sa toilet seat habang naghihintay siyang maihi o matae. Para sa ilang eksperto, okay lang ito. Subalit hindi ito dapat makasanayan ng bata dahil makakasagabal ito para maintindihan niya kung anong nangyayari sa kanyang katawan habang siya ay tumatae.  

watch now

Ipinakita ni Jamie Glowacki, sumulat ng librong Oh Crap! Potty Training, sa kanyang  YouTube video na “The Playdough Trick,” ang isang visual teaching tool para ipaliwanag sa mga bata kung anong nangyayari sa loob ng kanilang katawan kapag sila ay tumatae. Maganda itong panoorin ng mga bata na natatakot na tumae o sa mga natatae sa kanilang salawal dahil hindi sila umabot sa banyo.  

Maglagay ng clay sa iyong kamay at bumuo ng isang kamao. Ang maliit na pagbubukas na nilikha kapag ang iyong mga daliri ay malapit sa iyong hinlalaki ay isang tumpak na representasyon ng anus kung saan lumalabas ang tae. Dahan-dahang pisilin ang clay mula sa maliit na pagbubukas na iyon. Maaari mong gamitin ito bilang isang paglalarawan na magtuturo sa iyong anak kung kalian pupunta sa banyo (bago makalabas ang clay sa iyong kamao!)

Dapat subukang maglagay ng pambatang kagamitan sa banyo 

Maging ito ay child-sized potty o kombinasyon ng upuan o stool at pambatang toilet seat, pinapahiwatig nito sa iyong anak na hindi magtatagal, makakaya na niyang magbanyo ng mag-isa. Dapat ilagay ang mga kagamitang para sa potty training sa loob ng banyo, para matutunan niyang dumiretso rito kapag kailangan niyang umihi o tumae.  

Heto ang isang tip: lagyan ng coffee filter o dyaryo ang toilet seat para mapadali ang paglilinis. Kung gagamit ng upuan, siguruhing matibay ito para maiwasang madulas o matumba ang iyong anak. 

Huwag ring kalimutang maglagay ng child-friendly tools para makapaghugas ng maayos ang bata. Siguruhing maaabot niya ito. Kadalasang nakakalimot ang mga magulang na turuan ang kanilang mga anak na maghugas ng kanilang sarili, kaya kailangan pa nilang tawagin ang isang nakatatanda para hugasan sila. Subukang gawing masaya at kaaya-aya ang paghuhugas at paglilinis para mas madali sa kanilang matutunan ito. 

Iwasang magtanong ng “Gusto mo bang mag-CR?” 

Gusto ng mga bata na subukin kung hanggang saan ang kanilang kaya at ipakita na kaya nilang mag-isa. Sa madaling salita, gagawin nila ang mga ayaw mong gawin. Pero tandaan na may kaibahan ang pagpapaalala na kailangan nilang gumamit ng banyo laban sa pagtatanong lang sa kanila. Sa pagpapaalala, nararamdaman ng mga bata na responsibilidad nila ang sarili nilang katawan.  

Imbis na tanungin sila, mas nirerekomendang  sabihan at ayain na lang sila, ayon sa Good Housekeeping. “Halika, ihi tayo,” o “Baka kailangan mong tumae.” Bigyan siya ng kalayaan pumili. Magtanong ng “Gusto mo bang mauna sa banyo o ako na muna?” Pwede mo rin siyang bigyan ng hamon tulad ng: “Siguro kaya mo nang pumunta sa banyo ng mag-isa.” 

Iwasang pagamitin o alukin si baby kung gusto niyang gumamit ng diaper 

Kaya napaka-importante na handa na talaga ang iyong anak bago sumabak sa potty training. Dahil kapag sinimulan niyo na, hindi na kayo makakabalik pa. Maaring maging makalat ito, pero kailangan niyong maging consistent para agad masanay ang bata at mapagtagumpayan ang potty training. 

Sumang-ayon dito sina Jensen at Glowacki.  Kung nagpapakita ng mga  senyales si baby pero gusto pa rin niya mag-suot ng diaper, kailangan mong pag-isipan nga mabuti ang isyu. “Kung nagpapakita sila ng takot at pagkabalisa, kailangan niyong pag-usapan iyon,” paliwanag ni Glowacki. 

Iwasang suhulan si baby para gumamit ng banyo

Sa umpisa, maaring makatulong ito na palaging pumunta sa banyo kung sila ay iihi o tatae, pero tandaan na may ibang paraan para mapagtagumpayan iyon, ng hindi sila binibigyan ng reward. Subukan ang kantang ito na ginawa ni Stacia Wright, habang sinusubukan niyang i-potty train ang kanyang  2-taong gulang na anak. Naging viral pa ito. Babala: mahirap alisin ang kantang ito sa isip mo. 

Maglagay ng isang progress chart sa banyo. Sa pamamagitan nito, mapaparangalan mo ang mga pagsisikap at paggaling sa kanyang potty training skills. Maiintindihan rin niya na ang layunin ay hindi para makakuha ng premyo kundi matutunang gumamit ng banyo ng maayos at sa tamang oras.  

Mahirap talaga ang potty training ng bata, at kailangan dito ng maraming pasensya. Pero hindi mo kailangang pwersahin ang iyong anak kung hindi pa siya handa.  Mas magiging madali ang pagturo sa kanya na pumunta sa banyo para umihi at tumae kung talagang handa na siya para rito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close