Lahat ay nagdiriwang kasama ng aktres na si Angelica Panganiban nang isapubliko nito ang kaniyang pagbubuntis noong March 20, 2022, sa isang litrato sa kanyang Instagram account.
Kaya naman, lahat ay nakaabang sa mga bump updates nito, at hindi naman naging maramot ang 35-taong-gulang na aktres dito.
Nag-post si Angelica sa kanyang Instagram story kahapon ng isang mirror selfie na kuha ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.
PHOTO BY INSTAGRAM/IAMANGELICAP
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Bakas ang saya sa mukha ng aktres na nakasuot ng itim na fitted dress na lalong nag-emphasize ng kaniyang bump.
Tila marami pa tayong aabangan litrato mula sa mom-to-be dahil sabi ni Angelica, ang pagiging ina“ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko.”
Creative baby bump photo ideas
Narito ang mga baby bump ideas mula sa mga nanay na maaari mong gayahin para ma-dokumento ang importanteng panahong ito.
1. Unfiltered, beach feels
Kung may balak kayong mag-beach trip ngayong summer, pwedeng peg ang maternity photos ni Andi Eigenmann, na mayroong tatlong anak.
2. Painting
Kung ang iyong asawa o kakilala ay magaling mag-paint, pwede mong gawing canvass ang iyong baby bump tulad ng ginawa ni Mommy Cherlene Mandap. Siguraduhin lang na gumamit ng non-toxic paint.
PHOTO BY Cherlene Mandap
CONTINUE READING BELOW
Recommended Videos
PHOTO BY cherlene mandap
3. Mala-Diyosa
Lubusin na ang pagiging buntis at mag-photoshoot na ng bongga katulad ni Sheena Halili, na mala-diyosa sa kanyang ethereal-themed maternity photos.
Siguraduhin na gumamit ng make-up na safe para sa mga buntis. Basahin dito kung ano ang mga options mo.
PHOTO BY Nice Print Photography via Instagram/Sheena Halili
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Hindi naman kailangang maging stressful ang pag-document sa baby bump. Ang mahalaga, safe at komportable kayo ni baby dahil kahit anong pose ang gawin ninyo, tiyak na kakaiba at walang katulad ito.
Tingnan naman ang iba-ibang baby bump poses na pwede mong gayahin dito.
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!
You're almost there! Check your inbox.
We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.