embed embed2
3 Epekto Ng Labis Na Pagse-Selfie Sa Pag-iisip Ng Dalaga Mo
PHOTO BY Pexels
  • Lumalabas sa mga pag-aaral na walang ugnayan ang pagkuha at pag post ng mga selfies sa pagkakaroon ng poor body image at appearance concerns ng mga teenage girls.

    Ibig sabihin, ang simpleng pagkuha ng selfie at pagpost nito online ay hindi problema. Nagiging problema lang ito kapag masyadong maraming oras nang nauubos ang mga kabataan sa pag-eedit, paglalagay ng filter, at pag-cucurate ng kanilang mga larawan online.

    Ayon sa isang pag-aaral ng mga researchers mula sa University of Arizona, ang napakatagal at napakadalas na page-edit ng mga selfies pati na rin ang paghahanap ng perpektong larawan para mai-post online ang siyang nagdudulot ng tinatawag na self-objectification.

    What other parents are reading

    Ang self-objectification ang siyang pagmumulan ng body shame, anxiety, at hindi magandang pagtingin sa sarili. "The focus on taking the perfect selfie seems to be encouraging girls to learn to see themselves as external objects for people to look at and admire," paliwanag ni Jennifer Stevens Aubrey, isang associate professor of communication sa University of Arizona College of Social and Behavioral Sciences.

    Ayon naman kay Alexander Hamlet, PsyD, isang psychologist sa Child Mind Institute, kung tutuusin ay isang simpleng larawan lang naman ang selfie. Pinagmumulan lang ito ng mga problema kung ang mga larawang ito ay nagiging batayan na ng self-worth ng isang tao.

    "With makeup, with retouch, with filters, with multiple, multiple attempts, it's almost like you're never going to stack up," paliwanag ni Dr. Hamlet. Narito pa ang ibang epekto ng selfies sa pag-iisip ng dalaga mong anak.

    What other parents are reading

    Ang mga epekto ng selfie sa self-esteem ng anak mo

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Labis na paghahangad ng maging perpekto

    Gaano mo man bigyan ng papuri at encouragement ang anak mo, maaaring hindi niya ito makita dahil exposed siya sa ibang uri o batayan ng kagandahan. Iba kasi ang nakikita niyang 'maganda' sa mga social networking sites tulad ng TikTok, Snapchat, Instagram, at Facebook.

    Sabi nga ng mga eksperto, dati ay final na ang mga larawan. Ngayon, mayroon nang post-production.

    Aminado naman ang mga eksperto na may mga filters na nakakatuwa at talaga namang pampasaya lang. Ngunit may iba, tulad ng mga beauty filters, na maaaring magparamdam sa mga dalagitang nakakanita nito na hindi sila sapat.

    Sa katunayan, nakakasanayan na ng mga kabataan ngayon na ang itsura nila ay dapat may kaakibat na filter at hindi sila maganda kung wala ang mga ito.

    What other parents are reading

    Labis na pagkukumpara ng kanilang sarili sa iba

    Kaakibat ng paghahangad na maging perpekto ang walang katapusang pagkukumpara ng sarili sa ibang tao.

    Sabi nga sa amin ni Chesca Kramer sa isang encouraging video, ang anxiety ay namumula sa pagkukumpara. Nakakababa ng self-esteem ang patuloy na pagtingin sa buhay at itsura ng iba.

    Pinapatunayan ito ng resulta ng isang pag-aaral, kung saan lumabas na ang mga batang babae na umuubos ng maraming oras sa pagtingin ng mga litrato online ay nakakaranas ng kawalan ng tiwal sa sarili at walang tigil na pag-aalala sa kanilang timbang.

    What other parents are reading

    Labis na pagbibigay atensyon sa kanilang pisikal na itsura

    Hindi na bago ang labis na pagbibigay natin ng atensyon sa ating panlabas na anyo. Nasa mga kamay mo bilang magulang ang iparamdam at ituro sa mga anak mo na higit sa panlabas na anyo ay mahalaga ang pag-iisip at ginagawa ng isang tao—lalo na ang mga kababaihan.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Bagaman mahalaga para sa isang batang babae na matutunang magustuhan at makuntento sa kanyang itsura, mas mahalaga pa rin ang kanyang pag-iisip. Bukod pa riyan, may iba pang mga maaaring pagmulan ng ikatataas ng self-esteem ng isang tao.

    What other parents are reading

    Kung tutuusin, hindi naman talaga masama ang mga selfies. Hindi naman masama ang kumuha ng larawan mo lalo na kung naa-appreciate mo ang iyong itsura.

    Ngunit kung ikaw at ang anak mo ay nag-uubos na ng sobra-sobrang oras sa pag-eedit, pagpopose, pagdidirect at kung anu-ano pa ng inyong larawan, maaaring ito na ang makasama.

    Ikaw, paano mo sinisigurong maayos ang self-esteem ng mga anak mo at hindi ito naaapektuhan ng kanilang pagseselfie?

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close