;
embed embed2
  • Ano Ang Spotting? 4 Pagkakaiba Ng Menstruation At Implantation Bleeding

    Kadalasang napagkakamalan na ordinaryong regla ang posibleng simula na pala ng pagbubuntis.
    by Jocelyn Valle .
Ano Ang Spotting? 4 Pagkakaiba Ng Menstruation At Implantation Bleeding
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Sinabing tricky ang first trimester ng pagbubuntis. Ito kasi ang panahon na adjusting ka pa lang sa marami pang mga pagbabago sa iyong katawan, lalo na kung first time mo ito. Kaya aakalain mong menstruation lang, halimbawa, pero implantation bleeding na pala kung ano ang spotting na nararanasan mo.

    Ano ang spotting hatid ng implantation bleeding

    Nangyayari ang implantation bleeding kapag ang fertilized egg ay kumapit na sa uterus, na tinatawag ding endometrium. Ito ay ayon sa American Pregnancy Association (APA). May detalyadong paliwanag ang What to Expect tungkol diyan.

    Sa sandaling naisakatuparan ang fertilization ng egg cell sa tulong ng sperm, ang nabuong embryo ay magsisimulang mahati at lumaki habang nagpapadala ng senyales para ihanda ang katawan para sa pagbubuntis. Kasabay niyan ang patuloy na paglago ng endometrium para maprotektahan ang embryo o si baby sa loob ng nine months.

    Pagkaraan ng mula 6 hanggang 12 na araw ng fertilization, gagalaw ang embryo papunta sa uterus at ikakabit nito ang sarili sa endometrium. Sa ganyang puwesto, aasa na lamang ang embryo na makakakuha ng oxygen at nutrients mula sa katawan ng buntis.

    Ang paggalaw ng embryo papunta sa uterus ang magdudulot ng pagputok ng mga maliliit na blood vessels at tuluyang nagiging implantation bleeding. Hindi naman kailangang mabahala, sabi ng APA dahil wala itong masamang epekto sa iyo o sa iyong dinadalang sanggol.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa spotting, maaari kang makaranas ng iba pang sintomas. Kabilang diyan ang mga sumusunod:

    • Kaunting pagkirot ng puson (cramping) na hindi kasing grabe ng normal period
    • Pagbabago-bago ng mood
    • Pananakit ng ulo
    • Pakiramdam ng pagduduwal (nausea)
    • Pagkirot ng mga suso (breast tenderness)
    • Pananakit ng ibabang parte ng likod (lower backaches)

    Kung tutuusin daw halos magkapareho ang mga sintomas ng implantation bleeding sa mga senyales ng ovulation (ang paglabas ng mature eggs mula sa ovaries) at ng premenstrual syndrome (PMS), kung kailan parating na ang regla.

    Mga pagkakaiba ng implantation bleeding at menstruation

    Dahil nangyayari ang implantation bleeding ilang araw bago ang inaasahang buwanang dalaw, hindi mo maiiwasan na mapagkamalan itong menstruation. Pero, sabi ng mga eksperto, may ilang pagkakaiba.

    Pagsakit ng puson (cramping)

    Hindi tumatagal ang cramping dulot ng implantation bleeding, sabi ni Dr. Anuja Vyas, isang obstetrician-gynecologist at Fellow of the American Congress of Obstetricians and Gynecologists (FACOG). Kahit tumindi pa ang kirot, aniya sa Parents, hindi pa rin ito kaparis sa regla.

    Kulay ng discharge

    Nagsisimula ang menstruation sa kulay pink-brown at nagiging bright red hanggang dark red. Ang implantation bleeding naman, pink-brown lang talaga ang discharge, na tinawatag ding spotting.

    Pamumuo ng dugo

    Kung may pamumugo ng dugo (clotting) sa menstruation, wala naman nito sa implantation bleeding. Katunayan, sabi ng APA, dapat patak-patak at pawala-wala lang ang dugo, kaya hindi kailangan ng ilang palit ng napkin. Iyan naman ang nangyayari kapag nireregla.

    Gaano katagal

    Kumpara sa menstruation, na tipikal na tumatagal ng mula tatlo hanggang pitong araw,  puwedeng ilang oras lang o di kaya hanggang tatlo araw ang implantation bleeding.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    May eksplenasyon si Dr. Jay M. Berman, FACOG at professor ng obstetrics and gynecology sa Wayne State University. Aniya sa Parents din, may mga kababaihan na nakakaranas ng implantation bleeding na kasing lakas ng unang araw ng kanilang regla. Pero tumatagal lang ito ng ilang araw.

    Sa kabila ng mga ganyang pagkakaiba, sabi ng mga eksperto na hindi pa rin ganoon kadali na makasiguro kung alin sa menstrual at implantation bleeding ang nararanasan. Kapag payo nila na kumuha ng pregnancy test para makasiguro, lalo na kung nagpaplano ka talagang mabuntis.

    Senyales ba ang implantation bleeding ng pagbubuntis?

    Mainam na kumuha ng pregnancy test tatlong araw pagkatapos makaranas ng spotting, sabi ni Dr. Vyas. Gawin daw ito lalo na kung sexually active ng nakaraang buwan at nagkaroon ng spotting. Kapag kumuha ka ng pregnancy test pagkatapos ng inaasahang araw ng regla, at negative ang resulta, malamang na hindi ka buntis.

    Bukod kasi sa implantation bleeding, maaari ring magdulot ng spotting ang paggamit ng birth control pills. Isa pang dahilan ang pagkakaroon ng polycystic ovary syndrome (PCOS). Kaya paalala ng mga eksperto na hindi tamang batayan ng pagiging buntis kung ano ang spotting na inaakala mong implantation bleeding.

    Basahin dito kung paano malalaman kung buntis.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles