embed embed2
  • 'Pinaka Importanteng Papel Ng Buhay Ko': Angelica Panganiban Sa Pagiging Soon To Be Mom

    Masayang ibinahagi ng aktres ng relationship milestone nila ng non-showbiz partner.
    by Angela Baylon . Published Mar 21, 2022
'Pinaka Importanteng Papel Ng Buhay Ko': Angelica Panganiban Sa Pagiging Soon To Be Mom
PHOTO BY (from left) instagram/iamangelicap, instagram/dimplesromana
  • "Sa wakas!!!"

    Ito ang excited na bungad ng aktres na si Angelica Panganiban nang ibahagi sa publiko ang kaniyang pagbubuntis.

    Sa kaniyang Instagram post nitong March 20, 2022, masayang ibinalita ni Angelica na magkaka-anak na sila ng kaniyang non-showbiz partner na si Gregg Homan.

    Kabilang sa post ang larawan at video ng kaniyang sonogram. Isa ring sweet na larawan nila ni Gregg ang kaniyang ibinahagi.

    Sa caption, hindi maitago ng 35-year-old Kapamilya actress ang kasiyahan sa relationship milestone nila ni Gregg. Sa dami ng taon niya ng pag-aartista, aniya ang pagiging ina ang "pinakahihintay" niyang role.

    "Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay, at pinakaimportanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako," sabi ni Angelica sa kaniyang caption.

    "Opo, may matres ako mga baklaaah!," pabiro niyang dagdag.

    Gayundin, nagpaabot ng pasasalamat si Angelica sa mga kapamilya at kaibigan "na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin."

    Agad ring bumuhos ang mga pagbati mula sa kaniyang mga kaibigan sa show business.

    Ang celebrity mom na si Anne Curtis, todo-suporta sa kaniyang kaibigan at sinabing, "Here for you kambal! Any questions, I’m here!"

    Nagpaabot din ng pagbati ang kaniyang kapwa-preggy mom na si Angeline Quinto. "Te Angge, nakakaiyak to.Congratulations," ani Angeline.

    Sa kaniyang Instagram stories naman, nagpasalamat si Angelica sa all-out support na ibinibigay sa kaniya ng kaibigan na si Judy Ann Santos, mula sa nanay tips hanggang sa mga ipinapadala nitong pagkain.

    "Thank you AuntieNang sa suporta, tips, prayers, at mga pinadala mong supply ng pagkain since day 1. Hindi ko na susubukan nakawin ang mga anak mo ngayong," mensahe ni Angelica kay Judy Ann.

    Espesyal din ang pagbati na nakuha ni Angelica sa kaibigan na si Dimples Romana na kailan lang ang ay inanunsiyo rin na buntis siya sa kaniyang third baby. Sumentro sa women empowerment ang mensahe ni Dimples:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "When WOMEN celebrate each other’s JOY! WOMEN supporting WOMEN. Ganun naman dapat di ba."

    "Belly BUMP to another gorgeous friend momma of ours @iamangelicap," ani Dimples.

    January 2021 nang unang kumpirmahin ni Angelica ang relasyon nila ni Gregg at ngayong 2022 ay nakatakda nilang ipagdiwang ang kanilang 2nd anniversary.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Tips para sa mga first-time mommies

    Walang playbook sa pagiging isang magulang pero may mga bagay na dapat malaman na makakatulong upang maging mas magaan ang mga unang araw mo bilang isang ina.

    1. Sumangguni sa mga eksperto tungkol sa mga tamang impormasyon sa pag-aalaga ng baby

    Maraming paniniwala sa kulturang Pinoy tungkol sa pag-aalaga ng baby ngunit mas mainam kung sasangguni sa mga eksperto upang masiguro ang kaligtasan ni baby.

    Bilang first-time parent, natural na marami kang katanungan at hindi sigurado sa pag-aalaga ng iyong sanggol. Maaaring umattend ng mga parent seminars or workshop bago manganak.
    Mainam rin na magkaroon ng bukas na komunikasyon sa iyong doktor o pediatrician para sa ano mang katanungan na mayroon ka. 

    2. Huwag mag-alinlangan na gawin ang tinatawag na "kangaroo care"

    Ang kangaroo care ay ang matagal na skin-to-skin contact ng sanggol hindi lang sa ina kung hindi sa iba rin miyembro ng pamilya. Makakatulong ito upang pakalmahin ang newborn na naninibago pa sa kaniyang bagong environment.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Taliwas sa paniniwala ng iba, hindi nagiging dahilan upang maging spoiled ang baby kung lagi silang hahawakan at kakargahin.

    3. Huwag kalimutan alagaan ang sarili

    Habang tutok sa pag-aalaga ng baby, huwag rin kalimutan na bigyang-pansin ang iyong sarili. Maaaring nakaka-overwhelm ang pag-aalaga ng sanggol pero mahalaga rin na tutukan ang iyong kalagayan.

    Hindi basta-basta ang panganganak at kailangan mo rin ng sapat na pahinga. Huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa iba kung nakakaramdam ng pagod. Hindi ito masama at hindi ito makakabawas sa iyong pagiging ina.

    Basahin ang ibang tips para sa mga first-time parents dito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close