embed embed2
Mag-Breastfeed At Mag-Pump Sabay? Ito Ang 3 Essentials Para Mapadali Ang Buhay Mo
PHOTO BY Babymama.ph
  • Rekomendasyon ng mga doctor at iba pang experto na ekslusibong mag-breastfeed or magpasuso ng sanggol hanggang sa ika-anim na buwan nito. Ang breast milk o gatas ng ina ay nagbibigay ng maraming benepisyo para kay baby — lalo na hanggang sa ika-anim na buwan nito — at kay mommy.

    Maaring magpasya ang nanay na i-pump ang kanyang gatas. Ang nai-pump na breast milk ay isasalin sa breast milk bags o containers para mailagay sa freezer. Kung gutom na si baby, pwedeng i-thaw ang isang bag ng gatas ng ina para ipadede kay baby sa pamamagitan ng cup o bote.

    What other parents are reading

    Maraming pwedeng dahilan para mag-pump at mang-imbak ng breast milk. Maaring gusto ni daddy na makipag-bonding time kay baby kapag feeding time. O kaya, babalik na sa trabaho si mommy at hindi makapagpapadede nang madalas. Pwede ring nagsimula nang kumain ng solid food si baby at hindi na ganoon kadalas sumuso.

    Mga paalala kung magpapasuso at magbo-bottle-feed

    Kung nagpasya ka na magpa-pump ng breast milk mo, hindi ibig sabihin na hindi na magla-latch sa iyo si baby. Kailangan may regular schedule pa rin ng direktang pagpapasuso para hindi bumaba ang dami ng gatas na ginagawa ng katawan mo. Ang pag-latch ni baby ang nagsasabi sa katawan mo na gumawa pa ng maraming gatas at gatas na angkop sa nutrisyon na kailangan ni baby.

    Kailangan rin ang palagiang direct latching para hindi masanay si baby sa tsupon kung pinili mong mag-bottle feed. Kung masanay si baby sa tsupon, maaring hindi na siya mag-latch sa iyo at tuluyang bumaba ang supply ng gatas mo hanggang sa mapilitan ka nang tumigil magpasuso. Dagdag gastos ang pagbili ng gatas kung sakali, at mahirap rin maghahanap ng gatas na hiyang kay baby tulad ng gatas ng ina.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Mga bagay na kailangan mo para mag-pump at mag-breastfeed

    Isang tip galing sa mga nanay ay bumili muna ng paisa-isang klase ng feeding bottle para hindi masayang kung sakaling hindi ito matipuhan ni baby. Meron ding mga baby na ayaw talaga sa kahit anong klaseng tsupon, kaya walang choice kung hindi ipainom ang breast milk gamit ang mallit na tasa o baso.

    Bukod sa feeding bottles, narito ang mga iba mo pang kakailanganin para maging mas maayos ang transisyon ninyo ni baby.

    1. Nipple cream

    Ang nipple cream ay maaaring gamitin bago pa manganak. Ito ay tumutulong para ma-moisturize ang nipple o areola para hindi ito manuyo. Kapag dry ang nipples mo, mas malaki ang tsansa na magkasugat ka habang nagpapasuso or nagpa-pump ng breast milk.

     

    nipple cream
    Kakaunting cream lang ang kailangan ipahid sa nipples bago mag-pump or magpa-breastfeed. 
    PHOTO BY babymama.ph

    Buy it on Shopee here or Lazada here.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    May breastfeeding mommies rin na gumagamit ng virgin coconut oil (VCO) o ang breast milk nila mismo para i-moisturize ang kanilang nipples bago magpasuso.

    nipple cream
    Safe gamitin ang nipple creams para sa mga nasa ikapitong kabuwanan ng pagbubuntis at mga nagpapasuso. 
    PHOTO BY babymama.ph
    What other parents are reading

    2.Breast milk bags

    May containers na nakalaan para sa breast milk, ngunit maraming moms ang mas pinipili ang disposable bags para magkasya ang naimbak na gatas sa freezer. Ang mga breast milk bags ay dapat matibay at hindi masisira habang nakalagay sa freezer.

    milk bags
    Huwag pagsamahin ang breast milk na naipump mo ng magkaibang oras.
    PHOTO BY babymama.ph
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Buy it on Lazada here.

    Pagkatapos mag-pump ng gatas, isalin ito sa isang bag at lagyan ng kaukulang pananda o ang araw at oras ng pag-pump. Ito ang iyong gabay kung aling bag ng gatas ang dapat unahing ipainom kay baby. Huwag ding punuin ang bag dahil kapag nilagay ito sa freezer, ang gatas ay mage-expand. Sayang kung mabubutas ang bag at matatapon ang breast milk.

    milk bags
    Hindi kailangang punuin ng breast milk ang freezer kaya wag mag-pressure. 
    PHOTO BY babymama.ph

    Buy it on Lazada here or Watson's here.

    What other parents are reading

    3. Breast pump

    Maraming klase ng breast pump. Kailangang pag-isipan mabuti kung anong klase ng breast pump and dapat mong bilhin depende sa pangangailangan mo. Kung ikaw ay madalas magpa-pump ng gatas o 'di kaya ay wala masyadong oras para mag-pump, ang electric breast pump ang makakatulong nang mahigit sa iyo. Ang manual breast bump ay mas bagay sa mga nanay na minsan lang mag-pump ng gatas.

    milk bags
    Pwede ring gamitin ang manual breast pump para pangsalo sa gatas na tumatagas sa isang breast kapag nagpapasuso sa kabila.  
    PHOTO BY babymama.ph

    Buy it on Lazada here or Shopee here.

    Ang single or double pump naman ay siguraduhin din na sakto ang sukat ng breast pump flanges o ang parte ng breast pump na kinakabit sa iyong suso. Kung hindi ito sukat, maaaring masaktan ka o masugatan habang nagpa-pump.

    milk bags
    Maaari ring pumili ng maliit na breast pumps para madaling dalhin kung sakaling lalabas ng bahay.
    PHOTO BY babymama.ph
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Buy it on Shopee here or on Lazada here.

     

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close