Tagalog,bullying,con-00370,sc23,paano maiiwasan ang pambubully,r08-em,scr24,Paano Maiiwasan Ang Pambubully | Smart Parenting,paano maiiwasan ang pambubully, bullying, bullying tips, bullying experiences, pambu-bully,Ang bullying ay isang paraan ng pananakit ng kapuwa sa paraang pisikal at sikolohikal. Mahalaga na malaman kung paano maiiwasan ang pambubully.
ParentingTweens & Teens

May Mainam Na Paraan Para Matulungan Ang Anak Kung Paano Maiiwasan Ang Pambu-Bully

Narito ang iba pang mga suhestiyon mula sa Unicef.
PHOTO BYCanva

Fact-Checked by Ronna Capili Bonifacio

Ang article na ito ay unang naipublish noong Hunyo 12, 2023. Nadagdagan ito ng updates noong Nobyembre 28, 2024.

Hindi na bago ang usapin ng bullying na nararanasan ng sinumang tao sa anumang sitwasyon, pagkakataon, o lugar. Kaya mahalaga na malaman, lalo na ng mga magulang, kung paano maiiwasan ang pambu-bully sa kanilang mga anak.

Maaaring ang bullying ay pag-atake sa aspektong pisikal o sikolohikal ng isang tao. Sa mga bata, kadalasan na nagsisimula ito sa simpleng asaran kapag naglalaro sila kasama ang kaibigan o kapatid. Hindi rin nito intensyong manakit dahil ginagawa ito sa isang pang-aliw na paraan o pagkakaibigan lang. Ngunit kapag ang asaran o panunukso ay hindi na mabuti at palagian na, maituturing itong pambu-bully na kailangang itigil.

Mga dapat malaman sa bullying

1. Ang bullying ay isang paraan ng pananakit ng kapuwa sa paraang pisikal at sikolohikal.

Nangyayari ang bullying, ayon sa Kids Health, kapag gumamit ng pisikal, berbal, at sikolohikal na paraan na ginagamit ang isang tao para makapanakit ng kapuwa. Itinuturing na bullying ang panghahampas, pagtulak, name-calling, pagbabanta, pangungutya, at pangingikil ng pera.

Ginagawa ng iba na tinatakot sila na magkakalat ng tsismis tungkol sa kanila o pinapaiwas ang ibang tao na makisama sa kanila. Sa kasalukuyang panahon, malawak din ang bullying gamit ang social media o mga elektronikong paraan gaya ng text messaging. Tinatawag itong cyberbullying.

RELATED: 3 Philippine Laws You Can Turn To Protect And Defend Your Child Against Cyberbullying

Ginagawa nila ito para tuyain ang iba, saktan ang damdamin ng iba, o sirain ang ibang tao. Batay sa website ng Unicef, ang bullying ay padron ng mga pag-uugali o kaasalan. Nahahati ito sa tatlong katangian:

  • Aksyon na sinasadyang magdulot ng pananakit–maaaring pisikal o sikolohikal
  • Paulit-ulit na ginagawa ang akto
  • Posisyon o pagkakaroon ng kapangyarihan

Karaniwan na ang pisikal na pananakit ay nararanasan ng mga lalaki. Samantala, sikolohikal at emosyonal naman ang  kadalasan na pinagdadaanan ng mga babae. Gayunpaman, masakit sa damdamin ng mga magulang na malagay ang kanilang anak na nasa ganitong kalagayan.

watch now

Sinasabi ring hindi isang hiwalay lamang na insidente ang bullying. Umuulit-ulit o mas patindi nang patindi ang sitwasyon. Karaniwan na ang nang-aapi ay iyong kabilang sa mas mataas ang katayuan sa lipunan, nasa posisyon, popular, o may kapangyarihan. Ang inaapi naman ay iyong mababa ang katayuan, may ibang identidad ng kasarian, may kapansanan, migrante at refugee, o kabilang sa komunidad na marginalized.

2. Nangyayari ang pambu-bully dahil sa nararanas din ng ibang bata ang ganitong sitwasyon.

May iba’t ibang dahilan at salik kung bakit nagagawa ng isang bata ang pambu-bully:

  • Nakikita nilang nakakayanan ang isang batang kaedad o nakababa sa kanila
  • Nahahatak sila ng ibang bata na gawin ito para mapabilang sa isang grupo
  • Nakaranas din sila ng pambu-bully
  • Humahanap sila ng atensyon o pagnanais na bigyan sila ng pansin
  • Inisip ng  bata na normal lang ang pambu-bully dahil sa pamilya na kinabibilangan niya palaging galit o nagsisigawan sa isa’t isa ang bawat miyembro nito
  • Napupulot nila mula sa mga palabas na napapanood

RELATED: 7 Rason Kung Bakit May Mga Nambu-bully

Epektong psychological ng bullying sa mga biktima at salarin

Paano nakakaapekto ang bullying sa mental health

May mas mataas na risk sa mga mental health problems ang mga biktima ng bullying, kasama na ditoo ang pananakit ng ulo, at ilang problema sa paaralan. Maaari din itong magdulot ng pang-matagalang problema sa pagpapahalaga sa sarili. Mas mataas din ang risk nila sa substance abuse, problema sa pag-aaral, at posibleng maging marahas sa ibang tao sa kanilang pagtanda.

Samantalang ang mga nang-bubully o mga salarin ay maaaring may dinaranas o makaranas ng depresyon at antisocial behavior.

Pangmatagalang epekto ng bullying sa social behavior

Ang mga batang nakakaranas ng bullying ay maaring makaranas ng depresyon at anxiety, kalungkutan, pag-iiba ng pattern ng pagtulog at pagkain, at kawalan ng gana o interes sa mga gawaing dati nilang ikinatutuwa.

    Mga senyales na maaaring nakakaranas ng bullying ang bata

    Maaaring makita ang mga senyales ng bullying sa anak pero kadalasan mahirap itong matukoy.

    Kapag may nakita kang pasa o sugat ang iyong anak, mahirap sabihin agad na nabu-bully siya. Maliban na lamang kung magsasabi nang totoo ang iyong anak. Pero kadalasan ang mga nabu-bully na bata ay hindi nagsasalita o nagkukuwento dahil sa takot na nararamdaman din nila. Pero sabi nga, mother knows best, at naniniwala tayong malakas ang pandama ng mga nanay.

    Kung may suspetsa kang nararanasan ng iyong anak ito pero ayaw niyang magsabi, humanap ng paraan na pag-usapan ito. Maaaring pansinin mo rin ang ilang nakaalarmang senyales ng pambu-bully:

    • Napapansin mong nagbabago ang kilos ng iyong anak
    • Pakiramdam mo na parang balisa ang iyong anak o hirap matulog
    • Pababago-bago ang kaniyang ugali o parang madali siyang mainis
    • Iniiwasan nila ang isang sitwasyon o pag-usapan ang isang paksa
    • Pagkakaroon ng takot at pag-iwas na sumama o dumalo sa mga okasyon

    Kapag nagtagal o pinabayaan ang anumang anyo ng pambu-bully sa mga bata, magdudulot ito ng pangmatagalang suliranin sa kanila. Bukod sa pisikal na epekto ng pambu-bully, makararanas din ng emosyonal at mental na suliraning pagkalusugan ang mga bata gaya ng depresyon at pagkabalisa. Kadalasan na humahantong ito sa pagbabago ng ugali at pakikisama, pagbaba ng mga grado  sa paaralan, at sa mas malalang senaryo ay nauuwi sa pagsawi ng buhay.

    RELATED: Epekto Ng Pambubully Sa Mga Bata: Isang Malalim Na Pagsusuri

    Anong dapat gawin ng magulang?

    Manatiling kalmado kung malaman mong nabu-bully ang iyong anak. Maraming paraan ang maaaring gawin para matulungan ang iyong anak. Pero hindi dapat na maging padalos-dalos sa paggawa ng hakbang o desisyon. Huminahon muna.

    Totoong nakagagalit at masakit sa damdamin ng isang magulang kapag nalaman mong binubully ang iyong anak. Ngunit walang mabuting maidudulot din kung agad na mananaig ang galit.

    1. Kausapin mo nang mahinahon muna ang iyong anak kung ano ang nararanasan niya.

    Kung hindi siya magsasabi, maaaring idaan ito sa pagtatanong. Halimbawa, may napanood kayong palabas o pelikula na patungkol sa pambu-bully, maaaring itanong kung ano ang naiinisip niya. Maaaring magbigay rin ng sitwasyon at hingin ang kaniyang opinyon tungkol dito o kung ano ang gagawin niya sa isang sitwasyon.

    2. Ipaunawa sa iyong anak na mahalagang magsalita kapag nakararanas ng pambu-bully.

    Ipaliwanag mo sa kaniya na paano kung nangyayari ito sa ibang tao, dapat bang manahimik na lang din sila. Ipaunawa rin sa kaniya ang halaga ng pakikipag-usap sa mga taong mapagkakatiwalaan sa kaniyang komunidad para hingian ng tulong  gaya ng kaniyang kaibigan, pamilya, guro, o school counselor.

    3. Alamin kung saan nangyayari ang pambu-bully sa anak bago gumawa ng aksyon.

    Kung sa paaralan nangyayari ang pambu-bullying, makipag-ugnayan sa paaralan o sa guro ng iyong anak. Ang bawat paaralan ay may sinusunod na programa para sa bullying at may mga mandato na dapat sundin para sa tamang pagpoproseso ng ganitong mga kaso. Mahalagang magtiwala sa mga kinauukulan sa pagbibigay ng aksyon.

    Kung sa komunidad naman, kausapin ang magulang ng nambu-bully hindi ang mismong bata. Huwag dumiretso sa batang nambu-bully at kagalitan ito agad  sapagkat hindi rin malinaw sa kaniya kung ano ang kaniyang ginagawa. Mahalaga ang responsibilidad ng kaniyang magulang para sa pagpo-proseso ng anak na nananakit at pagdidisiplina nito.

    RELATED: Anong Gagawin Mo Kung May Biglang Sumampal Sa Anak Mo?

    Paano maiiwasan ang pambu-bully?

    Turuan ang iyong anak tungkol sa bullying para alam niya kung ang nararanasan niya ay pambu-bully. Ito ang pinakamahalagang paraan para maiwasan ang pambu-bully sa iyong anak. Kung nauunawaan niya ang ginagawa sa kaniya, agad siyang makagagawa ng tamang hakbang.

    Narito ang ilang mungkahi mula sa Unicef para sa pag-iwas sa pambu-bully:

    1. Palagiang pangungumusta at pagkausap sa iyong anak.

    Mahalagang maging support system ng bata ang kanilang magulang at makatitiyak sila na palagi ka nilang puwedeng kausapin o lapitan. Makatitiyak silang magiging maayos din ang lahat.

    2. Pataasin ang tiwala o kumpiyansa sa sarili ng iyong anak.

    Hikayatin ang iyong anak na dumalo ng mga gawain o sumali sa mga programa sa inyong komunidad na makatutulong sa kanilang pakikisalamuha sa iba at pagpapatibay ng tiwala nila sa sarili. Huwag ding pagalitan ang iyong kung hindi siya lumalaban, sa halip magtiwala sa kakayahan nila.

    3. Maging bahagi ng kanilang komunidad o grupo.

    Makabubuti na maging pamilyar sa mga social media platforms na ginagamit ng iyong anak at kilala ang mga taong kaniyang nakakausap at nakakasama. Paalalahan din ang iyong anak sa tamang paggamit ng social media.

    4. Turuan ang iyong anak na maging modelo.

    May 3 partido ang bullying: ang biktima, ang nambu-bully, at ang nagmamasid.

    Maiiwasan nila ang pambu-bully sa pagiging inklusibo, magalang, at mabait sa kanilang mga kasamahan. Maaaring silang tumayo para sa biktima, mag-alok ng suporta, at magtanong ng mga gawi ng mga nambu-bully.

    5. Maging mabuting modelo sa iyong anak.

    Sabi nga, kung ano ang ginagawa ng matanda, ginaya rin ng bata. Ipakita sa iyong anak ang tamang pagtatrato sa ibang bata at nakatatanda nang may paggalang at kabutihan kasama na rin dito ang pagsasalita kapag may ibang taong inaapi. Malaking tulong ito kung paano maiiwasan ang pambubully.

    Frequently Asked Questions (FAQs0) ukol sa bullying

    Paano maipapaliwanag ang bullying sa murang edad ng mga bata?

    Maaaring mapaliwanag ang bullying sa mga bata sa pamamagitan ng:

    Pagpapaliwanag kung ano ang bully: Gumamit ng simpleng pananalita at mga konsepto na kayang intindihin ng iyong anak. Maaaring sabihin sa anak na ang bullying ay kapag sadyang nanakit ang bata o tao ng iba.

    Pagpapaliwanag ng iba't ibang uri ng bullying: May ilang uri ng bullying, gaya ng verbal, social at physical. Maaaring magbigay ng halimbawa para mas maintindihan ng anak, tulad ng:

    • Verbal bullying: Pagsabi o pagsulat ng mga masamang bagay, kasama na ang pang-aasar, pag-tawag ng masamang pangalan, o paggaya ng iba sa masamang paraan.
    • Social bullying: Ito ay ang paninira sa reputasyon o mga relasyon ng isang tao, gaya ng sadyang hindi pagsama ng isang bata sa mga aktibidad, pagpapalaganap ng hindi totoong kwento o tsismis tungkol sa isang tao, pagpapahiya sa isang bata sa harap ng iba, o paghihikayat sa ibang mga bata na huwag isama ang isang bata o makipagkaibigan dito.
    • Physical bullying: Ito ay ang pananakit sa ibang bata o paninira ng mga gamit nito, gaya ng paghampas, paninipa, paninilapid, panunulak, o pagsira ng mga kagamitang espesyal para sa bata.

    Paano malalaman ng magulang kung ang anak nila ang bully?

    Ang ilang mga senyales na maaaring bully ang iyong anak ay kung naging agresibo ito at palaging nakikipag-away, o nag-aalala ito sa kanyang popularidad o social acceptance.

    ---

    Mga pinagkunan ng impormasyon:

    Helping Kids Deal with Bullies

    https://kidshealth.org/en/parents/bullies.html

    How to talk to your children about bullying

    https://www.unicef.org/end-violence/how-talk-your-children-about-bullying

    ---

    Paano kung anak mo ang bully? Basahin dito.

    Trending in Summit Network

    lorem ipsum

    Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

    Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
    Read more
    lorem ipsum

    Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

    Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
    Read more
    lorem ipsum

    Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

    Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
    Read more
    Close