-
Experts: Ito Ang Mga Magagandang Naidulot Ng Pandemic Sa Mga Teenagers
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sumikat ang metaphor na 'silver lining' nang gamitin ito ni Ms. Universe 2018 Catriona Gray sa sagot niya sa question and answer portion ng pageant. Ngunit ano nga bang ibig sabihin nito?
Ang silver lining, ayon sa Merriam-Webster, ay iyong pag-asa sa kabila ng isang hindi magandang sitwasyon. Sa nangyayari sa atin ngayon na talaga namang parang wala nang katapusan, hindi maiwasan ng marami sa atin na piliing tumingin sa silver lining.
Isa nga sa mga magagandang naidulot ng pandemyang ito ay ang pagkakaroon ng marami sa atin ng pagkakataon para makasama nang matagal ang ating mga mahal sa buhay.
Kung dati ay nauubos ang oras natin sa commute at sa traffic, ngayon ay pwede nang magtrabaho ang mga magulang sa bahay—pwede nang matutukan ang mga bata.
Hindi lang sa mga toddlers at preschoolers beneficial ang presence ng mga magulang. Maging sa mga teenagers ay may benepisyo rin itong lockdown.
Lumalabas sa pag-aaral ng National Institute for Health Research na mayroong pagbaba sa bilang ng mga teenagers na nakakaranas ng anxiety at iba pang mental health concerns. Sa una'y mahirap itong paniwalaan, lalo na't mas exposed sa social media ang mga kabataan ngayon.
Ngunit paliwanag ng mga eksperto, nag-improve ang mental health ng ilang teenagers ngayon dahil na rin sa kabawasan ng mga stressors tulad ng labis na pressure sa eskwelahan at bullying.
Sa kabilang banda, nariyan pa rin ang mga kaso ng cyberbullying—bilang magulang, kailangan talagang hindi ka makampante.
Bukod pa sa mga nabanggit, narito pa ang ilang magagandang naidulot ng pandemic sa mga teenagers:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagkaroon ka ng pagkakataong mas makilala ang teenager mo
Kung noon ay masyado kang busy at laging nakatutok lang sa mga gadgets ang mga anak mo, ngayon na kasama mo sila 24/7 ay may pagkakataon ka nang kausapin at mas makilala sila.
Makikita mo ang kanilang daily routines at matututunan mo ang kanilang mga hilig. Mas maipaparamdam mo rin sa kanila na nariyan ka para sa kanila.
What other parents are reading
Mas matututukan mo ang kanilang social media habits
Nakadepende sa social media at video conferencing apps ang karamihan sa atin ngayon, pati na ang ating mga anak. Ngayon ang pagkakataon mo para masigurong sa positibong paraan nagagamit ng teenager mo ang kangyang social media accounts.
Nabawasan ang pressure
Para sa nakararami, hindi na masyadong punong-puno ang schedule ng ating mga teens. Malimit ay dalawa hanggang tatlong oras lang ngayon ang ginugugol ng mga estudyante para sa kanilang pag-aaral. Mas komportable na rin sa bahay, lalo na kung nakapaghanda ang pamilya ninyo para sa distance learning.
What other parents are reading
Mas matagal silang nakakatulog at mas nakakakain sila ng masustansiyang pagkain
Dahil hawak niyo na ang inyong schedule at ang pamilya ninyo ang bahala sa routine, mas makakasingit ng tulog ang inyong mga teens. Mas makakakain din sila ng maayos ngayong ikaw ang naghahanda ng kanilang pagkain.
Ilan lamang ang mga ito sa mga positibong epekto ng pandemya sa mga teenagers. Sa kabilang banda, hindi lahat ay nakakaranas nito, lalo na kung pahirapan ang online learning at kung pinaghiwalay ng pandemya ang inyong pamilya.
Hindi maikakaila na napakahirap ng pinagdadaanan nating lahat ngayon at minsan ay mahirap tumingin o makita ang silver lining. Pero sabi nga nila, hanggat may buhay, may pag-asa. Marami pa ring mga magagandang nangyayari sa kabila ng lahat ng dulot ng pandemya.
CONTINUE READING BELOWwatch nowKayo, anong magandang nangyari sa inyo sa kabila ng COVID-19 pandemic? I-share niyo na ito sa comments section!
What other parents are reading

- Shares
- Comments